Exposed
Wala yata akong naintindihan sa huling subject namin dahil lumilipad ang utak ko sa kabilang ibayo. Doon sa college ng mga Architecture student, sa lalaking matangkad, matangos ang ilong, nangungusap na mga mata, mapupulang labi at yung totoy na kasa-kasama ko na simula pagkabata na hindi ko inakalang lalaking sobrang gwapo at makakabihag sa puso ko.
Napapailing na lang ako, ganito ba pag-inlove? Nagiging poetic? And yes, kahit naman sinabi kong wala dapat akong maramdaman para sa bestfriend ko ng higit pa sa pagkakaibigan, sinong niloko ko?
Eh sa araw-araw na dumating, kahit anong pigil ko, nahuhulog at nahuhulog pa rin ang puso ko. Kaya siguro pwede na akong masabihang sinungaling nang sabihin kong hindi ako marupok.
Mas marupok pa ako sa stick-o kapag Nylton Oliver Fernandez ang usapan.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakapangalumbaba habang hinihintay na magsilabasan ang mga kaklase ko.
Ang totoo nyan, hindi ko talaga alam kung paano haharapin si Nylton matapos kong magsungit sa kanya kanina. Siguro may iba syang pinagdadaanan kaya sya umiwas ng dalawang araw para makapagisip tapos dumagdag pa ako't nagtampo.
"Wag ka ng mag-isip, mahal ka nun." Sabi ng isang boses. Pagkaangat ko ng tingin, si Harold pala.
"Ewan ko sayo." Sagot ko saka tumayo na't kinuha ang backpack. Sumabay naman syang maglakad sa akin sa hallway ng building namin.
"Narinig ko kayo kanina. Lakas maka Winter Sonata ng acting-an nyo don sa may bench sa ilalim ng puno. Hahahaha!" Sabi nya na ikinatanggap nya ng palo.
"Aray!" Angal nya na binaliwala ko lang kasi mukha namang hindi sya nasaktan. Tatawa-tawa pa eh.
"Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh. Nagtampururut pa ako sa kanya dahil sa hindi nya pagpansin sa akin ng dalawang araw. Pano kung ginawa nya yun kasi may iba syang problema?" Sabi ko saka napabuntong hininga na naman. Nakakarami na ako ngayong araw.
Naramdaman kong inakbayan nya ako sabay kurot sa pisngi ko.
"Alam mo, minsan mga tao lang nagpapakomplikado sa mga problema nila. Gumising ka na, ang mga akala mong imposible, madalas pwede ring mangyari. Trust yourself Mika, then and there you can trust him more." Sabi nya sabay gulo ng buhok ko na ikinasimangot ko. Iba yung ngiti na binigay nya, nakakakalma.
Kaya naramdaman ko ding medyo nabawasan ang kaba ko.
"Paano ako---Nylton....." natigil ako sa paglalakad nang makita ko sya sa pinakadulong hakbang na nakatingin sa amin.
Walang emosyon ang mukha nya, pero hindi nakalagpas sa akin ang lungkot na dumaan sa mga mata nya.
Bakit kaya?
"Sige, maiwan ko na kayo. Tell him what you feel." Bulong nya at huminga muna ako ng malalim saka tumango't binigyan sya ng maliit na ngiti.
Pinanuod ko si Harold na maglakad papalayo at ng wala na sya sa paningin ko ay saka ako lumingon kay Nylton at nagsimulang maglakad papalapit sa kanya.
"Uhmm...hi!" Bati ko habang nilalaro ang susi ng motor sa kamay ko.
"Hello." Sabi nya at kinuha ang susi ng motor sa kamay ko.
Tahimik na sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa parking lot ng mga motor. Hindi din ako umangal ng sya ang umupo sa malapit sa manibela.
Naiilang pa ako ng humawak ako sa balikat nya dahil ramdam ko yung tila pagdaloy ng kuryente dun pero hindi ko na lang muna pinagtuunan ng pansin, saka ako umangkas sa likod at inalis din agad ang kamay ko sa balikat nya.
BINABASA MO ANG
Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]
ChickLitMia is very sure of her gender identity, but the people around her are not. They remain confuse if she's a girl or a girl with a boy's heart. Chubby, mahilig kumain, mahilig sa anime at soccer games, palaging pixie cut ang buhok, parang tambay sa ka...