009

587 31 12
                                    

"ayan kasi sabi ko sayo hinaan mo tawa mo eh. nandito tuloy tayo ngayon" paninisi nya sakin. nandito kasi kami sa labas ng room hehe pinalabas kami kasi mung tinanong kami tumatawa di kami makasagot tapos natatawa pa kami kaya ending pinalabas kami at mukha kaming kawawang nakaupo dito sa labas.

"sorry na nga eh. di ko naman alam na malakas pala pandinig nun. sobrang pigil na tawa ko." sabi ko sa kanya at umirap.

"kung di mo sana ako chinat edi sana nasa loob pa tayo." wow so kasalanan ko pala? napatingin ako sa kanya

gwapo pala talaga sya. kamukhang kamukha nya yung crush kong senior na.

"di ba tinuro sayo ng mama mo na masama ang tumitig?" at dahil dun nabalik ako sa katinuan

"kapal naman ng mukha mo"

"oh bakit? alam ko namang pogi ako kaya wag mo kong titigan." sabi nya at napalingon ako pero nagulat ako ng bigla din syang lumingon.

halos maduling ako sa lapit ng mukha nya sakin. napalunok ako at tinulak ko siya palayo.

tumawa lang sya ng malakas. wow lakas ng trip ha?

"baliw kana" sabi ko nalang at tumingin ng diretso sa harap ko.

gusto ko umupo ng indian seat pero ang ikli kasi ng palda ko di ako komportable.

"gamitin mo muna 'to. para makaupo ka ng mas komportable" pagkasabi nya nun inilapag nya yung jacket nya sa may bandang hita ko.

napatingin na naman ako sa kanya.

"tigas talaga ng ulo mo. sabi kong masama ang tumitig. kaya tayo napalabas kulit mo eh." nakangisi nyang sabi

wala na sobrang hangin nitong hayop na 'to.

bell rings

tumayo na si haruto at naglahad ng kamay para itayo ako. wow, gentleman.

"hindi na. okay lang kaya ko tumayo." sabi ko

"okay" at nagkibit balikat sya, paalis na sana pero bigla syang humarap.

"yung jacket ko pala labhan mo nalang bago mo ibalik sakin para bawas sa labahan ko. thank you." sabi niya at umalis na. aba't ang kapal naman talaga.

pero infairness ang bango ng jacket nya ha? Matanong nga kung anong fabcon gamit nya sa paglalaba?

wrong person ; haruto x readerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon