"Matamlay ka?" Tanong ng Kapatid ko.
"Lakampake." Sagot ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Habang nilalaro ang dahon ng halaman sa daliri ko. Hays, ampanget ng bakasyon nato!
"Anong wala? Kanina ka pa dyan nakaupo. Yan tuloy, gusot-gusot na damit na hiniram mo sa'kin. Bigay pa naman yan ni Daddy Zandro."
"Tumahimik ka nga." Saway ko
"Feeling broken ang tae, naging tomboy lang si Kirsten? Pake nu'n sayo?" Tanong ng Kapatid ko. Si Kirsten yung leading lady ng Twilight si Bella Swan.
"Girl crush ko pa naman siya." Sabi ko, napakawalang kwenta naman ng Topic.
"Bisexual ka na niyan?"
"Yuck! Iww!" Sabi ko agad. N E V E R! Nagtawanan na lang kami ng pinagtitinginan kami ng mga tao sa labas ng bahay. Nasa tapat kasi kami ng bintana.
"Napaka walang kwenta naman ng Tapik natin, feeling broken ka kasi. Nag-aalala ako sa damit ko." Sabi niya at Hindi ko nalang pinansin.
"Hays, amboring! Walang signal!" Bigla kong sigaw.
"Festival kasi, ugok!" Sabi ng tambay katapat lang ng bahay namin ang tindahang tinatambay niya. Pinagmasdan ko siya,
Ugok, mukang tae, panget, naka-cap kasi. Hays, kala niyo gwapo noh? Sa Wattpad lang yun.
"Yuck, efsi talaga ang mga asong gala dito nuh?" Tanong ko kunwari.
"Anti Helen, may asong gala na nagtatambay sa tindahan niyo. Malas daw yun!" Sabi ng Kapatid ko, binatukan ko nga. "Aray! Totoo naman ah?!" At sabay kaming tumawa.
"Anti Rie! Kailan niyo po binili ang dalawang unggoy na nagsisilip sa bintana niyo?" Pasigaw na kunwari tanong ng tambay.
Taena, unggoy? Did he just say monkey?
"Anong sabi mo?!" Tanong ng Kapatid ko.
"Nagsasalita pala ang mga unggoy niyo anti, anong breed po?" Tanong ng tambay.
"Anti Helen, alisin niyo nga ang asong gala sa harap ng tindahan niyo." Ani ng Kapatid ko na ikinatuwa namin.
"Oo nga anti, nagpapangit ng view." Dagdag ko.
"Nagpapangit ng View? Andito ba kayo?" Tanong ng Tambay.
Maya-maya may dumating na grupo ng mga basketball players. Malapit lang kasi sa'min ang plaza na may basketball court.
"Chad! You're here! Tara laro tayo!" Chad pala yun? Yung tambay.
"Ay, Bruh. It's been a while." Nang-eenglish pala yon?
"Kamusta nga pala sa France?" Tanong ng matangkad sa kanila, nakatalikod kasi sila sakin.
"It's fine, yet boring." Sagot naman ng panget na may pangalang Chad.
"Madami bang chicks do'n?" Tanong ng naka-red ang buhok. Mukhang chickboy.
YOU ARE READING
Chasing Memory
General Fiction"I love breaking bones." "She's Nebuchadnezzar!" "Learn to fight!" "No, Boom." "A del Palacio died."