Chapter 3

156 13 8
                                    

Chapter 3. A-Class Residence.

"Goodbye class." sabi ng huling teacher namin bago lumabas ng classroom.

Inayos ko na yung gamit ko. Tinext ko din si Mama para sabihing ayos lang ang unang araw ko. Buti na lang at hindi banned ang cellphones dito sa school. Wag nga lang gagamitin pag nasa klase.

"Haley, gusto mong sumama papunta sa bayan?" tanong sakin ni Dyna.

"Bayan? Sa loob ng school?" sarcastic kong tanong.

"Yeah. May mall at palengke don kung gusto mong mamili." Brianne.

Seriously? Akala ko nagbibiro lang sya. Kumpleto na talaga dito? 

"Dyna. May lakad si Haley, hindi sya makakasama." singit ni Raine at saka umabrisiete sakin. 

Geez. Pupunta nga pala ako sa bahay ng A-Class. Nawala na sa isip ko.

"Ay oo nga noh. Well, goodluck!" kinindatan pa ko ni Brianne bago sila lumabas ng classroom.

"Taralets. Daan ka muna sa dorm at magbihis ka." Raine.

Nagsimula na kaming maglakad. Tinignan ko yung oras sa relo ko. 4:23 na.

"Ilang oras ang byahe papunta sa bahay nila, Raine? Malayo ba yun?" 

"Medyo. Mga kalahating oras." Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa oras. "Ay sheez! 4:30 na   pala! Wag ka nang magbihis. Dumeretso ka na lang. Bawal ang late!" tarantang sabi nito. 

Humiwalay ito sakin at hinila ako palabas ng building.

"Dahan dahan, Raine." sabi ko. Mahirap tumakbo dahil galing pa kami sa second floor at bumababa kami ng hagdan. Baka madulas pa kami.

Pagkalabas ng building, agad kaming tumakbo papunta sa shade para maghintay ng bus. Unfortunately, sampung minuto na ang nakalipas pero wala pa ding bus na nadaan.

"Hala! Bat walang bus?" si Raine na hindi mapakali. 

Nagtataka pa ko dahil hindi naman sya ang malelate kundi ako. I guess, nakahanap ako ng bagong kaibigan dito.

"Pierre!" bigla namang sigaw ni Raine. Halos mabingi pa ko sa sobrang lakas ng boses nito.

Tumingin ako sa gawi kung saan nakatingin si Raine. May isang lalaking nakajacket ang kalalabas lang ng building at naghihikab pa. Singkit ang mga mata nito at medyo mahaba ang buhok. 

Lumapit kami sa lalaki. May hawak na itong helmet at mukhang pasakay sa isang motor.

"Pauwi ka na?" tanong ni Raine dito.

"Obviously." inaantok pang na sagot nito. Hindi kaya masagasaan sya sa gagawin nya? Magdadrive sya pero inaantok pa? Buong araw lang itong natulog. Ano kayang ginagawa nito sa gabi?

"Okay then. Ihatid mo naman si Haley sa A-Class Residence. Inimbitahan sya don." 

Tinignan ako ni Pierre na para bang ngayon lang ako napansin. Nakatitig lang sya sakin ng isang buong minuto bago sinagot si Raine. "At bat ko naman gagawin yon?"

"Kasi maganda si Haley! Kaya... akin na nga yang helmet!" Isinuot sakin ni Raine yung helmet na inagaw nito sa kamay ni Pierre.

Naramdaman ko pa ang pag iinit ng pisngi ko. Lagi akong ganito pag pinupuri. Kukutusan ko mamaya si Raine pag uwi ko sa dorm. Wala namang koneksyon sa sitwasyon ang sinabi nito.

Mystical ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon