016

482 23 8
                                    

narration

"aubri, anak, may tao sa baba hinahanap ka. kaklase mo daw." dinig kong paggising sakin ni mommy.

nung narinig ko yun agad akong napamulat. di ko akalaing tototohanin nya yung pagsundo chuchu sakin.

"seryoso ka mmy!?"

"aba'y oo. bat ganyan reaksyon mo? boypren mo ba yung lalaking yun?" mapang asar na sabi ni mommy

"hindi po ah!"

"oh s'ya s'ya, kumilos kana. wag mo na pag antayin yung kaklase mo sa baba"  sabi ni mmy sakin at hinila na ang kumot ko

tumayo na ko kasi wala naman akong choice. aga aga naman kasi ni haruto. 9 am palang eh.

ginawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin sa sarili ko pero di na ko magabalang mag ayos si haruto lang naman yan.

"hi haruto! ang aga mo naman!" pagbati ko sa kanya habang pababa

"hello. nakapagpaalam ka na ba?" sabi nya sakin

oo nga pala

"hindi pa"

"bakit? anong meron, bakit magpapaalam?" pagsingit ni kuya wade sa usapan

"manliligaw ka?" dagdag nya pa

"kuya!" pananaway ko kay kuya

"kung pwede po sana" pabirong pagsagot ni haruto kay kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin

"joke lang po ipagpapaalam ko po sana si aubri kasi may project po kami and sa bahay po namin kami nagkasundo na gumawa" pagpapaalam ni haruto

"hindi ba pwedeng dito nalang? kasi di ako mapapakali pag nawawala sa paningin ko yang si bunso" sabi ni mmy

"pwede naman po kaso po wala pa po kaming mga gagamitin, ipagpapaalam ko nalang po si aubri pupunta lang po ng mall" nakangiting pagpapaalam ni haruto kay mmy

kala mo naman uubra ka jan

"aubri, kaya mo ba?" tanong sakin ni mmy

"oo naman po"

"sige basta babalik agad kayo dito, okay?" sabi ni mmy

shet perstaym! pumayag silaaaa!

"alam ko namang magd-date lang kayo. ganyan din ako nung mga nasa edad nyo ko kaya wag na kayong magsinungaling" pang aasar ni kuya sakin

"kuya kulit ng lelang mo! hindi pa nga kami!!!!" sigaw ko sa kanya tas sinamaan sya ng tingin

tumawa lang sya pati si mommy. sige pagtulungan nyo ko :(

wrong person ; haruto x readerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon