Second Umbrella:

92 1 1
                                    

Second Umbrella:

Lumipas ang mga araw… Linggo… Pero hindi ko na siya nakita.

Naaalala niyo pa? Yung lalaking gwapo na pinasilong ako sa payong niya :’)

After nung incident na ‘yun, hindi ko na siya nakita ulit. Minsan nga, sinasadya ko nang bumaba sa may waiting shed kahit na hindi umuulan. Maghihintay ako doon ng 15-30 minutes. Ilang beses ko nang ginawa yun.. Araw-araw ata? Hehehe :D tapos kapag hindi ko siya nakita sa may waiting shed, maglalakad na lang ako pauwi.. Tulad nung ginawa ko noon. Maglalakad ako from waiting shed hanggang sa bahay namin. Nagbabakasakali na baka makita niya ako, tapos malay mo i-approach niya ako, diba? :D

Oo, alam ko nakakapagod at gawang engot lang yun! Pero iniisip ko na lang na exercise na rin yung ginagawa ko. ^_^ Saka okay lang sa akin basta ba makita ko siya… Makilala ko siya…

Pero wala eh..? Hindi ko pa rin talaga siya nakikita. Kahit anong gawin kong paghihintay, wala rin. Haaayy.. Minsan nga parang nawawalan na ako ng pag-asa na makita siya ulit. Pero never say never syempre! Magkikita pa kami! Promise yun! ;p

Pero…. Amp! Ang tagal na eh? Ilang linggo na ang lumipas. Huhu ;(

Minsan naiisip ko, baka naman kapag umuulan lang siya nagpapakita? Okaya naman baka anghel talaga siya na bumaba sa langit…..?

Uwaaa~

Oo nga no?! Malay mo anghel talaga siya na pinadala ni Papa Lord sa akin para maiuwi ako ng maayos??? Diba?? Ohmygollygosh. O_O

Pero hindi naman siguro? Wag naman sana! Hihi. Papa Lord, salamat at pinadala niyo siya, pero pwede bang gawin niyo na lang siyang tao? Tapos soulmates kami. Hehe. Please? :( :D

Sana tao siya… Sana tao siya. :)

Eeeehhhh?! Nae-engot na ako ng tuluyan. Amp -___-

“Bea! Tara punta tayong mall? Mirienda muna tayo?” paga-alok sa akin nung kaibigan ko.

“Hindi na. Kailangan kong umuwi ng maaga ngayon eh. Next time na lang…” pagtanggi ko.

“Ay? Osige. Ingat ka na lang Bea. Medyo makulimlim..”

Tumango ako bilang sagot tapos nagmadali nang umalis.. Baka kasi pigilan pa nila ako eh. Hehe.

Hindi naman ko naman talaga kailangang umuwi ng maaga. Kaso… Maghihintay pa ako sa waiting shed eh? Hihi (^O^)v

~

“Manong! Para ho!” sabi ko, tinabi naman ni manong yung jeep, tapos bumaba na ako nung pwede na.

Nakatambay—Naghihintay ako sa may waiting shed. Nagba-baka sakaling makita ko siya ulit. Sa bawat paghihintay ko dito, nagdadasal ako… Pinagdadasal ko na sana makita ko siya ulit. Sana kapag nagkita kami, maalala niya pa ako.

“Ay umuulan!” sigaw ni Ate na katabi ko.

Umuulan…? Yes!! Sign ‘to! Magkikita na kami ulit! Hahahaha! Sanaaaa (-3-)

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Tapos palakas na nang palakas ang ulan.

So dalawa na ang hinihintay ko.. Yung lalaking gwapo at ang paghina ng ulan. –.-

“Teka.. Nasaan payong ko??”

Hindi ako yun ah! May dala akong payong! :p

“Psh. Badtrip! Naiwan ko pa ata?”

Nilingon ko yung taong kanina pa salita nang salita…

O____O

“….”

Love under the Umbrella.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon