Synopsis

97 11 3
                                    

Kapayapaan ang siyang ipinagkaloob ng mga Diyos at Diyosa sa mga tao ng Limbus world kapalit ng matapat na serbisyo. Ilang daang taon namayani ang katahimikan sa sansinukob matapos ang kasunduan. Payak na pamumuhay kapalit ng proteksiyon sa mga mananakop ng mundo.

Ngunit dahil sa kasakimang mananaig sa puso ng mga mortal, nagulo ang maayos na mundo at nagkawatak-watak ang mga lupon. Nakita ng mga tao ang kahinaan ng mga Diyos at Diyosa. Bumaliktad ang kapalaran at nasupil ang mga immortal sa pamamagitan ng itim na kapangyarihan.

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng malawakang paglipol sa Limbus. Ang lahat ng mga nilalang ay nagkaroon ng taglay na kapangyarihan na naging dahilan ng malawakang pagkawasak at pagkawatak-watak. Nahati sa maraming kontinente ang Limbus world.

Ang nasabing digmaan ay nagtuloy-tuloy hanggang sa bumukod ang bawat kaharian sa pamamahala ng mga hari. Bumuo ng makapal at mataas na harang ang bawat kaharian.

Natigil lamang ang gulo nang muling magpadala ang kataaas-taasan Diyos ng mga Bathala sa lupa.

Kada isang dekada ay nagkakaroon ng kalayaan ang apat na kaharian upang magsagawa ng malayang digmaan. Ito'y napagkasunduan sa Alteria—ang paaralang pinamamahayan ng mga tagapagbalanse.

Sa gitna ng pang-apat na labanan, dalawang pusong nagmamahalan ang lalaban para mabuhay. Binaluktot ang nakasanayang pamumuhay at isinuko ang sarili sa isa't isa.

Ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang kaligayahan, dahil kasabay ng madugong pagtatapos ay ang pagbawi ng tibok ng puso ng isang nilalang.

Dahil sa pangungulila, sinubukang manipulahin ng babae ang oras at paulit-ulit na ibalik ang mga pangyayari.

Sa ilang ulit na pagkabigo, magagawa niya na kayang iligtas ang kaniyang pinakamamahal?

Pag-ibig Sa Kamatayan

Pag-ibig Sa KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon