CHAPTER 2

37 2 0
                                    

A/N: Special thanks to Alionaxx for the wonderful book covers. I deeply appreciated your time and effort for making these. You deserve a credit. Again, thank you! Sa uulitin. :)




----

Timotheos Lagdameo as I typed the name in my facebook search box, hindi ko maiwasang kabahan sa pag-iisip na makikita ko na talaga siya. At last! Sa picture nga lang pero ayos na yun kesa sa wala talaga akong ideya kung anong itsura ng "mapapangasawa" ko, 'di ba?

Iniisip ko ang posibilidad na gwapo, matalino, makisig at maginoo kahit medyo bastos ganun kasi lahat ng kilala kong mga lalaking mayayaman dito sa amin may itsura eh. Average nga lang pero ayos na din. Mapapasyal naman sa mall. At pwede na ding maipagmayabang. Hindi na din masama, di ba?

Lalo na siguro itong Lagdameo na 'to. Laking maynila at alam ko galing sa isang prominenteng pamilya. Di naman siguro magkukumahog ang isang Alberto Antonio para lang sa isang taong hindi niya mapakikinabangan. Kaya nga niya ako ibibenta sa mas mapapakinabangan niya kasi wala akong kwenta sa mga mata niya. Ay mali pala. Actually, kaming dalawa ni ate. For him, losing us means gaining success in his career. And he fucking don't care about our feelings! Damn CAREER! That's what only matters to him. His goddamn riches! And his greed for more. Money. Power. Influence. He'd never be satisfied. No wonder, mom left.

Bago pa ako tuluyang maiyak ng rainbowcolored tears dito. Ibinalik ko na lang sa ginagawa ang mga mata.

What.. the.. hell.. My jaw literally dropped upon seeing him.

PU.TANG.INA.
...
...
...
...
...
...
...

"PUTANGINA!"
...
...
...

"PUTANGINAAAAAA! DAAAAAAAAAAAAAAAAAAD! WALANGHIYAAAAAAAAAAAA"



"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA....." dinig ko sa kabilang linya. Tinignan ko sila ng masama. Mga letse talaga!

"Pag text mo talaga sa pangalan, sinearch ko agad. Langya! HAHAHAHAHAHAHAHA" di magkamayaw na saad ni Crenis. Peste talaga! Akala mo naiiyak dahil nagpupunas, banda sa mata niya. But her voice says otherwise. Tawang-tawa pala ang gaga! Totoo pala talaga yung "happy tears" 'no? Letse. Sayang-saya siya sa natamo kong kamalasan. Ang supportive talaga! Walanghiya.

"Siguro sobrang yaman nun, gags!" mahinang sabi ni Sasa na halos hindi ko marinig buti nalang naglinis ako ng tenga kanina. Hindi ko rin alam kung awa ba yung nakikita ko sa kanya, di kasi masyadong klaro dahil mahina yung connection. Hindi ko nga rin alam kung bakit ganoon. Eh nagbabayad naman kami kada-buwan!

"Kahit siya pa pinakamayaman sa buong mundo hindi ako pakakasal dun!" di ko talaga mapigilang huwag sumigaw kasi naman. Tumawa na naman ang ever supportive, loving, concerned at napaka-sensitive kong kaibigan.

"HAHAHAHAHAHA! Letse! Hahahahahahaha!" Di pa din pala siya tapos bwisit talaga! Ba't ko pa ba 'to sinali sa tawag? "Eh magkasing-edad na siguro yung tatay mo at si Lagdameo! HAHAHAHAHAHAHA! Iba talaga trip ni Antonio 'no?" Sabi niya pa'ng tawang-tawa pa din. You really have that friend na kahit ang malas na ng sitwasyon mo nagagawa ka pa ding pagtawanan. How sweet! I appreciate it a lot.

My freedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon