024

420 17 2
                                    

narration

naloloka ako pag naaalala ko kung pa'no pumayag si mommy at kung ano yung kondisyon nya.

"'mmy, ano po kasi eh." sabi ko habang nakayuko tas di mapakali kamay ko

"ano yun?" nung pagkasabi ni mommy nun lalo akong kinabahan

"kasi mmy may music fest sa school. niyaya ako nila ally manood kasi minsan lang magkaganon sa school. mommy please pumayag kana." halos lumuhod na ko pagkasabi ko nun.

"sige" magdidiwang na sana ako pero may kadugtong

"kay haruto ka sasama kasi pinagpaalam ka din nya sakin kani-kanina lang."

"seryoso ka mmy?" tumango naman si mommy bilang sagot.

di talaga ako makapaniwala mga bes! like bat naman gagawin ni haruto yun?

"aubri kyle! nandito na si haruto sa baba bilisan mo jan!" sigaw ni mommy

"opo patapos na po!" sigaw ko pabalik

dali dali kong tinapos ang kailangan kong gawin sa sarili ko at bumaba na

tinignan ko lang ng mabuti ang kasalukuyang nakangiti na si haruto. pinaningkitan ko nalang sya ng mata.

"mmy alis na kami ah! love you!" hinila ko na si haruto pero nakatayo parin siya

"ano tatayo kalang jan?" nakataas kilay kong sabi sa kanya

"ano yang suot mo?" tanong nya

"shirt at denim skirt?" nagtatakang sabi ko

"pilosopo. what i mean is, crowded yung pupuntahan natin tas ganyan suot mo? mag jeans ka nalang" sabi nya at umupo na sa sofa namin

wow. boss ka?

wala na kong nagawa kundi sumunod kasi alam kong di naman papatalo 'to

"ayan okay na ba, sir?" sabi ko at umirap pa

"ayan tara na. bat ang sungit mo ata?" natatawang sabi nya

"eh kasi pakielamero ka" sabi ko at nauna na lumabas

narinig kong nagpaalam si haruto kila mommy. wow, feeling anak.

ay teka, naalala ko di ko pa pala nasasabihan sila ally about sa napagusapan namin ni mommy.

kinuha ko ang phone ko at nagtext kay ally na sinasabing pinayagan ako pero di ako makakasama sa kanila.

allyton: ocakes luv! ingat kayo! ♡

natawa naman ako sa reply ni ally kahit kelan talaga.

"bat ka ngumingiti jan?" pagsulpot ni haruto

"pake mo ba? tara na nga!" sabi ko at nauna na maglakad

pagdating namin di na ko nabigla na kakaunti palang yung dumadating. almost 4 palang at ang oras ng nakalagay sa posters ay 5:45 ang start. okay nadin 'to na medyo sa bandang gitna kami. para party party!

wrong person ; haruto x readerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon