Six

10 2 0
                                    


DAVE'S POV.

di ko parin talaga lubos na maisip,kitang kita ko si amethyst bakas sa mukha niya ang kasayahan ng dumating si jelmer halatang close na close sila,oo alam ko alam ko na may gf na ako pero hindi ko talaga totoong gusto si shane napilitan lang ako kasi pinagbigyan ko yung hiling ni mama, oo habang tumatagal nagkakaroon ako ng feelings para kaya shane pero mas nananaig parin talaga sa puso ko si amethyst, ayokong magkasala kay shane dahil alam ko na mahal na mahal niya ako. Siguro mas ok na muna yung sakin ngayon may nagbabantay naman na kay amethyst e at alam kong hindi nila sasaktan si amethys..

Kasalukuyang nasa school ako ngayon at nandito si raineson amethyst at jelmer nag uusap usap sila,sobrang saya ni amethyst at halatang miss na miss na niya ang kaibigan niya, kaya ng muli niya itong makasama ay wala na siyang sinayang na oras.

Sa bandang gilid naman kitang kita ang kunoot noong si raineson. Halatang selos na selos si raineson kila amethyst, si jelmer na naka higa sa balikat ni amethyst, di ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko may kumukurot sa puso ko, parang ansakit,ansakit na nakikita ko silang sweet ni jelmer,o baka di kaya??, hindi!,hindi! May gf ka dave at wala ka ding karapatan mag selos.

Kitang kita ko ang kabuuang muka ni amethyst habang nagtatawanan sila ni jelmer sobrang saya nila.

"Goodmorning class"

Napatingin ako ng biglang magasalita ang teacher namin.
Habang nag tuturo ang teacher namin di padin ako makaiwas ng tingin kay amethyst at kay jelmer lubhang napaka sweet talaga nila para silang mag jowa.

At nang tumog ang bell.

"Recess na!"

"Amethysstttt!! Tara na sabay na tayong mag recess" mahinahong sabi ni alicia.

"Hmm.pasensya kana ah sabay kasi kami ni jelmer mag recess e"ngiting sabi nito.

"Ah ganun ba osya sige"-alicia

"Sasama ako sainyo" seryosong sabi ni raineson.

Bakas sa muka ni raineson ang matinding selos, panigurado ay gusto niya si amethyst nahihiya lang ito na sabihin at baka masira ang pagkakaibigan nila.

"Wag na bonding namin to ok" seryosong sabi ni amethyst.

Naunang lumabas si raineson na tila nagdadabog.

"Anong problema nun?"tanong ni jelmer.

"Wala lang ata sa mood. Tara na kumain na tayo" sagot ni amethyst.

Habang papalabas ang dalawa ay magka holding hands ito.

Sila ba talaga? Parang sila! Bakit ganun nalang nila tratuhin ang isa't-isa bakit kung maka hawak at makayakap siya kay amethyst e parang walang bukas.

"Nakakainis siya!"

Sa di kalayuan kitang kita ko ang dalawa na kumakain at habang kumakain di mawala sakanila ang ka sweetan! Ayan ba yung tinatawag nilang pagkakaibigan, e parang magjowa kung maka ano kay amethyst.

Habang kumakain si amethyst ay may natirang pagkain sa gilid ng kanyang bibig na agad namang sinasabi ni jelmer,nagulat nalang ako ng bigla niyang haplusin ang mga labi ni amethyst.
Gusto kong tumayo at ilayo si amethyst sa mokong na si jelmer halatang pinagnanasaan niya lang ito.

At ng matapos na ang recess, at ang mga ibang subject ay nagsiuwan na kami.

Habang naglalakad ay nakita ko si jelmer at amethyst totoo ba tong nakikita ko? Ha-haaalikan ni jelmer si amethyst at ayun ang hindi ko palalampasin.

"Jelmerrr!"galit na sigaw ko kay jelmer na ikinapukaw ng atensyon ng dalawa.

"O bakit dave"-amethyst

Wala na akong sinayang na oras at agad kong sinunggaban si jelmer.

"Hayop ka may balak kapang halikan si amethyst" galit na sabi ko habang inaawat ako ni amethyst.

"Teka ano bang pinagsasasabi mo?"nagtatakang tanong ni amethyst.

"Oo nga naman pare ano vang problema mo? Atsaka di ko hahalikan si amethyst"-jelmer.

"nag mamaang maangan kapa e kitang kita kita papalapit ang muka mo kay amethyst at onti nalang ay mahahalikan mo na siya"galit na sabi ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo jan dave ha? Anong hahalikan? Nababaliw kana ba! Natanggal ang hikaw ko at kinakabit ito ni jelmer, anong hahalikan? At bakit naman ako hahalikan ni jelmer?"paliwanag ni amethyst.

"E panong!!"nagtatakang tanong ko.

"Hays nako pare umamin ka may gusto ka kay amethyst no?"ngiting sabi ni jelmer

"At bakit naman ako magkakagusto jan kay amethyst? Kahit kailan di ako magkakagusto jan."-seryosong sabi ko

"Tara na nga jelmer"amethyst na tila nalungkot.

Habang papalayo ang dalawa kitang kita ko kung paano nalungkot si amethyst di ko lubas mapakuwari kung dahil bayun sa sinabi ko? Ano bang ginagawa ko. Nababaliw naba ako.

Alam kong kasalanan na magkagusto ako kay amethyst pero bakit ganun sa tuwing kasama ko si shane si amethyst ang lagi kong naiisip paminsan pa nga ay natatwag kong amethyst si shane na lubhang ikinalulungkot ng dalaga.

Mahal ko si shane pero tama nga bang mahalin ko din si amethyst.?

Nahihirapan nako di ko na alam kung anong naiisip ko.

Di ako makatulog sa kakaisip kay amethyst ano kayang ginagawa niya ngayon,kumain na kaya siya. Haysss ano ba tong naiisip ko. Sinabi ko dun sa tao na di ko siya gusto at hindi ko siya magugustuhan tapos umaasa ako na may gusto siya sakin, how stupid of me!
Anong gagawin ko mas lalong lalayo sakin si amethyst.

Pero mas mabuti na itago ko nalang ang tunay kong nararamdaman para kay amethyst,kasi bukod sa may gf na ako ay mali,mali na magkagusto ako sakanya kasi alam kong may iba siyang gusto,at alam kong gusto niya si raineson hindi lang din niya sinasabi dahil iniisip niya din na baka masaktan at masira ang friendship nila. Sobrang close nila at ayun siguro ang iniingatan ni amethyst na wag mawala dahil sobrang importante nito sakanya.

(A/N):

To be continue.. hahah selos nga ba ang nararamdaman ng bawat isa sakanila? Guys i hope magustuhan niyo to and guys just keep on reading kasi simula palang ito ng love story wala pa itong action's so guys keep on reading ahahah.









AccusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon