005

840 30 20
                                    

narration

first day of school na naman pero di gaya ng iba na tamad na tamad pumasok pag first day. naeexcite ako makita crushq hehe. speaking of crush, sinearch ko yung name ng crush ko na sinabi ni nicole. ang gago ko din eh. andaming haruto sa mundo. yung iba matanda na yung iba bata pa pero wala sa kanila yung crush ko?! matanong nalang si nicole mamaya.

"aubri jeon, bilisan mo na jan sumabay kana sakin" sigaw ni ate stacey habang kumakatok sa pinto

"opo ate! tapos na po ako kumilos pababa na" sigaw ko pabalik kay ate

pagkasabi ko nun, inayos ko na gamit ko at bumaba na ko. saktong sakto andun si kuya wade sa kusina kumakain na pero seryosong seryoso yung mukha nya para syang may problema.

"goodmorning kuya wade!" bati ko sa kanya with matching smile pa

from serious biglang nagshift into smiley face. sO weIrD.

"goodmorning kain na" alok sakin ni kuya

tumango naman ako at umupo na

saming magkakapatid si kuya wade yung pinakamatanda, mas matanda sya ng dalawang taon kay ate stacey at syempre ako bunso. sabi nga nila miracle baby daw ako kasi 6 years agwat ko kay ate. late na din daw kasi nagasawa at nagkaanak si mommy. kahit 50-50 yung chance nagtry pa din sila at yun nagkaroon sila ng ako. kay daddy, mommy, ate kuya wade, spoiled ako pero si ate super strict nya sakin sabi sakin ni mommy kaya ganun si ate, pinoprotektahan nya ako dahil nga may sakit ako.

"aubri" pagtawag ni ate sakin kaya napalingon ako

"tara na?" tumayo na ko at inihanda ang sarili sa pagalis

ang lalim naman non HAHAHAHA

"ready na ko ate. tara na!" sabi ko kay ate at sinuot na ang bag ko

bumeso ako kay kuya at nagpaalam.

sana maging maayos first day ko, sana

"sige ate magc-commute nalang po ako pauwi" sabi ko kay ate bago bumaba

"mag ingat ka ah?" tumango tango ako at bumaba na ng sasakyan

habang naglalakad papasok, hinanap sila rei. gusto ko kasing magkakasabay kami para grand entrance! pak bONGGA GUSTO MO YON?

speaking of rei, nakita ko na sila nakaupo.

"teh ang tagal mo naman?" sabi ni rei

"wala pa nga tayong 5 mins dito?" pagbara sa kanya ni nicole

"psst bff tingin ka sa harap!" pagsabi na pagsabi ni ally napalingon agad ako

aT SHET YUNG CRUSH KO kasama jowa niya

ayos lang naman sakin na taken na sya tatanggalin ko lang yung T, AKEN na sya xD

pero seryoso ayos lang sakin na taken na sya. crush ko lang naman sya.

"yan ba yung crush mo, aubri?" pang aasar ni nicole

potah sige lakasan mo pa

"oo nga yan ba yun?" gatong ni rei

"huy ano ba kayo nakakahiya kayo!" pagtitigil ko sakanila pero sumigaw si gwen

"kuya crush ka daw nito" pagsabi ni gwen nun napalingon ako sa crush ko at tiningnan reaksyon nya.

"osige sayo na to" tumatawang sabi nung girlfriend nung crush ko

"babe naman!" pag angal nung crush ko at tinatawanan lang sya nung girlfriend nya

ang cute nila tingnan. bigla namang inakbayan nung crush ko yung gf nya.

sweet ampotah. sana ako din magkaganyan.

"hoy mga pocpoc! magt-time na tara na!" sigaw ni nicole samin

at gaya nga ng sabi ko kanina, grand entrance ang drama namin. as in, mga kaklase namin nakatingin sa pinto nung pagpasok namin. lakas makamaganda diba?

"nicole tabi tayo may gagawin lang ako sayo" nakangiting sabi ko kay nicole

"bff pinagpapalit mo na ba ako?" pag arte ni ally

"gagah" sabi ko nalang at umupo na

di ko na pinalampas yung pagkakataon. pagkaupo na pagkaupo namin, hinead lock ko si nicole! dahil kulang info na binigay nya sakin!

syempre joke lang kinurot ko lang braso nya hehe

"aray bat ka nangungurot?" sabi ni nicole habang hinihimas yung part na kinurot ko

"dami daming haruto sa mundo, sinearch ko ang daming lumabas!" gigil ako e.

"kasalanan ko bang nakaone name sya?" sabi ni nicole at nilabas phone nya

"ayan oh! tingnan mo!" sabi nya

oo nga sya nga ata to!

busy ako sa pags-stalk gamit phone ng dumating na adviser namin for this whole year.

"okay goodmorning class a. may transferee tayo" sabi nung adviser namin

grabe akala ko grand entrance na yung amin may mas g-grand pa pala. hay nako bahala kayo jan busy ako kakastalk. wala silang pic ng jowa nya?

"welcome nyo new classmate nyo" sabi ni sir pero nanatili pa din yung mata ko sa phone ni nicole. kinakalabit ako ni nicole pero wapake busy ako!

"hi everyone, i'm haruto watanabe. sana makaclose ko kayong lahat!" parang tumigil mundo ko nung narinig ko yung pangalan nung transferee kaya napaangat agad ako ng ulo. sht.

pinabalik balik ko tingin ko sa phone at sa taong nasa harapan.

shet sya nga!

wrong person ; haruto x readerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon