Dangerous: Babysitting

31 4 6
                                    

«★»

Gabe's POV

Dang! Dalawang linggong masakit ang katawan ko! Letseng babaeng yun! Araw-arawin ba naman ako? Wait, that sounds wrong. Let me rephrase it. Inaraw-araw niya aking tinotorture ng code Levy niya! Ginagawa niyang alarm clock ko yun! Argh! Kasi daw inubos ko yung refrigerated cake na dala ni tita Joyce! Malay ko bang gusto din niya yun?

Nandito ako ngayon sa salas ng unit ko. Actually katabi ko siya kahit na ang laki pa ng space sa kabilang sofa, tsk. Nakakapagtaka nga eh, kahit finals week na next week ay hindi pa rin siya nagrereview. Chill na chill lang siya na nakakapit sa braso ko( which is everytime na inilalayo ko sa kanya ay pinipilipit niya). Sabagay, kahit din naman ako tinatamad magreview. I glanced at the wall clock above the LED television. 7:55 pm. Anytime ay dadating na dito yung kambal ni tita Joyce.

Five minutes. Five minutes kaming nakatunganga sa wall clock. At exactly 8pm, nag ring ang doorbell. Agad agad naman akong hinila ni Levy papuntang pintuan. Hindi naman halatang excited siya, ano? Nabungaran naman namin pagkabukas ng pinto si Tita Joyce kasama ang kambal niya na sina Nikki at Nicole. Bihis na bihis si Tita Joyce dahil nga sa pupuntahan niyang business meeting. Bago umalis ay nagbilin pa siya dun sa kambal at sa amin na din.

"Kids, behave yourself while you're here, ok? Huwag bigyan sakit ng ulo sina ate at kuya." Tumango naman ang kambal with matching thumbs up sign pa.

Pagkatapos ay lumingon naman siya at inabot sa amin ang mga damit at iba pang mga essentials nung kambal. Pagkatapos ay dali dali na siyang umalis after kissing the twins. Naiwan naman kaming nakatunganga sa bilis ng mga nangyari. Kung hindi pa ako sinundot ng kambal sa aking tagiliran.

"Ui panget!" Awts, masakit pakinggan yun ah. Tatawa-tawa pa itong Levy na ito, nakakaasar lang. "Tara na! Gutom na kami ni Nicole."

Aakayin ko na sana sila papasok pero pinigilan nila ako. "Taba! Buhatin mo naman kami ni Nikki!" Awts, masakit talaga. Pagbigyan, mga bata lang yan. Binuhat ko na sila ng sabay, tig-isa sila ng braso ko.

Habang nilalakad ko na yung kabuuan ng hallway, napatingin sila kay Levy. "Sino siya panget/taba?" Sabay nilang tanong sa akin. Sasagot na sana ako pero naunahan na naman niya ako.

"Hello! Ako si ate Levy niyo! Girlfriend ako ni kuya Gabe niyo! ∩__∩" Bakit ba ang hilig niya ipakilala ang sarili niya bilang girlfriend ko. Napansin ko namang napanganga yung kambal kaya napatigil ako sa paglalakad. Ang lapit na pati nung sofa, ambigat kaya nila!

"Akalain mo yun Nicole, may girlfriend na maganda at sexy si panget?"

"Oo nga Nikki, akala ko hindi na magkakagirlfriend si taba!"

Aray ko! T_T Harap harapan pa nila akong pinagkwentuhan ha? Ibinaba ko na sila sa sofa bago ko pa sila maihagis. Pagkababa ko sa kanila, pabalang na inihagis sakin ni Levy yung gamit nung kambal pagkatapos ay tumabi na siya dun sa kambal at nakipagkulitan na kaagad. In-OP na naman ako sa sarili kong pamamahay!

"Oi, oi! Mamaya na yang kwentuhan na yan. Akala ko ba gutom na kayo? Kumain muna tayo. Tara na sa kusina, dali!"

"Basta bahay-bahayan tayo ngayon, panget! Ikaw tatay, si ate ganda nanay! Diba Nicole?"

"Oo nga taba! Habang nandito kami ganun ha?" Tapos lumingon siya kay Levy.  Ate sexy! Papayagin mo si taba!"

Bago pa makapagsalita si Levy ay inunahan ko na siya. "Oo na, oo na. Kumain na tayo at gutom na ako." Binuhat ko na sila at dinala sa kusina para makakain na kami.

"Wow! Puro chicken! Ikaw ba nagluto nito panget?" Grabe, man ano bang akala sa akin nitong bansot na ito, hindi marunong magluto? Pinaghandaan ko kaya itong pag-aalaga namin sa kanila. Pinagluto ko lang naman sila ng drumsticks, nuggets at crispy patties. Oh, diba?

DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon