Chapter 06

19 3 0
                                    

[End of flashback]

Inibahan nya ng kunti yung kanta ..

Ah ano ba balak ba talaga nila akong paiyakin ..

Natapos nadin sila .

"Jeongwoo nag improved kapa lalo .. ginulat mo ko at ibang iba yung emotion mo .. " napatingin sya kay yedam

"Mukhang malalakas mga kinuha mong member magaling kadin pumili .."

ngumiti naman si yedam tsaka sya napabow ..

Napatingin naman sya kay talyn

"Talyn .. hindi ko alam pero okay naman boses mo pero bakit pilit mong pinapaganda ??"

Yun yung nakikita ko sa practice hindi sya nakinig sakin .. sabi nya ganun na talaga sya kumanta ..

"Hindi mo kailangan pagandahin boses mo ang kailangan mo iimporved yung boses mo .. " napa tingin nanaman sakin si mr. Yang ..

Ano ba yan feel ko tingin nya sakin walang kwentang leader at laro lang ginawa ko ..

Napa iling na lang sya.

Umatras naman sila at pumaharap naman kami ni yedam ..

Uumpisahan ni yedam .

"Anong kakantahin mo ??" Tanong ni mr. Yang kay yedam

"Gusto ko po sana yung ginawa kong kanta .. "

"Anong title ??"

"Blackswan .." ngumiti naman si mr. Yang plinay na yung music nag umpisa na sya .. naalala ko tong kantang to ..

Nung bagong kakilala pa lang namin pinarinig nya sakin to pero sakin lang ..

Tinanong ko kung pano nya nacomposed yun ng isang araw lang sagot nya may nakilala syang babae .. na nahihirapan pa syang lapitan at tanungin nun sabi nya love at first sight ang nang yari sakanya ..

Parang nasaktan ako .. gusto paba nya yung babaeng yun ?? Sa dami ng kantang sinulat nya bakit yun pa kinanta nya ??

Ano ba danika ! Aasa kapa kasi eh .. hanggang kaibigan lang kasi .. napa buntong hininga na lang ako

[Watch the video 👇]

**********************

Yedam's POV.

Hanggang sa natapos ko ng kantahin ..  pumaharap naman si danika ..

"Anong kakantahin mo??" Sabi ni mr. Yang

"I will show you by ailee" sagot nya yun ang ikinagulat ko

Akala ko ba if by taeyeon kaya pa ng boses nya yun .. pero antaas ng kakantahin nya ngayon ..

Inumpisahan na nya ..

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko gusto ko syang hilain at pigilan .. 

Danika nababaliw kana ba ?? Please itigil mo na yan ..

Napa close fist ako .. napa yuko ako .. pinapakinggan ko boses nya .. kung sasabit .. feel ko meron eh kasi hindi pa okay boses nya medyo paos pa nga sya .

Bat ba ang pasaway ng taong to ?? Ganun na ba kahirap umintindi ?? Okay naman boses nya ..

Tinotoo ba talaga nya yung sabi ko .. gusto naba nya kong higitan at talunin ..

My Vision My weaknessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon