His Umbrella! :

63 2 1
                                    

His Umbrella! :

Hanggang ngayon malakas pa rin ang ulan. Simula kagabi, hindi pa tumitila ang ulan.. Mukhang nakikisabay sa akin..

“Bea? Bea anak? Kumain ka naman oh?” tuloy tuloy pa rin ang pagkatok ni mama sa pinto ng kwarto ko..

“Hindi ka pa kumakain simula kagabi? Ayos ka lang ba talaga?” pangungulit ni mama. Pangatlong katok na niya ata ‘to eh.

“Ma! Ayos lang ako! Mamaya na po ako kakain!” sigaw ko parang marinig ako ni mama.

After nun, narinig ko na lang ang footsteps niya na papalayo..

Simula kagabi.. Hindi pa ako lumalabas sa kwarto ko. Nagulat nga si mama nung nakita niya akong basang-basa ng ulan eh. Kinukulit niya ako kung anong nangyari, pero ayaw kong sabihin sa kanya ang dahilan. Hanggang sa nagkulong na lang ako para hindi na niya ako makulit pa. Kaso naman, panay ang katok niya -.-

Simula kagabi, iyak lang ako ng iyak.

Ang sakit kasi talaga eh! Mahal ko siya, umasa ako na special ako para sakanya, ngayon pala may girlfriend siya! Grabe! Ang sakit sakit lang talaga! ;(

Ayaw ko nang magpakita sakanya. Nahihiya ako… ;(

“Bea! Anak!” kumakatok nanaman si mama.

Hindi ko siya sinagot, para kunwari nakatulog na ulit ako. Though kakagising ko lang -.-

“Anak! May sulat ka oh!”

Sulat? O.o

Binuksan ko yung pinto tapos hinablot kay mama yung sobre na hawak niya sabay sara ng pinto. Ayaw ko nga na makita niyang mugto ang mga mata ko -.-

“Salamat ‘ma!” sigaw ko.

Kanino naman kaya galing ‘yung sulat na ‘to?

Inobserbahan ko yung puting sobre, baka may nakasulat? Meron nga. May nakasulat na malaking “BEA” sa likod ng sobre. Pero maliban doon wala na.

Kanino galing ‘to?

Binuksan ko na yung sobre dahil na rin sa sobrang kuryosidad, Tapos mayroon akong nakitang maliit na drawing na payong sa gilid ng papel..

Parang may hint na ako kung kanino galing ‘to. Pero hindi ako sure.

Sinimulan ko na basahin yung sulat.

/ Bea,

       Kung alam mo lang… Matagal na kitang gusto. Simula noong una kitang nakita…

Bagong lipat kami noon. That was 2 years ago. Habang pinapasok nila dad yung mga gamit namin sa loob ng bagong bahay namin, nasa labas lang ako.. Nagtitingin-tingin at kumukuha ng ilang litrato nang bigla kang dumaan habang nakasakay sa bike. Mukhang hindi ka naman nagmamadali, kasi nage-enjoy ka sa pagba-bike at panay pa nga ang pagngiti mo.. Nakakalusaw ang ngiti mo, Bea.

‘Ang ganda niya.’ Iyon ang unang pumasok sa isip ko noong nakita kita. Hindi pa kita kilala noon. Pero gandang-ganda ako sa’yo. Tapos kinuhanan kita ng litrato na patago. Baka kasi magalit ka sa akin. At eto nga yung litrato na ‘to, Bea. /

Nakita ko na may isang wallet size picture na nakalagay sa sobre. At laking gulat ko na lang nung makita ko yung mukha ko 2 years ago. Naalala ko ‘to. Summer ‘to, araw-araw akong nagba-bike tuwing hapon bilang exercise ko.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa..

/ Nakakatuwa lang kasi akala ko hindi na kita makikita uli. Akala ko iyon na ang huling beses na makikita kita.. Pero hindi pala. Ang saya lang kasi araw-araw kitang nakikita. Araw-araw kang dumadaan sa bahay namin, nagja-jogging ka every 6:00 AM.

Love under the Umbrella.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon