Umbrella NO more!:

61 0 0
                                    

Umbrella NO More! :

“Sige, Gelo. Ingat na lang sa pag-uwi..”

“Sige! Salamat din..” sabi niya.

Papasok na sana ako sa bahay namin, nang tinawag niya ako.

“Uhmm. Bea?”

“Ano yun?” tanong ko.

“Pwede ba tayong lumabas ulit bukas?” tanong niya.

“Lagi naman tayong sabay umuuwi eh.” sabi ko na natatawa.

“Hindi. I mean, lumabas talaga. Dinner? Ganun.” sabi niya.

OMG. Date?! (*O*)

“S-sure!” sabi ko. Kinikilig ako! :”“)

“Talaga?? Osige ah! Salamat! bukas na lang uli, hihintayin kita sa waiting shed, 4pm! Okay?” sabi niya tapos nakangiti siyang umalis.

Totoo ba talaga ‘to?? Magde-date kami bukas ni Gelo?! Ohmygollygosh! (^O^)/

Ang saya ng week ko na ‘to! Lagi na kaming sabay umuuwi ni Angelo. Actually, noong una coincidence lang na nagkikita kami, hanggang sa naging araw-araw na at ayun! Naging habit na namin ang maghintayan sa waiting shed at sabay umuwi. :))

Golly gosh! Nakikilig diba??? :”)

Di ka naniniwalang coincidence lang na nagkikita kami?? Ihhh. Osige na nga! Oo na! Sinasadya ko na magkita kami =____= Eeeehhh kasi eh! :”> Okay. Landi lang. XD

Pero diba parang meant to be parin kami? Hindi? Yhhh. Basta! May date kami bukas! Yun na iyon! :P

~

Kinabukasan. Waiting shed.

Wala pa siya..?

Sabagay. Mukhang napa-aga ata ako? Excited lang?! XD sorry na! :”)

Hinihintay ko siya, 4:15 PM na. 30 minutes na akong naghihintay sa kanya dito sa waiting shed.

Pero wala pa rin nagpapakitang Gelo. -.-

Nasaan na kaya ‘yun?

Dibale, baka naman nagpapa-gwapo pa. Emeged. XD

~

4:45 PM na.

Ang late na niya, nasaan na ba siya? Baka naman napaano na yun? Anla. Di kaya may masama nang nangyari doon? O_O

Kainis! Wala pa akong number niya! Hindi ko naman siya mate-text! =_=

~

5:20 PM.

Hala? Sa palagay mo pupunta pa si Angelo? Nasaan na kaya siya?

Kanina pa ako naghihintay, pero ayaw ko pang umuwi. Hihintayin ko pa siya!

~

5:55 PM

*Ggroogroogroooggg*     (kulog po yan -.-)

Hala? Mukhang uulan pa ata? Tsk!

Wala pa rin si Gelo? May nangyari na kaya doon? :(

Nagsimula nang umulan.. Buti na lang dala ko yung payong ni mama. Hindi ko na kasi ginagamit yung payong ko. Ipapa-laminate ko nga kasi! Hahaha!

Lumalakas na yung ulan. Pero kailangan ko nang umuwi, gumagabi na eh. Tutal sigurado ako na hindi na darating si Angelo. Ayaw ko nang maghintay pa. Uuwi na lang ako.

Tulad ng nakagawian, naglakad na lang ako pauwi. Tutal magiging traffic na rin niyan dahil sa lakas ng ulan. Tipid pamasahe na rin. Lol.

“Aaaayyyy!!!”

Badtrip! Ang rupok naman ng payong na ‘to!! Humangin lang kasi ng malakas, bigla nang nasira!

Grabe! Nababasa na ako! Paano na ‘to?! (>3<)

Dibale.. Tumakbo na lang ako ng mabilis, magta-trike na lang ako!

*SPLAAAASSSHHHH*

Malas ba talaga ako o ano? >___<

May dumaan kasi na mabilis na sasakyan, tapos nag-splash sa akin yung tubig na dinaanan niya! Badtrip na talaga ako! (>____<)*

Grabe. Basa na ako. Ano pang use ng pagtakbo ko?? -_-

Naglakad na lang ako ng malumanay, baka kasi mamaya madulas pa ako. =_=

“Hahahahahha! Gelo! Mababasa ka!!” impit na tili nung babae.

Ang harot naman nung boses. -.-

“Hahahahaha!” teka.. Ano nga ulit pangalan? …Gelo?

“Gelo! Mababasa ako! Ano ba! Hahahaha!” -babaeng harot.

Nakayuko ako kaya hindi ko sila nakikita. Tapos dumaan sila sa tabi ko..

Pamilyar yung amoy ng pabango…

Kinabahan ako bigla. Kaya inangat ko ang ulo ko. Sa gulat, bigla ko siyang natawag.

“Gelo..?”

Si Gelo. May kasamang babae sa ilalim ng iisang payong.

“Bea..?” gulat na sabi niya.

“Bakit wala kang payong? Mag-trike ka na! Magkakasakit ka niyan eh!” sabi niya.

Concern ka ba talaga sa akin?

“O-okay lang ako!” sigaw ko, bigla kasi siyang lalapit sana sa akin. Pero pinigilan ko na. Ayaw kong mapansin niyang naiiyak na ako. Kahit na hindi naman halata dahil sa ulan.

“B-bea…?” may paga-alala sa tono ng boses niya.

“S-sige! Una na ako. Lumalakas yung ulan eh! B-bye!” tumakbo na ako ng mabilis para hindi na niya ako mapigilan pa.

Ang sakit. Ang sakit sakit! Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko… Nakikisabay sa pagbuhos ng ulan.

Naisip ko tuloy…

Yung mabait na pagtrato niya sa akin, ginagawa niya ba ang lahat ng iyon dahil espesyal ako sakanya…?

O dahil…

Ganun lang talaga siya. Nature na yun?

Naguguluhan ako at nasasaktan din!

Normal lang ba talaga ang lahat ng iyon sa kanya?!

Ano ba ako para sakanya??

Kaibigan lang ba…?

Eh ako… Gusto ko siya eh :(

Akala ko nga crush ko lang siya eh..

Pero nung nakita ko siya na may kasamang babae kanina…

Parang nabasag yung puso ko.

Mahal ko siya? Mahal ko na siya! ;(

Pero mukhang mababasura lang ang lahat… ;(

 ====

A/N: Akalain niyo yun, nag-update ako. HAHA. Sorry na po :( Bukas na last chapter nito! Thank you sa pagbabasa! :D

MAGVOTE PO KAYO!

/Love, Author <3

Love under the Umbrella.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon