Chapter 4: His Friends

79 9 0
                                    

Princess' POV

"Kyaaaaa! Girls! Anjan yung mga Prince!"-Girl 1

"Talaga? Anjan sila Ace?!"-Girl 2

"Oo nga! My ghad! Ayos lang ba ang make-up ko? Ang buhok ko? Okay lang ba?"- Girl 3

"Yep. Eh ako? Okay lang? O kailangan ko pa bang magdagdag ng lip stick? Yung blush on ko pantay ba?"- Girl 1

Hmmm. Ano ba yan! Bakit ang ingay nila?! Wala man lang silang konsiderasyon! Malapit na ang finals! Kailangan kong matulog! Kailangan yun para pumasok lahat ng pinag-aaralan ko sa utak ko! Hays.

Breath Xyla. Breath. Nakakapanget ang maStress.

"Kayaaaaah! Anjan na!"

Ano ba yun?! Tinignan ko naman yung mga kablock mates ko. Masyado kasing maiingay. Ano bang meron? Pumunta na ba si Taylor Swift dito sa school namin? O andito si Zac Efron? Shems! Hindi ako ready! Lobat na yung phone ko! Paano na to? Hindi kami makakapagPicture? Huhuhuhu

"Kayaaaaaaaaa!!"

Lumayo naman ako sa kanila at pumunta sa sulok ng room. Maiinggit lang ako kasi hindi ako nakapagpicture kay Taylor e. Huhu

"Hi Ace!"

"Hi James!"

"Hiiiiii Zac!"

Waaaaah! Huhuhu . Sinasabi ko na nga ba! Anjan nga si Zac Efron! Huhu. Hindi ako titingin! Hindi ako titing---

"Is Princess Xyla Hyacinth here?"-Ace

Huh? Princess? Xyla? Hyacinth? Kapangalan ko ah! May kaklase na ba ako ngayon na kapangalan ko? Hindi ko pa siya nameMeet. Baka transferee. Bukas ko na lang siya imeMeet. Hihi. Kailangan kaming maging friends lalo na't magkaPangalan pala kami. Hoho

"Si Hyacinth?"-Girl 1

"Bakit naman siya hinahanap nila Zac?"-Girl 2

"Oo nga. What's so special about her?"-Girl 3

"Hindi naman siya maganda."-Girl 4

"Ah. Baka aalilain lang nila Zac. Haha. Poor girl."-Girl 3

"So, where is she?" -Zac

"Andun prince Zac!"-Girl 1

Ang ingay nila, asan na ba kasi si Princess? Kapangalan ko pa siya. Hindi na lang siya lumabas e. Anjan na nga sila Zac Efron e. Choosy pa.

"Hey girl. Someone's looking for you."

Napatingin naman ako dun sa kaklase kong maganda na mukhang nerd. Sayang yung mga mata niya. Hindi nakikita. Natatakpan ng salamin.

"Huh? Sino?"

Tanong ko naman sa kanya. Kasi , hellooo? Sino namang maghahanap sakin? Eh, tapos na yung practice namin ng Glee Club . Tska, next next week pa naman yung Foundation Day. Kaya, wala ng maghahanap sakin. Jinojoke time ata ako nito e. *pout*

"Hi Princess!"-James

"Oh My Gosh! Nilapitan siya ni prince James."-Girl 1

Napatingin naman ako kay Erica nung sinamaan niya ko ng tingin. Anong problema niya? *pout*

"Hi Princess! Destiny. Haha. Magkapangalan kayo ni Prince. Princess..Prince.."- Zac

Huh? Sino ba tong mga to? Asan si Zac Efron? Tumingin naman ako sa likuran nila. Bakit wala?

"Asan si Zac Efron?" Tanong ko? Umalis agad? Sayang. Hindi ko man lang nakita. Huhu.

"Huh? Sinong Zac Efron? Ikaw ba yun Zac? Pero, hindi naman Efron yung apelyido mo." -Ace

"Pffft. Hahahaah. She mistook us , as someone else. Hahahaha. Zac Efron? I think that's an actor! Hahahaha"-James

"Hahaha. Ibang klase. Anyway, I'm Chaos Zac Alberti. I'm not Zac Efron. Hahaha. Mas gwapo pa ko dun. Pffft." Sabi nung lalaking mukhang American. Ang cool ng kulay ng mata niya. Green. *_*

Nilapit ko naman sa kanya yung mukha ko. Ang astig talaga.

"Woah. Easy there babe. Baka magulat na lang ako, andito na si Prince at nakahiga na ko sa lupa. Haha." Sabi niya. Natawa naman yung dalawa niyang kasama. Sino ba si Prince? Kanina pa sila ah.

"Tsk. Haha. Anyway, I'm Nathan James Salvador."sabi naman nung lalaking unang kumausap sakin.

"And I'm Ace Michael Martin." Sabi naman nung lalaking blonde.

"So?" Tanong ko sa kanila. Eh, anong gagawin ko sa pangalan nila? Magic word ba yung pangalan nila, at hindi na ko aantukin kapag sinabi ko?

Nagkatinginan naman sila dahil sa sinabi ko. Sabay nagtawanan. Huh? Wala namang mali sa sinabi ko ah?

"You're really adorable. Kaya ka siguro nagustuhan ni Prince."-Ace

"Anyway, pwede ka ba namin mayayang lumabas?"-James

"Okay." Sabi ko at nauna nang lumabas nang room. Baka kasi nahihiya na sila sa mga classmates ko kaya nagaaya lumabas. Naiintindihan ko naman sila. Kung akong nasa kalagayan nila, mahihiya rin ako since, hindi naman sila, close sa mga kaklase ko.

Pagdating namin sa Aphrodite Garden, pumunta ako sa favorite kong puno at naupo sa lilim nito, habang sila ay nakatayo pa rin.

"Hindi ba kayo napapagod?" Tanong ko sa kanila. Mukhang kanina pa kasi sila naglalakad e. Malaki pa naman tong Campus. Siguro pagod na yang mga yan.

Nagkatinginan lang naman sila at umiling. Sige, bahala kayo jan. Madali lang naman akong kausap e. Atska, marunong naman akong rumespeto sa desisyon ng tao no. Turo kaya sakin yun ni mommy..

"Why are we here?"

Tanong nung Ace. Hala? Nakatulog ba siya habang naglalakad kaya hindi niya alam?

"Kuya. Nakatulog ka po ba? Nakapunta ka po dito dahil naglakad ka po. Atska, niyaya niyo po akong lumabas di ba? Ayan po. Nasa labas na tayo ng room. Wala na dapat kayong ikahiya. Mga halaman at bulaklak lang naman yung andito e. Idagdag mo na rin yung mga ibon."

Sabi ko, habang tinatakpan yung mukha ko ng panyo. Humihikab ako e. Baka makita nung lamok pumasok. Tapos sundan nung gagamba. Baka sundan naman nung palaka. Hanggang masundan ng kabayo. Mahirap na. Hindi ko kayang maDigest lahat ng yun no. Precautionary Measure lang.

"Pffft. Hahahaha. Sabi ko sayo, wag kang matutulog ng nakabukas yung mata mo bro! Haha."-James

"Shut up man." Sabi nung Ace sabay suntok sa balikat nung James. Bakit sila tumatawa? Pati yung Zac tumatawa rin e.

Ang dadamot ng mga to. Hindi man lang nagsheShare ng joke. Gusto, sila lang masaya. Ang daya. Bad kaya yun. Dapat mamigay din no.

"No. We mean na lumabas. Ay sa labas talaga ng Campus. Prince setted a date for both of you, kaya ka namin niyayaya."

Sabi nung Ace. Habang nangingiti. Mga baliw ata tong mga to e.

"Sorry. But my mom told me not to talk to strangers."

Sabi ko sa kanila saka tumayo at naglakad na paalis. Kung sino-sino kasi yung sinabi nilang Prince, e hindi ko naman yun kilala. Atska date daw? Tch. Matutulog na lang ako, kesa sayangin ang oras ko sa taong hindi ko naman kilala. Hmp.

______________________________________________________________________________

A/N. Hiiii. It's been a long time! I'm back! HAHA. This chappie is very short since matagal na kong hindi nakakapagUpdate, dapat mahaba di ba? Sorry naaaa. :3 Naghahanap pa kasi ako ng impormasyon tungkol sa lovestory ng mga bida natin. So yeah.

Enjoy reading!

Do vote|Comment|Share♥

Xoxo :*

-FayeTrellier17

Dating Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon