Chapter 4.

10 0 0
                                    

"Girlfriend ko."

Pinisil nya ang balikat ko at inakbayan ako.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa naghiyawan sila at pinuno ng kantyaw ang lalaking nasa tabi ko.

Napahinga ako ng malalim. Ayokong makipag-debate dahil alam kong useless lang naman.

Inalis ko ang kamay nya at hinarap sya.

"Uuwi na ko." At maglalakad na dapat pero hinila nya ako sa isang sasakyang open window.

"Kaya ko umuwi mag-isa."

Hindi nya ako pinansin at sapilitang inupo sa may passenger seat habang nakapaskil sa mukha nya ang nakakalokong ngiti.

Hinayaan ko nalang at sinimulan nya ng paandarin ang kotse. Huminto muna sya sa harap ng mga kaibigan nya at sumigaw.

"See you when i see you!" Itinaas nya lang yung kamay nya at pinaharurot na yung sasakyan.

Nasa harap na kami ng bahay-ampunan pero nagtitigan lang kami dun.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko.

Ngumisi sya. "I can feel you wanted to protest about me declaring you as my girlfriend."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Alam mo naman pala." Pagod kong sabi sakanya.

"But i know something and someone who was the reason of that something, you wanna know?"

Kahit mabilis akong makaintindi ng mga bagay-bagay ay hindi ko malaman kung ano ang pinagsasabi nya, kaya tahimik lang ako at hinihintay syang magsalita.

"Tutulungan kitang hanapin ang nawawalang kapatid mo."

Napahinto ako.

Anong..... alam nya?

"Si Mr. Edvard Villacoste, diba?" Saad nya.

Ano ba talagang alam mo, Richmon Pineda?!

"Anong alam mo?" Matulis ang mga tingin ko sa kanya.

"Si Mr. Edvard Villacoste, diba?" Ulit nya.

"Pano mo nalaman?"

Ngumisi lang sya. "Wala akong alam, pero ngayon alam ko na."

Lalong kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nang lalaking to?!

Richmon's Point of View

Nakakatuwa lang na nakakita ako ng emosyon sa mukha nya. Hatred, confusion and anxiety. Atleast, hahaha. Improvement.

Yung sinabi kong wala akong alam, totoo yun. Hinuhuli ko lang sya at nagulat ako sa naging reaksyon nya.

Nakita ko kasi sya sa party ng mga Villacoste nung gabing iyon kasama ang nag-iisang anak ng mag-asawang Villacoste. Di ko sya namukaan, pero dahil na-starstruck ako sa ganda nya eh matagal ko syang tinitigan. Hanggang sa naging pamilyar sya.

Sinundan ko sya nun sa loob at lalapitan sana kaso nakita kong papalapit sya sa mag-asawang Villacoste kaya naghintay muna ako malapit sa kanila. Nakita ko ang galit sa mukha nya kaya sinundan ko ang tinititigan nya at nakita kong si Mr. Villacoste iyon.

Nagtaka man ay hindi ko nalang pinansin. Nakita ko syang umalis. Sinundan ko ulit sya kaso nilapitan nanaman sya nung lalaking kasama nya kanina. Ano nya ba to?

"Oo nga tatlong taon mo na kong nakasama pero di mo pa ko tuluyang kilala, malayo ka sa kakampi mo, bunso. Mag-ingat ka. Dahil yung mas matagal mo nang kilala at malapit sayo ay kaaway mo pala."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Thick Walls In Between.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon