Chapter 1

349 13 13
                                    

PS: Inspired by Alice Academy. Pero kakaibang kakaiba sya ;) Enjoy. 

Chapter 1. Mystical Academy. 

"Let me go!" sigaw ko sa lalaking guard na may hawak sakin. Ngunit wala ata itong balak na bitiwan ako. Nilingon ko si Mama. "Mom, I don't want to transfer schools."

Lumapit ito at hinawakan ang pisngi nya. "Sorry baby, but you have to. Last month pa ko pinaldahan ng sulat ng principal. Alam mong hindi yun dapat tanggihan. Hindi lang ikaw ang mapapahamak, kundi ang buong pamilya."

"But Mom, ordinaryong tao lang ako!" pangangatwiran ko pa din. 

Kumunot ang noo ni Mama. "Wala ka bang naaalala sa nangyari last month? Yung aksidente?" 

Last month? The accident? Ang alam ko lang may humahabol saking mga lalaki non. Pero nagising na lang ako kinabukasan, nakahiga na ko sa hospital bed. Ni hindi ko na nalaman kung pano ako napunta don at kung ano na ang nangyari sa mga lalaki.

"W-wala. Kung meron akong kapangyarihan, sabihin mo sakin kung ano, Ma. Hindi ako papasok sa school na yan kung di mo sasabihin sakin!"

Umiling si Mama. "Hindi ko rin alam, Haley. Ang nakakaalam lang ng kakayahan mo ay ang founder ng school. Tuklasin mo kung gusto mong malaman." Tumingin ito sa lalaking may hawak sakin. "Ipasok mo na sya."

Hinila na ko palayo nung lalaking guard at ipapasok na ko sa school.

"Mom! Ayoko dito!"

"I love you, Haley." Sabi nito bago pumasok ng sasakyan.

Wala na akong nagawa kundi pumasok. Nang makawala ako sa lalaking guard, sinubukan kong tumakas at buksan ang gate. Pero nang oras na lumapat ang mga kamay ko sa bakal, tumalsik ako palayo.

"Don't bother escaping, Ms. Willson. Lahat ng may angking kapangyarihan ay hindi na makakalabas, oras na mapasok dito. At sa nangyari ngayon sayo, napatunayan lang non na hindi ka ordinaryong tao."

Nilingon ko ang lalaking nagsalita. Matangkad at medyo matanda na. Nakasalamin at may hawak na libro. Kilala nya ko. Siguro sya yung principal. O kaya ang founder?

Kahit masakit sa balakang, pinilit kong tumayo. Ang layo nang pinagtalsikan ko. Ang sakit ng buong katawan ko.

"Tell me. Alam mo ba ang kapangyarihan ko?" I know, it's rude. 

"It's for you to find out."

And to my surprise, nawala na lang ito bigla. Hinanap ko sa pa paligid, pero wala na ito.

Tiningala ko na lang yung malaking building sa harapan ko. Mystical Academy. Sikat ang school na to at maraming gustong pumasok. Pero pili lang ang pwedeng makapag aral. Ang school mismo ang nagpapadala ng sulat sa mga 'dapat' mag aral dito.

Ang alam ng karamihan, karangalan na kung mapipili kang mag aral sa school na to. Akala nila, mga matatalino o kaya mayayaman o kaya ay mahahalagang tao ang nag aaral dito. Yun din ang akala ko nung una.

Pero hindi. Ang school na to ay hindi para sa mga normal na tao. Ang mga estudyante dito ay either monster, kalahating tao o kaya ay may mga mahika. Hindi ko alam kung ano ako o ano ang kakayahan ko. Nalaman ko na lang isang bwan nakakaraan na kaylangang ilipat ako dito. At kung hindi kami sumunod, mapapahamak ang pamilya ko.

Kaylangan ko na sigurong tanggapin ang katotohanang dito na ko mag aaral. At kung meron nga akong kapangyarihan, mabuti ngang alamin ko. Pag nalaman ko, gagamitin ko yon para makalabas ng eskuwelahang to. 

Mystical ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon