#3 Be Confident!
"I-enroll mo na lang ako!" sigaw ko kay Nylton habang hinihigpitan ang kapit sa hawakan ng hagdanan namin. Halos yakapin ko na yun wag lang nya akong mahila para maipasok sa banyo.
"Alam mong hindi pwede yun! Kailangan ikaw mismo ang nandoon para pumirma sa registration form at magpa-authenticate ng ID mo." sabi nya habang hinihila pa rin ako. Kung dati, dalawang kamay ang gamit nya para mahawakan ang palapulsuhan ko, ngayon isang kamay na lang.
Isang linggo bago ang start ng first sem para sa huling taon ko sa kolehiyo, ngayon ang enrollment ng mga fourth year at kabilang kami doon ni Nylton. Nakalipas na ang isang buwan at dalawang linggo, at malaki na rin ang naging improvement sa akin.
Kahit gusto ko mang kumain ng kwek-kwek, fishball, scramble, sorbetes, burger, fries at pizza ay hindi ko magawa-gawa. Masyadong mahigpit ang bantay ko, sa dami ba naman nila abay ewan ko na lang kung magawa ko pang makapuslit ng pagkain.
Kung dati ay large ang shirt size ko, ngayon ay naging small or medium na lang depende sa pagkakayari ng tshirt. Ang waist line kong 34, ngayon ay naging 26 na, from 60 kg to 48 kg, at from coke in can to coke kasalo? Joke. Basta, malayo na ako dun sa chubby figure na madalas mapagkamalang tomboy. Yung buhok kong pixie cut, humaba naman pero hindi ko talaga kaya yung mahaba ang buhok, kaya naging mid length na lang dahil pinilit kong pagupitan.
Yung kutis kong daig pa ang disyerto sa pagkadry, naagapan, nakatulong din yung puro gulay at prutas ang kinakain ko at tubig bilang inumin. Mas naging radiant---kung tawagin ni Precy---yung balat ko. Yung puti kong kutis na namana ko pa kay papa, hindi na lang sya basta maputi lang, maputing makinis na.
Hindi naman ako totally naging perfect, pero mas naging kaaya-aya lang ako para sa akin, sa kanila. Kahit sinasabi ni Precy, kuya at ni papa't mama na ang ganda-ganda ko daw dahil mas lumitaw ang pinaghalong gandang genes daw nila, tingin ko naman, normal lang ako.
Lalo na at si Nylton? Hindi ko talaga alam kung bakit ko sya naging bestfriend, hindi na nga daw ako mapagkakamalang tomboy, pero dahil nga sa gumandang kutis ko, pwede na daw akong mapagkamalang labanos. Bastos na bata. tsk tsk tsk.
"Saka na ako mag-eenroll kapag enrolled na ang lahat ng estudyante sa university para wala akong kaagaw sa pila!" dahilan ko pa kahit alam ko namang malabo ang binigay kong rason.
"Hay nako ate, kung ako sayo ay maligo kana. Yang gandang ganyan hindi dapat itinatago." sabat ni Precy na pababa ng hagdan, at dahil nakaharang kaming dalawa ni Nylton, nakihila na din sya dahilan para mapabitaw ako sa pagkakahawak sa kahoy.
Inis na napahipan na lang ako sa hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko saka hinarap ang dalawang magaling na asungot.
"Dapat tinatago yan, mahirap na. Wala lang talaga akong choice." bulong ni Nylton kaya napatingin kami sa kanya, bumuka ang bibig nya eh, di ko lang narinig kung ano yun.
"Anong sinabi mo? Wag ka ngang bumubulong! Di ka namin marinig!" sita ko sa kanya na ikinaikot lang ng mga mata nya na parang ang bingi ko para hindi marinig yung sinabi nya.
"Oops! Ikaw lang ang bingi, narinig ko kung anong sinabi nya. Tsk tsk tsk. Iba na yan kuya~" pakantang sabi ni Precy sa huli saka sya dumaan sa pagitan naming dalawa ni Nylton. Kunot ang noo na sinundan ko sya ng tingin saka naiiling na binalingan na lang ulit ang lalaking to.
"Ano ba yun----"
"Maligo ka na!" sabi nya sabay ikot sa akin paharap sa direksyon ng banyo, hindi ko din alam kung saan nya nahablot ang twalya dahil basta na lang nya inihagis sa ulo ko sabay tulak sa akin.
BINABASA MO ANG
Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]
ChickLitMia is very sure of her gender identity, but the people around her are not. They remain confuse if she's a girl or a girl with a boy's heart. Chubby, mahilig kumain, mahilig sa anime at soccer games, palaging pixie cut ang buhok, parang tambay sa ka...