Chapter 2.

7 0 0
                                    

Kagigising ko lang at ganitong tuwing umaga ay laging pumapasok sa isip ko na kailangan ko na ng trabaho para bukod sa pagtulong tulong dito sa bahay-ampunan ay matulungan ko na din ang mga bata dito na katulad ko ay hindi binigyang halaga ng kanilang mga magulang.

6 palang ng umaga pero nag-ayos na ko at naghanap ng trabaho. Kung san-san ako napadpad pero isang entertainment company ang napuntahan kong may bakanteng posisyon para sa financial management. Sa limang ininterview ay isa ako sa mga nakuha.

Nakatapos ako sa degree na Accounting. Kinaya ko naman sa pamamagitan ng tulong ni Ate Lala at nang iba pang mga namamahala ng bahay-ampunan, sinamahan ko na rin ng pagtatrabaho para mas madali kaya ng makagraduate ako sa 4 years na course ay pinagpahinga muna ako. Pero after, nag-training ako ng 1 year at pahinga ulit.

Parang gusto ko nalang mag-aral ulit dahil mas feel ko yun, gusto ko yumaman! Bibilhin ko ang bahay-ampunan at ilalagay sa kulungan ang dapat ilagay! Pero kailangan ko ng pera dahil may nanlalamang at nagpapalamang.

Kaya ng matanggap ako, alam kong eto na ang umpisa.

--

Tinawagan ako ni Taj at sinabing may party daw sa mansyon nila. Iniimbitahan nya ko na pumunta pero tinanggihan ko na sya bago pa nya ako mapilit. Ayokong pumunta sa party na wala naman akong kinalaman.

"Iha, pakibuksan ang gate at kanina pa may nagdo-doorbell."

Tinigil ko muna ang paghahanda ng pagkain ng mga bata at dumiretso sa may gate.

Pagkabukas ko nang gate. "Ate!" Tawag nya at niyakap ako.

Tinignan ko sya at pinapasok sa loob, umupo sya sa may sofa sa tabi ng pinto at pumasok ako ng kitchen para gawan sya ng juice.

"Thank you." Sabi nya pagkabigay ko sa kanya ng juice. Umupo ako sa tabi nya at tinanong kung bakit sya napadaan dito.

Nilapag nya muna sa side table yung baso at hinarap ako. "Hindi ako napadaan, ate. Sinadya kita dito. Para pilitin kang pumunta sa party. Please ate?"

Napabuntong hininga nalang ako at um-oo. Kukulitin nya lang naman ako ng walang sawa dito eh. Yumakap sya sakin at hinarap ako ng nakangiti.

"Salamat ate. Susunduin na lang kita, gusto ka kasing makilala ng mga umampon sakin. Sige alis na ko ah."

Lumabas naman si Ate Lala ng kusina para siguro akyatin ang mga bata sa taas at yayain ng kumain ng tanghalian. Napalingon si Taj kay Ate at ngumiti.

"Magandang araw po. Alis na po ako."

Nagulat sa kanya si Ate pero ngumiti rin ito at tumango saka sinabing mag-ingat daw sya. Hinatid ko sya hanggang labas. Lumungkot ang mukha nya at niyakap ako.

"Ate, bisitahin mo naman si mama sa hospital. Tyempuhan mo na gising sya para naman makita ko na syang ngumiti. Palagi nalang malungkot yung mga mata nya at paulit-ulit na sinasabing nag-sisisi na sya sa hindi ko malamang dahilan. Hindi na kita pipiliting sabihin sakin ate. Hindi ko rin pipilitin si mama. Gusto ko lang naman makita ulit yung ngiti ni mama. Na kahit galit ako sa kanya dahil mas pinili nya akong sumama sa mag-asawang Villacoste at malayo sa kanya, Eh nanay parin natin sya at mahal ko kayo." Humiwalay sya sakin at hinalikan ako sa cheeks.

"Bye Ate! May ipapadala ako sayo tsaka mamayang gabi ah! Thank you ulit ate!"

Dumiretso na sya sa kanyang kotse at pinaharurot na ito. Hindi mapagkakailang mabait at masayahin ang kapatid ko. Nakita ko yun sa tatlong taon naming pagkakakilala, kahit minsan lang kami magkasama dahil busy sya sa pag-aaral dahil kolehiyo na ito. Gusto ko syang sumaya kaso wala naman akong magagawa para pigilan ang galit sa dibdib ko. Prayers nalang. Huminga ako nang malalim, sinarado ang gate at pumasok na sa loob.

Nasuot ko na yung gown na pinadala sakin ni Taj at naglagay ng onting make-up. Nakaupo ako sa may bato na nakapalibot sa may puno ng marinig ko na ang pagbusina ng kotse ni Taj. Dumiretso na ko dun at sumakay.

Nakarating na kami at pinasok nya na sa loob ang kotse nya, marami ang kotse sa loob pero mas madami sa labas, iyon siguro ang kotse ng mga bisita at sa kanilang pamilya ang nasa loob.

Nakapasok na kami sa loob ng mansyon at madami ding tao dito pero mas madami yung sa may venue. Halatang mayayaman ang mga bisita dito. Pormal na pormal. Biglang kumaway si Taj sa mga kumpulang tao at alam ko na kung sino iyon. Ang mga umampon sa kanya. Lumapit kami at nagbigay daan naman ang mga kausap kanina ng mag-asawang Villacoste.

"Mom, Dad."

Nagulat ako sa nakita ko pero walang reaksyong lumabas sa mukha ko.

Bigla ay nag-init ang katawan ko, nanginig. Hindi sa takot kundi sa galit. Galit na galit. Hindi ko alam kung kilala nya ako pero gustong gusto ko na syang patayin sa mga oras na ito!

"Siya po yung sinasabi ko sainyo." Sabi ni Taj at inilapit ako sa mag-asawang Villacoste.

Nginitian ako ng mag-asawa at naglahad sila ng kamay pero wala akong tinanggap ni isa at nakatitig lang ako sa lalaking dahilan ng lahat!

Tumalikod ako at umalis sa harapan ng mag-asawa, hindi ko na rin pinansin ang kapatid ko, ang gusto ko, kumalma. Lumabas ako at sumagap ng hangin, tumitig ako sa mga taong nandito at di ko namalayang may katitigan na akong tao. Ilang segundo, minuto kaming nagtitigan pero walang nag-aalis samin ng tingin. Nagtititigan lang kami don ng may humawak sa balikat ko at pinalingon ako sakanya.

"Ate, ano ba? Babastusin mo ba pati mga nagpalaki sakin? Wala namang ganyanan oh!"

Di ko sya sinagot at nakatitig lang ako sakanya. Wala akong pake, bunso! Wala akong pake!

Huminga sya ng malalim at mahinahon na nagsalita. "Ano ba problema, ate? Alam kong napilitan ka lang pumunta dito. Pero di ko akalaing babastusin mo yung mga kinilala kong mga magulang." Umiling sya na parang dismayado. "Di pa talaga kita kilala, ate. Hindi pa." Saka sya tumalikod at aalis na sana pero nagsalita ako.

"Oo nga tatlong taon mo na kong nakasama pero di mo pa ko tuluyang kilala, malayo ka sa kakampi mo, bunso. Mag-ingat ka. Dahil yung mas matagal mo nang kilala at malapit sayo ay kaaway mo pala."

Tumalikod na ko at umalis na pero bago yun nagkatitigan nanaman kami ng lalaking kanina pa pala nakatitig sakin.

A Thick Walls In Between.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon