Princess' POV
Ayoko sana ~
Kung ikaw ay mawawala ~
Mawawasak lamang ang aking mundo-o-oh ~
Ngunit anong magagawa ? ~
Kung talagang ayaw mo naaaaa ~
Sino ba naman ako ? ~
Para pigilan kaaaaaaa ~
Aish! *takip sa tenga* Ate ! Maghunos-dili ka! Wala akong payong na dala! Wag mo palalabasin ang ulan oh! Pleaseee! Preeetty pleaseee!
*thunder rolls*
Tch. Kasasabi ko pa lang di' ba? Waaaaaa. Lagot ako nito kay mommy! Ayaw pa naman niyang nagpapaulan ako! Aish! May acid daw kasi dun. Baka malapnos yung precious skin ko!
*plock! Plock!*
Huh? Sinahod ko naman yung kamay ko. Waaaaaa! May tubig mula sa taas? Ibig-ibig sabihin? Umuulan naaaa! Sheems!
Ang halik mo ~
NamiMiss ko ~
Ang halik moooo ~
NamiMiss ko ~
Bakit iniwan mo akoo-oh ~
Ahgkplmshkd. Lychee!
"*claps hand* Wooooh! Ang galing niyo po ate! Ang ganda po ng boses niyo! Natalo niyo na po si Regine Velasquez sa golden voice na meron siya! Diamond voice na po yung sa inyo!"
Sabi ko sa ale na kanina pa umaAtungal. Kasi naman e! *pout*
"Ta-talaga iha? Pwede na ba ako sumali sa The Voice?"
Grabe to si ale. The Voice pa ang nais!
*Plock! Plock! Plock!*
Hala? Waaaaa! Sunod-sunod na yung patak! Tinignan ko yung langit. Mukhang malakas ang ulan!
Hindi ko na pinansin si ate at tumakbo na ako, papuntang sakayan ng trycycle.
"Kuya! Sa Aphrodite Village po!"
"Mukhang malakas po ang ulan ma'am no?"
Hala? Ano to si kuya? Tsismisan pa ang nais?! Anong meron sa mga tao ngayon? Ene be yen. Dapat talaga hindi ako nagpapagabi ng uwi e.
"Kuya? Hellooo po. Sa Aphrodite Village po pwede?"
Tanong ko kay kuya. Siya na lang kasi yung nakapila ditong trycycle kasi hindi pa nakakabalik yung iba. Pero, may saltik ata si kuya. Nakatingin lang siya sa langit na parang nagoOrasyon. Ano ba yan!
"Kuya? Aswang ka po ba?"
Tanong ko sa kanya. Tumingin lang naman siya sakin at ngumiti.
"Sa gwapo kong to' maam? Mukha po bang aswang ako?"
"Naman kuya e! Ikaw na gwapo! Basta dalhin niyo lang po ako sa Aphrodite Village!"
Sabi ko sa kanya habang nakasimangot. Kese nemen e.
"Areglado ma'am! Sakay na po kayo!"
Tsk. Gusto pa palang pinupuri....
***
"Manong. Dito na lang po."
Sabi ko kay manong. Dadaan pa kasi ako sa church namin kasi Friday ngayon.
BINABASA MO ANG
Dating Mr. Popular
Romance"Love is like a magic. But magic..is an illusion."-Princess Xyla Hyacinth