4

9 0 0
                                    

1-[Four]-3-4-4-5-2-5-6-6-!

Tammy's POV

Hi every Juan! Napakilala na siguro ako sa inyo ni Ahra noh? Yeah right! I'm her harsh bestfriend. Prangka kumbaga.

Ayoko lang naman na masaktan sya tulad ko, kaya naman dapat habang maaga  pa, ipamukha na sa kanya yung mga possible scenario's kapag patuloy pa syang nag-a-assume sa mga bagay-bagay.

Like that Macky guy!

Classmate nya. Pero sabi nya, schoolmate din daw namin yun nung high school. Pero hindi ko naman nakikita. At schoolmate din daw nya yun nung elementary.

Long time crush nya.

PWE!

Tsk! Anyways. Nagtataka siguro kayo kung bakit alam ko ang story behind sa pagkakagusto ni Ahra kay Macky noh?

Tuwing nagkikita kasi kami, palagi syang nagku-kwento about kay Macky.

Actually, hindi ko pa talaga yun nami-meet ng personal. Pero kilala ko sya. Parang bio-data ba naman magbigay ng info yang si Ahra eh. Kilala ko rin sya sa mukha. Nakita ko sa FB account nya.

Syempre, courtesy of Ahra ulit yun.

Pero ang sabi nya, kilala daw ako ni Macky sa text. Hiningi ko kasi dati yung number nun. Para sana pag-tripan. Basta, parang kukuha ako ng iba pang info about sa kanya. Yung personal.

Ang sabi ko pa nga, okey lang na magkwento sya, kasi hindi naman nya ako kilala.

At syempre, dahil mabait ako, yung  malalaman ko  isi-share ko kay Ahra. Ang kaso nga lang, masyadong ma-sikreto yung lalaking yun. Kaya wala rin akong nalaman.

At eto pa, ang shungang si Ahra, nadulas. Kaya wala na talaga akong malalaman about sa kanya. Nasabi ba naman na ako yun. Eh hindi nga ako nagpakilala eh. Tsk! Pero hanggang dun lang naman yung nalaman nya.

Hindi nya nalaman yung hidden agenda namin. Ang alam lang nya, napag-tripan ko lang ang number nya. Hahaha ^^v.

At ngayon nga, pinapunta na naman nya ako dito. May "love problem" na naman daw sya. Okey lang naman, dahil maagang natapos ang class ko ngayon. At syempre, matitikman ko na naman ang favorite combo ko dito sa school nila.

------------------ -----------------

------------------ -----------------

Ahra's POV

"Ano ba naman to, Tam?! Pinapunta kita dito para tulungan ako sa problema ko. Hindi para sagutan ko tong assignment nyo sa math."

Bwisit na babae to. Pagkatapos ba naman naming bumili ng pagkain namin (na libre nya), bigla ba namang pinasagutan  sakin yung assignment nila sa math.

"Ito naman, tutulungan naman kita mamaya eh. Ang kailangan mo lang naman ay advice. Ako, kailangan ko ng sagot dyan." sabi nya sabay sipsip sa Grahamm Shake nya.

Psh! Wala akong panama dito. Susumbat pa sakin nyan yung pamasahe nya papunta dito, pati yung time nya, pati yung pinang-libre nya sakin. Pero syempre pabiro lang.

Pero totoo naman =_______=!

Sus! Ganyan na ang mga tao ngayon, idadaan sa biro yung panunumbat. Pero depende parin naman yan if kilala mo na talaga ang isang tao, kung mamasamain mo yun o hindi.

#1 Question:

Solve | 5 x - 3 | = | 2 x + 9 |

"Taena! Ano ba to, Tam?! Hindi ka ba nag-high school? Tsaka Multimedia, may math?"

"Oy! OA ka ah! Hindi ba pwedeng nakalimutan ko na kung pano? At ewan ko din kung bakit may math dun."

"Tsk! Umatake na naman yang memory gap mo. Pa-check up ka na nga." sabi ko tsaka binalingan ko ulit yung notebook nya.

#1 Answer:

5x - 3 = 2x + 9

3x = 12

x = 4

OR

5x - 3 = - (2x + 9) = - 2x - 9

7x = -6

x = -6

Tapos na ang number one, pero wala man lang pakialam to sakin at nagtitingin-tingin lang sa paligid ng Lagoon kung saan kami nakatambay ngayon. Wala narin pala akong class kaya  okey lang tumambay.

So yun, sumipsip muna ako sa shake ko at sumagot ulit.

#2 Question:

Given: f (x) = 3x , g (x) = x + 1

find a.) f [g (8)] and b.) f [g (11)]

Ano ba naman tong assignment nila, halu-halo. Yaan na nga. Ice lang.

Hahaha! Math wizard lang ang peg ko.

#2 Answer:

a.) f (x + 1)

    f (8 + 1)

    f (9)

f (9) = 3x = 3 (9)

      = 27

b.) f [g (11)]

    f [x + 1]

    f [11 + 1]

    f [12]

f (12) = 3x = 3 (12)

       = 36

At yun na. Sunod-sunod ko ng sinagutan.

After mga 15 minutes siguro, natapos ko na din. Mabilis ba? Hindi ah! 1 to 10 lang naman eh. Kaya mabilis lang.

"Oh ayan na, Madam! Tapos na." tsaka ko inabot sa kanya yung notebook at ballpen nya.

"So bakit mo ba ako pinapunta dito?" sabay kagat sa F.E.W.A. (Footlong with Egg Wrap Around) nya.

"Hindi mo parin ubos yan?" sabi ko with matching taas kilay.

"Nukaba! Ang masarap na pagkain, dapat hindi minamadali. Dapat nina-namnam. So ano na nga?"

"Psh! Eh kasi ganito yun...."

At ayun na nga,  kinuwento ko sa kanya yung so-called love problem ko.

*Flashback*

Habang naghihintay kami ng prof. namin sa accountancy, narinig ko na lang na nag-"ayiie" yung mga classmates ko sa bandang likod.

Eh since ako yung class president, kailangan ko silang patahimikin. Dahil baka mamaya, biglang dumatimg yung prof. namin at maabutan kaming maingay.

Sabihin pa na wala akong kwentang president.

So yun nga, tumalikod ako. Pero sana pala hindi na lang pala ako lumingon. Tsk. Ang panget ng nakita ko eh. Para sakin.

Si Macky kasi, naka-akbay dun sa classmate namin na babae. Si Jane. Sya rin yung classmate ko na nali-link kay Macky. Masyado daw kasi silang malapit.

And speaking of malapit. Hindi lang basta naka-akbay si Macky kay Jane, yung mukha pa nya, malapit sa pisngi ni Jane. Naka-sideview kasi sa kanya si Jane. Na obvious na kinikilig.

Kung maka-blush naman kasi, parang wala ng bukas. Pulang-pula. Tinalo pa ang kamatis.

Psh </3 TT^TT

Kaya yun. Bitter si ako.

*End of Flashback*

------------------ -----------------

------------------ -----------------

1434452566! [Edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon