Ang nakalimutang simula | 01

142 20 3
                                    

༺༻

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

༺༻

"Inay! Palabasin mo na ako rito!"

Buong lakas ng magandang dalaga ay ibinuhos niya sa pinto na nasa kaniyang harapan. Kasabay ng bawat paglapat ng kaniyang balat sa matigas na kahoy ay ang kaniyang mga palahaw at pagmamakaawa, umaasang sa kaniyang pagtangis ay ang muling pagbukas nito—ngunit bigo siya.

Halos masugat na ang makinis niyang balat sa kahahampas ngunit walang nagbukas ng pinto, at dahil sa pagod ay napaupo na lamang siya sa sahig at doon itinuloy ang pag-iyak.

Nang siya'y magsawa sa pagtangis ay walang lakas niyang inabot ang bote ng tubig sa sahig at isang plato na puno ng pagkain.

Sa mahigit ilang taon na siya'y nakakulong, tanging isang plato at isang bote lamang ang nasisilayan niya araw-araw. Pinagkakasya ito sa ilalim ng pintuan tuwing sasapit ang umaga, tanghali, at gabi. Iba't ibang putahe sa isang araw. Masuwerte na kung tutuusin kaysa gutumin siya sa loob ng kaniyang selda — ito ang tawag niya sa apat na sulok na pinagkulungan sa kaniya; walang dekorasyon, maging kulay ay wala. Isa lang itong kuwartong gawa sa sementong pulido ang pagkakagawa.

Habang kumakain ay pinagmamasdan niya ang maliit na bintana. Dito lamang niya nakikita ang liwanag mula sa labas — labas na pangarap niya na muling masilayan.

Matapos kumain, muli niyang itinulak palabas sa uwang ng pintuan ang kaniyang pinagkainan.

Bigo siyang muling bumalik sa kaniyang higaan upang muling magmukmok.

"Bakit kasi wala akong kapangyarihan?" naitanong niya sa pagitan ng kaniyang paghikbi, ilang segundo bago isubsob ang mukha sa malambot na higaan.

Sa kaharian na kaniyang kinabibilangan, sumpa ang kawalan ng kapangyarihan.

Ang ikulong siya ang tanging solusyon ng kaniyang ina para hindi siya ipapatay ng Hari. Iyon ang pagkakaalam niya.

Sa tagal niya nang nakakulong, sinubukan niya na ang lahat ng palusot ngunit nabibigo lamang siya. Isang healer ang kaniyang ina, alam nito kung may sakit siya kahit hindi siya nito tingnan. Hindi siya makapagsisinungaling dito.

Sa panahong nakakulong siya, ang tanging iniisip niya lamang ay ang tatlo niyang kapatid; kung ano na ang kalagayan ng mga ito sa labas. Naaalala pa kaya siya ng mga ito?

Sa sobrang tagal niya nang nakakulong hindi niya na mabilang ang taong inilagi niya sa loob. Hanggang ngayon, pinanghahawakan niya pa rin ang pangako ng kaniyang ina na ilalabas siya nito sa panahong tumuntong siya sa tamang edad. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ilang taon pa ang kaniyang ilalagi na mag-isa.

Sa kaniyang katawan, bakas na ang pagkadalaga. Minsan nga ay hindi niya maiwasang matuwa kapag may naririnig siyang kasiyahan sa labas. Kapag may paputok at pailaw ay natutuwa siya; ito kasi ang natatangi niyang palatandaan na natapos na naman ang taon at madadagdagan na naman ang edad niya.

Mabilis siyang napabalikwas sa pagkakahiga ng maramdaman niyang may tao sa labas ng pinto. Lumapit siya rito upang pakinggang kung sino ang nasa labas.

Sa kaniyang isip, sigurado siyang hindi ito ang kaniyang ina. Alam niya; sapagkat kanina lang ito nagdala ng pagkain sa kaniya. Bukas na ulit ito babalik.

Agad naman siyang napaatras nang may narinig na baritonong boses na bumibigkas ng spell mula sa labas. Agad siyang nakaramdam ng panganib. Bumilis ang pinting ng kaniyang puso.

Agad siyang nataranta at sumilong sa ilalim ng kaniyang kama upang magtago.

Nagsumiksik siya roon at pumikit nang mariin nang marahas na nagbumukas ang pinto. Tatlong pares ng sapatos ang nasilip niya nang siya'y magmulat.

Base sa simbolong nakalagay sa mga sapatos ng mga ito, nalaman niyang mga taga-ibang kaharian ang mga nakapasok. Ngayon pa lang kasi siya nakakita ng ganoong simbolo, ang tatak kasi na mayroon ang kaharian nila ay anyong tubig, ang mga ito ay mistulang mga apoy.

"Sigurado ka bang nandito nga iyon?" isang mapanuyang boses ang nagtanong. Kasunod nito ang pagpihit ng isang pares ng sapatos paturo sa ilalim ng kama.

Agad niyang tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang mga kamay. Iniiwasang makagawa ng ingay.

"Oo, nararamdaman ko ang Kai niya rito."

Kasabay ng pagtataka niya sa sinabi ng lalaki ay ang pag-angat ng kaniyang kama at paghagis n'on sa pader. Agad niyang naikubli ang mukha niya gamit ang kaniyang dalawang kamay dahil sa takot.

Napasinghap siya ng may humawak sa kaniyang kamay at sapilitan siyang pagmasdan nito.

"Magmulat ka," malamig na utos ng lalaki.

Mabilis naman siyang tumalima at dumilat dahil sa takot.

Tumama ang kaniyang paningin sa  lalaking may kulay berdeng mga mata.

"Nandito kami upang dakpin ka."

Pag-ibig Sa KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon