Chapter 2

137 12 11
                                    

Chapter 2. First day. 

Hindi ko inaasahang mababait ang mga bagong kaklase ko. Akala ko, mga bullies sila. 

Normal na mga subjects rin pang high school ang mga tinuturo dito, pwera lang sa isa. Strengthening. Sa subject na yun, mapapapractice o kaya mapapalakas ang isang mahika. At dahil hindi nagagamit ang mahika sa loob ng building, sa labas yun tinuturo. 

"Anong meron?" nagtataka kong tanong kay Dyna, seatmate ko. Naririnig nito ang mga bagay kahit ilang kilometro pa ang layo. Pero dahil hindi nagana ang mga mahika sa loob ng building, medyo mahina ang pandinig nito.

"May sinasabi ka?" tanong nya sakin.

See? Inulit ko yung tanong ko sa kanya. Nagtataka ako kasi halos lahat ng kaklase namin nag ipon ipon sa may bintana at parang may sinisilip. Ayoko namang makihalubiho since wala na din naman akong masiksiksikan. Kaming dalawa lang ni Dyna at mga ibang mga lalaki ang natira sa seats namin. Vacant period namin eh.

"Ah siguro nakita nila yung mga A-Class." simpleng sabi nito.

A-Class? Tatayo sana ako kaya lang nagsibalik na sa upuan nila yung mga kaklase namin. Pero mukha silang masaya at excited.

"Papunta na dito ang mga A-Class!" sigaw ng isa. Naghiyawan pa ang iba pagkarinig non.

"Wow. Minsan lang to ah. Ano kayang kaylangan nila?" si Brianne, katabi ko sa kaliwa. Mahilig ito sa mga manika. Nakokontrol nya kasi ang mga yon at nabibigyang buhay.

"Ano bang klaseng tao sila?" bulong ko kay Brianne.

Medyo lumapit ito sakin. "Mabait at palakaibigan sila, bukod kay Keith na suplado at masungit. Nakakapagtaka nga kasi pati sya, sumama papunta dito. Di yon naapak sa ibang building eh." sagot nito.

Sa pagkakatanda ko, si Keith ay isang elementalist at mas matanda samin ng dalawang taon. Magkaedad sila ni Phenelophe. Si Drew naman ay kaedad ko lang.

Bigla namang bumukas ang pinto ng class room namin. Lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga babae kanina. 

"Keith-sama! Drew-sama! Phenelophe-sama!" rinig kong sabi ng nasa harapan kong si Lilith. Nagiging invisible ito kung gugustuhin nito. Mahilig sya sa anime at mas bata samin ng isang taon.

Tinignan ko naman yung mga pumasok. Hindi sila naka uniform. Nakangiting kinamusta ng isang babae at ng isang lalaki ang mga kaklase ko. Yung isa pang lalaki, nakasandal lang sa pinto at nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Di ko maikakailang gwapo ito. Naka sando ito ng itim na pinatungan naman ng jacket. Ang buhok nitong medyo brown ay may bangs at medyo mahaba.

Napansin kong nakatingin sya sakin. Gusto ko mang iiwas ang tingin ko ay hindi ko magawa.

"Ouch." Bulalas ko nang parang may uminit sa bandang noo ko. Hinawakan ko yon pero wala namang sugat o ano pa man.

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Keith, gulat na gulat itong nakatingin sakin. Anong ginawa ko?

"Yow."

Nilingon ko yung may ari ng boses. Isang lalaki ang nakatayo sa harapan ko. Si Drew. Parang gusto kong hawakan ang buhok nitong kulay itim at gulo gulo. And he's attractive too.

"Welcome to Mystic-"

"Drew!" 

May babaeng yumakap dito at hinila ito palayo kaya hindi na nito natuloy ang sasabihin sakin.

Ilang minuto ang lumipas. Masayang nagkukwentuhan ang iba kasama ang dalawang A-Class. Wala na si Keith sa pwesto nito kanina. Lumabas na siguro. 

"Haley Willson." banggit ni Phenelophe sa pangalan ko na ikinagulat ko. Natuon ang atensyon ng lahat sakin. 

Tinaas ko ang kamay ko at nagsalita. "Bakit po?"

Ngumiti ito at lumapit sakin. May inabot sya saking maliit at pulang envelope. "We'll be waiting for you." then naglakad na ulit ito sa harapan. "Sorry guys. We have to go. Sa susunod na lang ulit!"

"Aww." maktol ng ilan. Lumabas na yung dalawa sa room pagkatapos magpaalam.

"Oh my god! It's the red invitation!" sigaw ni Raine habang hawak ang sobre na naagaw nya sakin.

Nagsilapitan ang mga kaklase naming babae at pinag agawan ang pulang sobre. 

"Anong meron?" tanong ko sa kanila.

"Sheez! Ang swerte mo Haley! Maiimbitahan ka sa bahay nilang tatlo!" Raine.

"Bahay? Sa labas ng school?" Bigla naman nagliwanag ang paligid ko. Makakalabas ako?

"No. May bahay sila sa loob ng school. Sasakay ng mini bus tapos pahatid ka sa bahay nila. Alam yun ng driver." si Brianne. Lumaylay naman ang balikat ko. Akala ko makakalabas na ako.

"Anong gagawin ko sa kanila? Bat ako inimbatahan?" 

Nagkibit balikat sila. "Second time lang na may maimbitihan sa kanila. Yung una ay si Pierre." tinuro ni Raine yung lalaking nasa likod na laging tulog sa klase. Hindi ko pa ito nakikita simula kanina kasi kanina pa ito nakatungo sa lamesa. 

"Haley-neechan! Pwede ka ba daw magsama?" nagniningning na mga matang tanong sakin ni Lilith.

"Lilith, para sa isang tao lang to." Raine.

Bigla namang sumimangot si Lilith. "Wakatteru yo." sabi nito na ang ibig sabihin ay 'alam ko'.

Pang isa lang? Gusto kong magsama! Ayokong pumuntang mag isa.

"Wag kang mag alala, Haley. Mababait naman sila." 

"Anyway, itago mo itong mabuti. Hindi ka mapapasok sa loob pag wala ka nyan." Inabot na sakin ni Raine yung invitation.

Binuksan ko yon at binasa ang nakasulat sa loob. '5:00. A-Class Residence.' Pupunta ba ako?

Mystical ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon