Completely Woman
"Ian! Baka madapa ka!" suway ko sa limang taong gulang na batang babae na kanina pa tumatakbo sa palibot nitong playground na malapit sa subdivision namin.
"Hayaan mo na syang tumakbo, malakas si Ian, kapag nadadapa yan ni hindi nga umiiyak at tumatayo lang ulit. Di tulad mo, takot magkagalos noong bata pa tayo." tukso ni Nylton sa akin na ikinaikot ng mga mata ko.
"Gusto mong masapak Nylton?" banta ko na tinawanan lang nya ng mahina saka lumapit sa akin at niyakap ako sa likod sabay patong ng baba nya sa balikat ko.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakangiti habang nakatingin sa anak naming dalawa na Malaki ang ngiti at kitang-kita ang tuwa sa mga mata nya.
Arianne Olivia Fernandez is our first born, anim na taon na kaming kasal ni Nylton at eto nga't may isa na kaming anak at may isa pang paparating.
We call her Ian as her nickname, panlalaki man pakinggan pero di na rin naming nagawang mabago. Alam ko na ang pakiramdam ng nanay ko noong pinaghihinalaan nya akong tomboy. Sa una nakakapanibago nga, pero alam ko, naming ni Nylton na kahit maging ano pa si Arianne sa paglaki nya, alam naming mamahalin at tatanggapin naming sya ng buong-buo.
Kaso alangan naming magsinungaling ako na hindi ko gustong makatagpo ang anak ko balang araw ng magmamahal sa kanya katulad ni Nylton sa akin? Syempre gusto ko rin yun, pero habang bata pa sya, hinahayaan lang namin na madiskubre nya ang sarili nya at gawin ang gusto nya as long as hindi sya masasaktan at hindi sya makakasakit ng iba.
"Narealize ko lang babe...." sabi ni Nylton kaya napatingin ako sa kanya.
"Oh? Ano yon?" tanong ko.
"Mas babae ka pala sa inakala mo no? Kasi ayaw mong nagkakapeklat noong bata pa tayo." sabi nya na ikinatawa ko.
"Sira, pero oo nga. Kaso hindi lang din naman doon nasusukat ang pagiging babae no." sabi ko saka pabirong tinampal ang pisngi nya.
"Well, you are right, and did I told you that you're an amazing woman?" he said that made me smile.
"Hmmm...nasabi mo na ba?" kunwaring nag-iisip na tanong ko.
"Hindi ako magsasawang sabihin sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ako nagpapasalamat sa nasa itaas na binigay ka nya sa akin. Kasi kung wala ka, wala akong Ian ngayon at wala itong paparating nating bulilit." sabi nya sabay himas sa tyan kong manipis pa.
Kalalaman lang namin noong isang araw na magkakaroon ulit kami ng addition sa pamilya, ang epic lang ng reaksyon ni Nylton ng malaman nya iyon. Nahimatay sya sa gulat pero nagising din naman sya maya-maya at parang bagong taon na nagtatatalon.
"Syempre thankful din ako na minahal mo ako babe. Always remember that I love you and our kids." sabi ko sabay haplos sa pisngi nya at mabilis syang hinalikan sa pisngi na ikinangiti nya.
"Now, tawagin mo na ang anak mo dahil uuwi na tayo at kakain." sabi ko na ikinatawa nya't kaagad din namang sinunod.
Pinanuod ko syang lumapit kay Ian na nang makita ang ama, imbes na lumapit, tumakbo ito palayo at nagpapahabol. In the end wala akong nagawa kundi nakangiti at naiiling na lang na panuorin sila.
Sa mga nakalipas na taon, marami ang nangyari, nag-away kami ni Nylton, muntik pang hindi matuloy ang kasal namin noon pero sa huli't sa huli, kami pa rin ang nagkatuluyan at mas mahal ko na sya kesa noon.
BINABASA MO ANG
Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]
ChickLitMia is very sure of her gender identity, but the people around her are not. They remain confuse if she's a girl or a girl with a boy's heart. Chubby, mahilig kumain, mahilig sa anime at soccer games, palaging pixie cut ang buhok, parang tambay sa ka...