Love under the Umbrella.

143 3 2
                                    

Love under the Umbrella (Short Story)

First Umbrella:

“Aish! Mukhang uulan ata?” makulimlim kasi ang ulap eh.

“Bea, anak, may paparating daw na bagyo. Papasok ka pa ba?” tanong ni mama.

“Oo naman po ‘ma! Prelim namin ngayon sa dalawang major subjects ko eh. Saka, kaya ko naman po.. Alam niyo naman po kaming mga college students… Waterproof! Hahahaha!”

“Ikaw talagang bata ka! Osya, magi-ingat ka ah? Magdala ka ng payong!” paalala sa akin ni mama.

Aish! Bakit pa kasi uulan pa? Ayaw na ayaw ko talaga yung ganitong klima! -___-

“Sige po ‘ma. Mauuna na po ako. Bye!” hinalikan ko sa pisngi si mama tapos umalis na sa bahay.

Nagmamadali ako kasi baka maabutan ako ng ulan… Mahirap na!

Nakarating naman ako ng maayos sa school, at hinarap ang madugong prelim exams ko. Huhuhu. Nakakaiyak sa hirap! T_T

“Dismissed!” anunsyo ng prof ko. Last subject ko na ‘to kaya uwian na para sa akin! :D

Hindi na ako tumambay pa kung saan-saan kasi nga makulimlim pa rin at ayaw kong maabutan ng ulan! Kaya agad-agad na akong umuwi.

~

“Ah miss! Hanggang dito na lang, hindi na ako makakatuloy doon.. Masyado na kasi mabigat ang traffic! Ang lakas kasi ng ulan eh!” sabi ni manong driver. Ako lang kasi mag-isa sa jeep niya. At kinamalasan pa, dumating na ata ang bagyo.. Ang lakas kasi ng ulan eh! Kaya ayun, sa sobrang lakas ng ulan, ang heavy na ng traffic at hindi na raw makakapasok pa si manong driver sa isang kanto malapit sa subdivision namin.. Mapipilitan tuloy akong maglakad neto -.-

Uwaaa! :( Ayaw ko sa ulan eh! Huhu. Ayaw ko mabasa! :( pero ano pa nga ba? Wala naman akong choice eh. Kaya napilitan na akong bumaba sa jeep. Buti na lang at bumaba ako sa may malapit na waiting shed, kaya kahit papaano, makakasilong ako saglit.

Tumakbo ako papunta sa waiting shed, pagkadating ko doon, hinanap ko agad yung payong ko sa bag ko..

“Nasaan na ‘yun..?” hinahanap ko yung payong ko.. Wala kasi sa bag eh!

Anla! Nasaan na ba ‘yun?? Hinalughog ko ang bag ko, pero wala talaga yung payong!

Aish! Alam ko dala ko yun eh! (>3<)

“Yhhh! Paano na ako nito??” bulong ko sa sarili ko..

Paano ako makakauwi niyan?? Wala akong payong! Ang lakas-lakas pa man din ng ulan! Huhuhu ;(

Sinubukan kong itext si mama, tinanong ko kung pwede niya ba akong masundo.. Kaso hindi daw siya makakapag-drive. Kasi natatakot siya sa lakas ng ulan, baka wala siyang makita sa daanan, baka madisgrasya pa kami. Amp. Sabagay.. Baka nga naman mapaano pa si mama. :/ sabi ko na lang sakanya na male-late ako ng uwi kasi patitilahin ko muna ang ulan, wala nga kasi akong payong.

Lumipas ang ilang minuto, malakas pa rin ang ulan. Grabe! Hindi ba pwede kumalma muna yung weather?? Pauwiin niyo muna ako! Huhuhu! ;(

Pero at last! Humina na yung ulan, pero umuulan pa rin.. Ay ano daw? O.o basta yun! Mahina na lang yung ulan! Pwede na siguro ‘to. Tatakbo na lang ako, tutal hindi naman kalayuan yung subdivision namin.. Slight lang. Hehe.

Okay. Inhale… Exhale…. 1…2…3… Takboooooo!!!!

Ginawa kong payong yung bag ko at tumakbo ng pagkatulin-tulin habang nakayuko.

Love under the Umbrella.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon