Pag karating namin sa condominium ni Mom ay agad akong bumaba. Sumunod naman si Mommy sakin pag katapos niyang i-park ang sasakyan niya sa underground parking. Naglakad na kami patungo sa elevator. Nang bumukas ito at pumasok kami ay pinidot niya ang 14th floor.
Pag karating namin sa 14th floor ay tumambad sakin ang maluwang na hallway. Sa dulo nito ay may isang pinto. Samantalang sa magkabilaang side naman ay may tig dalawang pinto. So every floors ay may limang unit?
Naunang naglakad si Mommy at agad ko naman siyang sinundan. Nakita kong tumigil siya sa isang pinto. Sa dulo ng hallway. Unit 68.
May kung anong pinidot si Mom sa door. Na sa tingin ko ay passcode, at saka bumukas ang pinto. Pumasok na siya sa loob. Sumunod naman ulit ako at napa hanga sa ganda ng unit. Maluwang naman dito pero... mas maluwang nga lang ang bahay namin. Ang una kong napansin ay Color pink lahat ng gamit dito. Sofa, Flower Vase, Carpet, Throw Pillow at iba pa. Pink palettes ang design ng buong condo. Napatingin din ako sa mga picture frames na naka sabit sa wall sa may hagdanan. Picture lahat ni Mommy nung highschool at college siya. Color pink din ang frames nito. Ang isang picture naman kung nasaan nakangiti si Mommy kasama si Lola at Lolo which is Family picture nila, pero hindi katulad ng ibang picture frames, hindi siya pink. It's black.
Nilipat ko ang tingin sa sala. May malaking flat screen na TV. May dalawang human size teddy bear na color grey sa magkabilaang sides ng TV. May kulay white na Sofa at mayroon itong tatlong pink na unan. May Pink na carpet din sa ilalam ng sofa at kulay white na flower vase sa gitna ng table na sa tingin ko ay set ng sofa. Hindi naman totally pink ang color ng unit na ito. Color pink palettes. All color of pink, kaya hindi masakit sa mata. Instead it's cute.Buti nalang at girly ako, kung hindi ay baka maasiwa lang ako dito sa condo ni Mommy. Now I know kung anong favorite color niya. Baby pink. Pareho kami.
Gabi na nang nakarating kami dito kaya naman nakatulog ako agad nang tinuro ni Mom ang magiging kwarto ko. Katabi ng kwarto niya. Parehong queen size ang bed namin. At katulad sa sala ay pink din lahat ng gamit dito.
~~~
Kinubukasan ay nagising ako ng maaga. May klase pa kasi ako at malayo pa ang school ko kaya nagising ako ng maaga. Nakaligo na ako't nakapalit at lahat lahat. Pumunta ako sa kitchen para sana kumain ng breakfast pero nagulat ako ng sabihin ni Mommy na hindi raw ako papasok.
BINABASA MO ANG
Voice (ON-GOING)
Teen FictionHarmony Series #1 Vivoree Heart Swift is a simple girl living in a simple life. Siya ay simpleng studyante lamang. Sa kasimplehan niya ay maraming nahuhumaling sakanyang lalaki. Sinong hindi maaakit sa babaeng matalino, maganda, maputi, mabait at hi...