Chapter 4

178 12 18
                                    

Chapter 4. My Haley.

Paimpit akong sumigaw sa sobrang sakit ng noo ko. Hindi pa din natatanggal ang liwanag doon. Patuloy lang ito sa pagkislap. Pawisan na ako at pagod na pagod na. Halos kalahating oras na ata akong namimilipit sa sobrang sakit. Hindi naman ako makalabas ng banyo dahil ayaw kong makita ni Raine ang nasa noo ko.

Hingal na hingal akong tumayo mula sa pagkakahiga sa tiles. Nawala na ang liwanag pero mahapdi pa din ang noo ko. Humarap muli ako sa salamin. Aah! Hindi natanggal ang itim na crescent moon at isang bituin sa noo ko. Hinipo ko yun pero napaso lang ako. 

Geez! Ano ba ko? Si sailormoon ba talaga ako?!

Naghanap ako ng band aid mula sa cabinet, and luckily, meron naman. Ginamit ko yun para takpan ang tatak sa noo ko. Magpapagupit ako kay Brianne. Mahilig yun maggupit eh.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magbihis, lumabas na kong banyo.

"Wow. Kala ko nalunod ka na!" salubong sakin ni Raine. "Oh anong nangyari dyan sa noo mo?"

"Nauntog lang ako." pagdadahilan ko.

"Osya. Mauna na lang ako sa baba, gutom na ko eh. Sumunod ka na lang ha?"

Tumango lang ako at humarap sa salamin. Hindi ko mapigilang hawakan ang noo ko. Aww. Mahapdi pa rin sya. Tss, hayaan ko na nga lang muna. Naramdaman ko namang nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko yon. May 3 messages lang ako at 10 missed calls.

Inuna kong tignan yung mga tumawag. Puro si Mama lang at saka isang number na di ko kilala. Tinignan ko yung mga messages. Ang dalawa ay mula kay Mama. Pinapalalahanan lang ako ng kung ano ano. Magtext daw ako pag may problema, etc. Yung huling text, galing din sa parehong number na nag missed call.

'Tiisin mo lng ang hapdi sa noo mo, Haley.'

Sino sya? Bakit nya ko kilala at san nya nakuha ang number ko? Pano din nya nalaman ang tungkol sa noo ko? Tinawagan ko yung number pero out of coverage. Tinext ko na lang sya at tinanong kung pano nya nalaman ang tungkol sakin.

Pagkatapos nun bumaba na ko papunta sa cafeteria sa first floor ng dorm. 

"Haley-neechan!" sigaw ni Lilith pagpasok ko. Kasama nya sa isang table si Brianne, Dyna at si Raine. 

Kumaway lang ako pabalik at pumunta na agad ng counter at saka umorder ng pagkain. Pumunta ako sa table kung nasan sila Lilith.

"So ano tong nabalitaan kong may gwapong lalaki ang naghatid sayo dito?" pang uusisa ni Brianne hindi pa lang ako nakakaupo.

"Chismax lang yun." sagot ko.

"Ano namang nangyari sa noo mo at may band aid?"

"Nauntog daw sya. Siguro iniisip yung tungkol sa kiss." nanlolokong sabi ni Raine.

Hinampas ko yung kamay nya. Daldal.

"Kiss? Anong kiss?" 

"Kiniss kasi sya ni Keith bago umalis eh. Yiie." Raine.

Inirapan ko na lang si Raine at saka nag umpisang kumain. 

"Talaga? As in? Saan kiniss? Sa lips?" Brianne.

Ngumuso si Raine. "Sa noo lang eh. Sayang di ko nakuhaan!"

"Sssh. Kumain na nga kayo ulit." saway ko sa kanila. Mga loka loka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mystical ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon