Dangerous: Confrontations and Classroom Conflicts

39 4 13
                                    

Gabe's POV

"even my son."

"even my son."

"even my son."

Shit lang. Ulit ulit eh. Hindi ako makapag-concentrate sa klase dahil sa nangyari kanina. Details about rectifiers, thermistors and transmitters just passed me. Hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi ng professor sa unahan. Tumayo na ako at lumabas ng classroom kahit may five minutes pang natitira. Gulat naman yung tatlo dahil kahit ano mangyari ay sabay sabay kaming lumalabas ng classroom.

"Uy Gabe! Wait lang! Hintay! May 5 minutes pa!" Sigaw sakin nung tatlo. Dali-dali akong naglalad papunta sa kanilang tatlo at hinila sila papunta sa office ni Papa.

Matapos ang sandamakmak na angal tungkol sa attendance at maaaring surprise quiz sa subject na ki-nut namin ay nakarating din kami sa harap ng office ni Papa.

"Oh? Office to ni Uncle ah? Ano meron dito?" Takang tanong ni Ram.

"I'm gonna confront Dad." Tipid kong sagot.

"Tungkol saan? Dun sa news kanina? Diba sabi nga ni Jans(our friend/classmate/manager), hindi na daw niya napigilan si Uncle na ilabas yung chika na yun?" Sabad ni Shade.

"Tama lang gagawin mo Gabe. Kayo lang naman in a relationship talaga, diba? Wag niyo ko idamay dyan." Nag-emo na naman si Jace! Nakakagago talaga tong isang to. Sinamaan nga namin siya ng tingin.

"Sabi ko nga, single tayo lahat, hehe. -_-||" He said nervously.

Tinadyakan ko pabukas yung pinto ng office. Samu't-saring mura at cussing, each thrown in different languages ang bumungad sa amin. Ikaw na may pagka-linguist Dad. Tsk.

'Langya 'nak! Hindi marunong kumatok?! Eh, kung inatake ako sa puso?" Gulat na gulat si Papa. Bwahahaha!!!

"Sus, wala naman kayong puso eh. Ano ba naman kasi yung kinalat niyong balita. Hindi tuloy tinatantanan ng school media si Jans at pati rin kami dahil dun!" Pasigaw kung sabi sa kanya.

"Mamaya ka nga! Kausap ko pa si Levy eh!" Ano daw? Si Levy? Lumingon ako sa couch af nandun nga yung babaeng sadista!! At kumakaway kaway pa siya!

"Upo kayo dito Ram, Shade at Jace! Wag na yung isa dyan para medyo pumayat naman kahit papano." Putaena. Magparinig pa!

"Ouch 'nak!! Payag ka nun? Ginaganun-ganun ka lang? Hahaha! ^O^." Sige, mang-asar pa. "'nyway, Levy, carry on."

"Ano, Oji-sama, kare no garufurendo wa dare desuka?" Sabi niya in Niponggo(?) with matching glance pa sakin. Hindi ko nagets mga sinabi niya. I never paid attention sa foreign language classes namin.

"Anata ga." Sagot ni Papa with a mischievous smile. I got a bad feeling about this.

"Nani?! Watashi?" Ano ba trip ng mga ito at kung makapag-niponggo ay parang wala ng bukas?

"Hai, anata ga Gabby-kun wa kare no garufurendo desu." Pagkasabi niyan ni Papa ay nagtitili si babaeng sadista. Anyare kaya? Hindi na talaga ako makarelate.

"Oi! Ano ba trip niyo ngayon at ganyan kayo?"

"Wala naman 'nak. Details lang ng plano namin kung paano ka masasamahan lagi ni Levy."

"Eh leche naman! Hindi ko kaya gets! Bahala na nga kayo dyan!" Sabi ko sabay walkout.

"Hoy nang-iwan ka na naman! Ganyanan! Hindi ko sasabihin sayo kung ano mga pinagsasabi nila!" Rinig kong sigaw ni Ram. Nga pala, marunong mag-niponggo ang gago dahil sa mga tita niya. I'll ask him later.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Levy's POV

Kyaahhh!!!! Kilig much ako! Si Uncle kasi eh!!! Hindi ako makarecover! Need to focus!!

Nandito ako ngayon sa last subject nina Gabby. Medyo pinagtitinginan na nga ako ng mga classmates nila eh. Dahil bukod sa kakwentuhan ko sina Shade, katabi ko si Gabby kahit isa akong yellow band!! Hindi ko nga gets kung bakit matindi galit ni Gabby sa aming mga yellow band eh.

"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang klase? ˋ︿ˊ" Ui, concerned siya sa kinabukasan ko! Kilig na naman si ako!

"Wala na, Gabby, tapos na kanina pa. Actually thesis na nga lang kasi graduating na nga ako diba?" Explain ko sa kanya.

"Tsk, yabang." Tamo to, magtatanong hindi maniniwala. I-code Levy ko itong isang ito eh.

At ginawa ko nga kahit may professor sa unahan.

"Aray ko!! Shit! Shit!" Tsansing mode ulit ako kay Gabby, hihi. ^O^

"Mr. Regal at Ms. - what's your name again?" Bulyaw nung professor sa unahan.

"Santillan po, Levy Santillan" Sagot ko tapos binitawan ko na din si Gabby.

"Ms. Santillan, pwede ba mamaya na kayo maglandian diyan? At hindi ba yellow band ka? Anong ginagawa mo dito sa klase ko? ╰_╯"

"Ay, sorry po sir. Si Gabby po kasi eh. Nagpupumilit na i-kiss ko daw siya." Shocked na shocked ang mga mukha nila maliban kina Shade na nagpipigil ng tawa dahil sila lang may alam na bodyguard ako ni Gabby. Speaking of Gabby, liningon ko siya at nakitang ang talim ng titig sa akin. Kyaaahh!! Baka matunaw ako sa kilig, Gabby! Tama na!

"Pinabibigay nga po pala ni Pesticide-sama." Inabot ko dun sa professor yung letter ni Uncle. Hindi ko lang know kung ano laman nun.

Matapos niyang basahin yun ay tinuloy na niya ang klase. Buti naman para matitigan ko ulit si Gabby, hihi. ~>_<~

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Pauwi na kami at last. Medyo badtrip nga sakin si Gabby kasi sumali ako sa quiz nila sa klase tapos isa pa ako sa mga highest. Galing ko no? Hindi pa ako orange band ng ganyang lagay. Paano pa kaya kung nag-shift ako ng course.

"Ui, pre pupunta akong studio may tuturuan pa ako eh." Sabi ni Jace sabay alis papunta sa kanyang studio. Sabi niya sa akin kagabi, pagmamay-ari niya yun tapos hands-on niyang minamanage yun.

"Ako pre, alam mo na, susunduin ko ulit si Yesha. Levy gurl, pahiram nung motorbike mo ha?"

"Ok." Sabi ko sabay hagis sa kay Ram ng susi. Medyo malayo kasi ang school na pinapasukan nung Yesha dito sa RATS. Anong status nung dalawa at ganun nalang kung sunduin siya ni Ram? Hindi ko din alam, ang gulo eh.

"Oh, ikaw naman gurl?" Tanong ko kay Shade.

"Ililibre ko pa si Freed. Nagpunta daw kasi siya para sa wala sa condo natin. Yung isa kasi dyan, akala matatakasan si Levy gurl." Parinig niya kay Gabby.

"Sorry man, Shade.Malay ko ba?" Sinundot lang siya ni Shade sa tiyan sabay punta kay Freed na nag-iintay sa labas ng room. M. U. ata sila, ata.

"Tara na, Gabby. Ako magdadrive." Presinta ko sa kanya sabay abot ng kamay para kunin yung susi.

"Anong ikaw magdadrive, ako nalang. Napaka-kaskasero mo! Saka may motor ka ah?!" Wow, makakalimutin lang?

"Hiniram ni Ram ung motor ko, di mo ba tanda? Saka ikaw itong kaskasero kaninang umaga diyan!"

"Basta! Ako pa rin magdadrive!" Sabi niya sabay sakay sa kotse nila. Hayaan na, kaming dalawa lang naman sa loob. Kilig kilig ako dahil dun, mwahaha!, i mean, hihihi pala. ^O^

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

A/N: Sorry late update, nawalan ng net eh. Hello naman sa mga silent readers dyan! Express yourselves! Lol!

DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon