Dangerous: Meet-up

56 5 9
                                    

Joshua Regal's POV

Hay naku!! Ka-stress ang pag-aasikaso ng concert. Ang kulit pa ng business department. Sinabi ng taasan ung tent para makapanood yung mga nasa likod, di pa rin inayos. Kabanas!!

Yosi break na nga lang muna. Yeah, nagyoyosi ako kapag nastress ako. Kapag ganito, tumatambay ako sa may freedom wall ng RATS. Hmm... Si Gabe yun ah?! Naku, nang-hahamon na naman ang pasaway!!!

Bubunutin ko palang ang weapon of choice ko nang tumumba lahat ng kalaban ni Gabe. Wow, nice! Mukhang dumating na yung nirequest ko. Let's see how will this turn out.

"Who are you?! Epal kang yellow band ka!!" Badtrip na agad si Gabe. Hindi man lang tinanong kung ok si miss. Sabagay, pinatumba niya nga lahat mag-isa eh.

"Chill lang 'nak! Ganyan ka na ba magpakilala sa mga chicks ngayon? You're getting kinda rusty. Haha" Gusot kaagad mukha ni Gabe dahil sa pang-aasar ko.

"Shut up, Dad." Haha. Badtrip agad, ano?

"Nga pala, 'nak, I want you to meet Ms. Levy Santillan. She'll be your bodyguard." Shock at disbelief agad nakita ko sa mukha niya. Just as I expected.

"Lul. Niloloko niyo ata ako eh. Mukhang siya pa nga dapat  ang inaalagaan. Tsaka, Lakan Siyam kaya ako. Tsk." Wow, yabang talaga ng anak ko. tsk.

"Yabang mo din noh?" Ui ayos, go Levy! haha. "FYI Mr. Gabriel Regal, Dayang Labing-isa ako. Mas mataas ranggo ko sayo. Hmmp."

"Awts, Gabe awts. Hahaha. Wala ka pala eh." Sarap pagtripan talaga nito haha.

"Ewan ko sayo, pa. Uwi na ko."

Pagkatapos umalis ni Gabe, hinarap ko si Levy. "Good luck, Hija. Sana kayanin mo yang si Gabe."

"Sisiguruhin ko po, Pesticide-sama"

"Hija , wag na ko tawaging ganyan. My vigilante org. leader days are over already. Just call me Tito or Uncle. Oh paano? Ovida towers, unit 15, 22nd floor ha?"

"Yes po, Pes-" Pinanlakihan ko nga ng mata haha. "Uncle po pala haha"

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Gabe's POV

Badtrip talaga si papa. POWERTRIPPER! Hindi na nga ako nakapanood ng concert, naghire pa kuno ng bodyguard ko na yellow band girl! Ano kaya kinain nun kanina? Ibang level ng trippings na yun ah.

At dahil stressed ako sa mga pangyayari, magluluto nalang ako, pang-akin lang since hiwalay naman ang units namin ni papa. Buong 30th floor ang sa kanila ni mama, tapos sakin naman itong isang unit sa 22nd floor.

Habang nagluluto ako ng ulam ko for the night, may nagring ng doorbell. Sino kaya yun? Yung dalawa naman may date pa kaya wala pa sa mga units nila yun. Ah! baka si Jace. Wala na naman siguro ulam yung isang yun.

"Oh Jace, baki-. WHAT THE F*CK ARE YOU DOING HERE!!!" Sigaw ko matapos kung makita kung sino yung nasa labas ng unit ko. Sino? Yung yellow band girl lang naman. Tsk.

"I'm going to live here.Orders ni Pesticide-sama" Mukhang seryoso nga siya. May dalang maleta, backpacks at ilang box siya eh.

Wala na. Sira na buhay ko.

DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon