Prologue

1.8K 37 5
                                    

"Ma! Babae nga po ako!" Inis na pag-angal ko kay mama habang pilit na inaagaw ang remote control sa kanya.

"Alam ko naman yon Mikaela Inez Andrein. pero ilipat na lang natin sa ibang channel, maganda ngayon yung episode ng Asia's Top Model, wag na tong soccer match ni Messi ang panuorin natin ha?" pangungumbinsi nya pa sa akin gamit ang buong pangalan ko na ikinasimangot ko lalo, sa aming magkakapatid di ko alam kung anong trip ng magulang ko at ako ang may pinakamahabang pangalan.

"Boring yon! Saka nanunuod ako nito ma eh, ako nauna sa tv!" Angal ko pa na ikinasimangot na rin ni mama. Kung kanina nakangiti pa sya, ngayon naman parang mangangain na sya ng tao.

"Mikaela ah! Hindi ko na nagugustuhan ang mga pinaggagagawa mo! Para kang hindi babae kung umupo! Kain ka pa ng kain kaya ka tumataba! Malapit na akong maniwala na tomboy ka nga tulad ng sinabi ni Nylton!" Sermon nya na ikinasimangot ko lalo.

Mapapatay ko talaga yung Nylton na yun! Wala ng ginawa kundi maging pahirap sa buhay ko! Leche!

"Ano bang masama sa tomboy??!" Irita kong tanong habang napapakamot sa buhok. Mukhang na-shock naman si mama sa naging tanong ko. Ang labas tuloy parang kinukumpirma ko ang chismis ni Nylton sa nanay ko nitong nakaraang linggo lang.

Nahuli kasi ako ni Nylton noong isang araw na sinusukat yung polo ni papa at nagpopogi sign sa harap ng salamin. Sinuot ko din yung paboritong sumbrero ni papa para kompleto na talaga ang outfit.

Feel na feel ko pa talaga kasi maraming nagsasabi na kamukha ko si papa, natatawa lang ako dahil naaalala ko sya sa mga pinag-gagagawa nya noon habang nakatingin sa salamin suot ang gamit nya kasi nga magkamukha kami.

Eh yung si Nylton na bestfriend ko kahit hindi kapanipaniwala ay biglang pumasok sa kwarto ko, ayun, nahuli ako sa akto at sinumbong ako sa nanay ko. Tapos si mama, agad nakipag-video call sa tatay ko na nasa abroad at ikinwento yun, pati tuloy tatay ko muntik ng atakihin sa gulat kahit hindi naman yun totoo.

Nakakainis!

Maraming nag-aakala na tomboy ako, eh anong magagawa ko, hindi naman ako mahilig sa mga masyadong girly na mga damit. Hindi rin ako mahilig sa make-up, pampatagal lang yun.

Hindi rin naman kami mayaman, sakto lang kumbaga kaya pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa mga tshirt at pantalon ko na ang iba ay minana ko pa kay papa na pilit lang pinapa-repair ni mama para kahit papaano ay hindi daw ako mukhang gangster sa sobrang laki ng mga ito.

Di nya alam kaya lang naman ako nagsusuot ng malalaki sa actual size ko ay para maitago at hindi bumakat ang bilbil ko. Saka mas komportable kaya yung maluluwag na damit.

Itutulad nila ako kay Precy eh natural na kikay yung batang yun! Ako ang mas matanda pero mas may alam pa sya sa mga—ano ba yon? Yung sa mga make-up make-up ba yon?

Canton? Cotton? Contact? Basta nagsisimula sa letter C! Leche!

Yamot na napakamot ako sa buhok ko na ikinatanggap ko ng masamang tingin kay mama.

"Nagdadabog ka ba Mikaela?" Tanong nya sa akin, saka ako pinanlakihan ng mata.

Napalunok naman ako at bumuntong hininga na lang, ang swerte ni Precy, syang bunso sa amin, hindi nya alam ang ibig sabihin ng makuha ka sa tingin. Noong bata-bata kami ni Kuya Anton, nanginginig na kami kapag nakita naming may hawak na hanger si mama.

Nakakainis nga, kasi nauuna syang makahanap ng karton at nilalagay nya sa pwet para kahit papaano hindi masakit.

Eh ngayon? Si Precy, masyadong kikay, mas nauuna pang umayos ang kilay nya kesa sa grades nya.

Buti na lang mabait ako, medyo naiiba lang. Kumbaga medyo tumagilid lang yung genes nina mama at papa sa akin, si Kuya Anton at Precy kasi parehong may itsura. Nung nagpaulan ang nasa taas ng kagandahan, tulog yata ako, nainform lang ako nung tumila na.

Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon