Chapter 1

23 1 0
                                    

Uncertain chapter

Daisy Kim Mendoza's POV

"Okay break na muna tayo guys, 15 minutes lang" sabi nung trainor namin.

Ako nga pala si Daisy Kim Mendoza. Sikat dito sa Quise University dahil sa pagiging certified PLAYGIRL. Matalino din naman ako at isa iyon sa dahilan sa pagiging sikat ko. Palaging top 1 sa klase. 4th year college na ako ngayon taking Business degree, just to make my family proud for me ,kahit ito lang ang dahilan ng pagkaproud nila sakin. Gusto ko sanang mag model kaso ayaw ng family ko, hindi daw pwede katawan ko kahit sexy naman, mas gusto nilang business ang kunin ko para kahit papano may gawin akong tama kasi para sakanila mali lahat ng ginagawa ko.

"Uy bes alam mo bang dito na mag- aaral si Cj Del Fuero yung sikat na model at ngayon na  daw sya lilipat dito?, ayiee makikita ko na sya parati"
kinikilig na sabi ni Mariana ang bestfriend ko simula grade 1 habang papunta kaming bleachers para magpahinga.

"Nope, at wala akong pakialam"sagot ko sabay upo namin ng makarating.

"Wehh? hindi mo ba type?" takang tanong nya.

"Hindi at staka pag yun ang maging target ko at niloko ko sya baka maging sikat ako sa boung pilipinas pag malaman na ang sikat na model ay niloko ko"

"Ayiee so meaning may chance na ako sa kanya? Hahaha" saad nya ,asus crush lang naman nya yun simula highschool.

"Oo sayong sayo na sya, cge Cr lang ako mar" sabi ko sabay tayo at naglakad.

Habang naglalakad ako patungong cr may nakabanga akong lalaki kaya mapapaupo na sana ako sa sahig pero may sumalo sakin at pagtingin ko sa mukha nya "Ang Gwapo" ^_^.

Dug dug dug dug dug dug

Teka ano yun? Bakit kumakalabog ang puso ko?

Ang lapit lapit ng mukha namin kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa mapupula nyang labi pero agad na iniba ko ang dereksyon ng mata ko ng tumikhim sya at saka ako itinayo.

"T-thank you pala sa pagsalo" sabi ko ng nakayuko.

"Tss, sa susunod mag iingat ka nalang sayang yang maganda mong mukha kong magagalusan" sabay wink niya sakin at tuluyan ng umalis.

"Kyaaaaah ang gwapo ni CJ" tili ng babae

"Sana ako nalang yung nasalo nya"

"Ang swerte ni Daisy nasalo sya ni CJ my labs" tili pa ng isa

Ngayon ko lang napansin na pinalilibotan pala kami kanina ng maraming tao kaya marami ang nakakita ng pagsalo nya sakin. Ang gwapo ni CJ. Yep si CJ yung sumalo sakin ng binanga ako nung isang lalaki.

Lumakad nalang ako patungong cr at hindi na pinansin ang mga tao. Pagdating ko sa cr agad na pumasok ako sa isang cubicle at ng matapos ay lumabas na para naman maghugas ng kamay at nag ayos ng kunti sa sarili pero habang nag aayos naisip ko ang gwapong mukha ni Cj kanina at ang kindat nya sakin kaya napangiti ako habang palabas ng cr at bumalik na sa bleachers .

Nang makabalik ako sa bleachers ay naabutan kong nagce-celphone si Mariana kaya sinilip ko ito at sa laking gulat ko ay napasinghap ako ng yung pagtatagpo namin ni cj kanina ay ang pinapanuod nya. Nang marinig nya akong suminghap napatingin sya sakin ng masama. Ohh noo.....

"wala ka palang pakialam kay cj ahh wala wala pero ano to beshie pinagtataksilan mo ba ako?" nagtatampong tanong nya

"Nako mariana wag mo akong ganyanin wala lang yang video binanga lang talaga ako nung isang lalaki kaya ako muntik natumba at sinalo nya" pagpapaliwanag ko

"Talaga bah? Pero kahit ganun galit ako sayo kasi yung mga mata mo sa video naghaheart heart hmp" nakanguso nyang saad sabay cross arms

"Hay nako bes wag nang mag inarte bestfriend mo ako dba?alam mo namang kung ang gusto mo hindi ko aagawin,may usapan tayo dba na walang talo talo at saka marami pa namang ibang lalaki dyan na pwede kong paglaruan" sabi ko sabay yakap sa bestfriend kong nagtatampo.

Suddenly Bump Into YouWhere stories live. Discover now