Chapter 1: Her and Him

279 32 9
                                    

Her POV

*bell rings*

"Hayyy,.. *unat-unat* Hmmm.. Hayyy salamat.. Tapos na rin ang exam! Wohooooo! Nagugutom na ko! Gusto ko ng footlong sandwich!" Sabi ko, with matching sparkling eyes pa..Grabe nagugutom na talaga ako! Hoho. Nagtataka ba kayo? Bakit footlong sandwich? Simple lang! Favorite ko e. Haha.♥ So dahil nagugutom na ko, lumabas agad ako sa room namin at pumuntang cafeteria...

"LaLaLaLaLaLaLaLa♬♪♬♪"

Kumakanta pa ako at sumasayaw habang papunta ng cafeteria.. NakakaAgaw ng pansin? Hindi ah. May sari-sarili naman silang buhay e. Tska, pakiAlam ba nila?

Anyway,ako nga pala si Princess Xyla Hyacinth . Astig ng pangalan ko no? Haha. Ewan ko kung bakit ganyan ang apelyido ko . Ayaw kasi magkwento ng nanay ko tungkol sa tatay ko e. Maligno daw. Anyway, 17 years old na ko. At nag-aaral sa... Tentenenen ~ Sa Springton University ! Hoho. Course ko? Tourism! Saan ako nakaTira? Wag na. Mamaya, malaman ko na lang.. Hinaharana niyo na ko. Nakakahiya kaya. Haha. Juk lang! *peace!* Mayaman? Hindi naman. Scholar ako e. Haha. *brrr* *gasp* Yung tiyan ko! Kawawa naman.... Umiiyak na! Kailangan ko na makapuntang cafeteria!

Cafeteria

"Yes! Woooh!"

Hoho. Nakarating na rin ako! Bakit kasi, feeling ko, parang ang tagal kong nagLakad? Tsk..

Wew ~ F. Sandwich.. Here I comes..

Agad akong pumunta sa favorite stall ko. Bakit? Andun favorite ko e. Haha. Malamang dba? Ang shunga ko lang.

At ayun na nga.. Kasoooo lang...

"Oh, iha. Ikaw pala? Ubos na yung footlong sandwich e. Puro na lang burger. Hindi na kita natirhan kasi akala ko, hindi ka pumasok."-sabi ni manang. Kaiyak!

"Naman! Manaaaang..Prelims po kaya! Tapos hindi ako papasok?"

"Ah. Prelims ba? Hindi ko alam e. Hehe. Pasensya na iha. Teka lang ah? Aayusin ko lang yung cabinet."

So ayun, tumalikod sa akin si manang at inayos yung cabinet chuchu niya. So? Ako magtitinda? Ako tindera? Feeling bahay? Namaaan e. Baka meron pa dito..

*hanap hanap* Aha! Ayun! Sa dulo. Haha. Akin ka ngayon. Mwahahaha.

Nang akmang hahawakan ko na.. Aba! Kaninong kamay to? Wag niyong sabihin readers na tatlo na kamay ko. Hindi manlang ako naInform?

"Miss?"

Huh? Ano yun maligno?

"Miss?" Sabay snap ng daliri sa mukha ko. Sino ba yun? Letse naman e. Walang modo. Pagtingin ko.. sheeeems.. Tumingin ako sa langit, baka nagbukas. Ay, ceiling pala to. May second at third floor pala tong cafeteria. Bobo naman nito. Teka lang..

"Anghel ka ba?"- Tanong ko sa lalaki, habang hinahawak-hawakan ang mukha niya..

"Huh? Wait Miss. Are you going to buy this sandwich?"

Sabi niya sabay hawak sa sandwich KO. Teka lang! Akin to ah?! Grr. Isa ka palang mang-aagaw. Hindi ka angel!

"Yes. At ako nauna. Okay?"

Mataray na taas noong sabi ko sa kanya. Bakit ba? Ako naman talaga nauna e. Dba ? Dba? Hoy anino ko! Kampihan mo ko!

"Woah. Okay. Haha. It's all yours beautiful lady." Sabi nito ng nakaTaas pa ang kamay. Teka lang? Nakangiti siya? May demigod na bumaba! >////< Yung dimples nakakasilaw. Shems.. pero.. kaaway pa rin siya.. Kaya in-Isnoban ko siya at kinagatan ko na agad yung sandwich KO. Baka agawin pa e. Malay mo? Dba?

Teka lang.. magbabayad na ko.. *kapa-kapa sa bulsa* Asan na yun?  Shems. Nakalimutan ko! Yung wallet ko nasa bag ko! At yung bag ko nasa room! I'm doomed.

"Here. I'll pay for her sandwich."

Sabi ni Mr. Mang-aagaw na in an instant naging Mr. Knight In Shining Armour ko. Agad-agad.

"Haaayy. Ikaw talaga iha. Haha. Ang bait mo naman iho. "

Sabi ni lolang tindera. Ako pa ngayon? Sabagay, ako naman talaga e.

"At ang pogi mo pa. Bagay kayo."

Sabi ni lola nang nakangiti sa kanya sabay tingin sa akin... Tumingin naman ako sa likod ko. Bagay daw e. Hindi naman ako bagay..

"Ah?Haha. Salamat po."

Napatingin naman ako kay Mr. KISA. Short for Knight In Shining Armour. Ayoko ng dagdagan ng shimmering. Ang haba e. Salamat ? Para sa pagiging pogi niya? Feeling naman neto. Dapat laging humble. Maka-Alis na nga..

"Kuyang Pog--este Mr KISA. Sumunod ka na lang po sa akin. Babayaran kita. "

Sabi ko habang naglalakad palayo..

"KISA?Hey. Samahan mo na lang ako. Bayad mo na lang yung pagsama mo sa akin!"

Sabi niya ng pasigaw. Bakit parang tumigil ang oras?

"Si Prince yun di ba? "

"Sino yung babae? "

"Samahan? May date sila? "

"Duh. Hindi naman siya papatol sa ganyang babae no."

Tumigil ang oras at biglang nagbukas ang isang malaking black hole sa cafeteria namin. At lumabas ang NAPAKARAMING bubuyog. Ang ingay . Takte. Nagpanting pa yung tenga ko sa huling narinig ko. Tinignan ko yung nagsalita. Feeling. Mukha namang clown. Nilapitan ko yung lalaking puno ng kaguluhang to at hinila palabas ng cafeteria.

"Anong problema mo? Bakit kailangan mong sumigaw?! "

Sabi ko habang nagagalit na kinagat ang sandwich KO. Kawawang sandwich. Mama-Massacre ko pa ata ng wala sa oras. Kasi tong lalaking to e!

"Uhhm. Sorry. Gusto ko lang naman... na yayain kang lumabas? Since IKAW na yung nauna sa sandwich at ako pa ang nagbayad. Yun na lang bayad mo sa akin. Samahan mo lang ako."

Sabi niya sabay tingin sa kaliwa. Tumingin naman ako sa kaliwa. Wala namang tao. Sinong kausap niya? Tumingin rin siya sa taas. Sa baba. Bakit walang kanan? Wala tuloy partner yung kaliwa. Tsk.

"Naka-Drugs ka ba? Sinong kausap mo jan?" Tanong ko. Mukhang baliw e. Kung saan-saan tumitingin. Andito naman ako.

"Ikaw." Sabay tingin niya sa akin. Woah. That eyes. Ang ganda. Hoho. Pogi talaga nito ni KISA.

"Saan ba?"

"Sa.... Jollibee!Gusto ko kasi talaga kumain ng Jolly Hotdog. Atska.. ililibre na rin kita. "

Sabi niya ng nakangiti. Jollibee? Jolly Hotdog?Normal ba yun sa lalaki? Yung napapanuod at nababasa ko kasi sa mga pocket book o wattpad, it's either sa bahay o sa restaurant dadalhin.Pero siya kakaiba. HAHA. So, wala naman pala siyang hidden agenda e. Ang kulet. Sige na nga. May libre e.

"Tsk. Dapat kanina mo pa sinabi! Tara na!

Sabi ko at hinila na siya palabas ng gate. Hoho.

------------------

Note: Chapter 1 ends. ツ Haha. Dito po muna ako magfofocus. ♥ Ayoko po munang tignan yung The Devil's Downfall . Masakit sa feeling e. Haha. Ciao! Enjoy reading! ^_^

Vote|Comment | Share. ♥

-xoxo-

Dating Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon