Chapter 2

9 1 0
                                    

Chapter 2
Daisy's POV

Alas dose na ng hating gabi ng makarating ako samin. Maayos naman akong nakarating sa mansion namin. Pinark ko ang sasakyan ko sa gilid ng mansion bago pumasok sa loob.

As usual madilim na ang mansion ibig sabihin tulog na ang lahat maliban sa mga maids , hindi manlang nila ako hinintay grabe wala talaga silang pakialam sakin. Dederetso na ako sa kwarto ko ng maisipang silipin ang kwarto ni Ate Denise. Hindi na ako nagulat ng makitang magkatabi silang tatlo nina mommy at daddy at nagyayakapan pa habang mahimbing natutulog. Mukhang wala silang isang anak na iniisip ahh. Balewala lang talaga ako sa kanila. Sana hindi nalang sila nag anak ulit kong hindi naman nila pagtutuunan ng pansin.

Sinarado ko na ang pinto sa kwarto ni ate. At dumeretso sa akin. Mas malaki ang kwarto ni ate kumpara sakin at para syang prinsesa dun sa kanya habang sakin ehh normal lang. Pagbukas ko ng pinto sa akin bumungad sakin ang white themed na silid. Humiga na ako sa malambot kong kama. Kompara kay ate ehh Queen sized bed ang kanya at sakin ay normal lang nga malaki sya pero masmalaki ang kay ate syempre sya ang paborito nina mom at dad ehh.

Nagpasya akong maligo muna bago matulog kaya pumunta akong banyo para maligo at matapos non ay nagbihis na ng pantulog saka nahiga na sa kama.

1:am na at hindi parin ako tulog. Tska kanina ko pa iniisip ang mga nangyari ngayong araw simula nung masalo ako ni cj at parang may kabang namuo sakin at yung paninikip ng dibdib ko ng uminom ako ng alak saka yung lalaking nagwink sakin kanina pero hindi ko masyado nakita ang mukha nya kasi dim ang lights sa bar saka lasing na ako ng konti nun. Hindi naman ako first timer sa pag inom ng alak pero iba kanina ehh bakit parang nanikip ng masyado ang dibdib ko saka bakit ako kinabahan ng masalo ni cj at lumapit sakin yung lalaki? Hala dibkaya baliw angbpuso ko porket niloko noon?

Habang malalim ang iniisip biglang tumunog yung cellphone ko ,ng tignan ko ay may nag text pero galing sa unregistered number kaya kinabahan ako saka binuksan ito at nagulat ako sa nakasulat doon

Unregistered number:
Goodnight/goodmorning daisy kasi pasado 1 na ng umaga,sweetdreams 😉 lab u

Kaya kinabahan ako, wink na naman? Saka kumakabog na naman ang puso ko. Baliw ba ako? O ang puso ko?

Hindi ko alam kung sino ang sender perokinilig ako dun ha yieee.
Ilang sandali pa ang lumipas ng maramdamang kong mabigat na ang talukap ng mga mata ko at di naglaon nakatulog narin.

-----------------------------------------
*panaginip*

Naglalakad ako patungo sa room nina Jen my labs ko may ibibigay ako kanyang relo na nasa loob ng backpack ko sa. 3rd year highschool na ako at 5 months na kaming magkasintahan at gusto kong ipadama sa kanya na hindi sya nagkamali sa pagpili sakin. Sya lang ang naging sandalan ko sa panahong lagi kong pinoproblema ang pagkawalang kwenta ko sa pamilya ko kaya labis akong nagpapasalamat na naging kami ni Jenson Portuelo sya ang naging shoulder to cry on ko.

Malapit na ako sa classroom nila ng mapadaan ako sa cr ng girls at napagpasyahan na maghugas muna ng kamay at mag ayos ng konti saka naglagay ng pabango. Aalis na sana ako sa cr ng may marinig akong ungol ng babae at lalaki mula sa pinakadulong cubicle na may siwang pang konti. Di ko na sana papansinin kaso narinig kong nagsalita ang lalaki na syang labis kong ikinagulat.

" Ughh.. ang sarap mo talaga Bea at good kisser pa, hindi katulad nung Daisy na yun na kahit konting make out lang ayaw pa" sabi nung guy na kaboses ni Jenson. Baka ibang Daisy lang ang tinutukoy nya.

"Bakit hindi mo nalang kasi hiwalayan yun?" malanding tanong ni Bea

Hindi ba nila alam na baka may makarinig sakanila gayong school restroom ito at hindi motel?

"Hindi naman kasi pwede at saka may pustahan kami ng mga kaibigan ko na kailangan maging kami nung Daisy Kim Mendoza na yun sa loob ng anim na buwan huwag kang mag alala Bea babe isang buwan nalang." dahil sa narinig ko agad kong pinuntahan at binuksan ang pinakadulong cubicle at nanglumo sa nakita ko.

Nakita kong nakasandal ang babaeng si bea sa pader na wala ng saplot pang itaas at sa harapan nya ay si Jenson na nakatalikod sakin at wala naring pang itaas na damit na hinahalikan ang babae sa leeg habang ang isang kamay ay nasa loob ng harapan ng palda nya at ang isa ay hinihimas ang pang upo nito sa labas. Mukhang hindi nila napansin ang pagbukas ko ng pinto kaya hinampas ko silang dalawa ng bag ko na syang ikinagulat nila.

"D-daisy labs?"gulat na tanong ni Jenson sakin saka hinuli ang kamay kong pinamhampas sa kanila ng bag.

"Labs mo mukha mo manloloko ka pinagpustahan lang pala nyo ako at dito pa talaga kayo sa cr ng mga babae nag make out?!mga manloloko at ikaw malandi ka alam mo naman sigurong may girlfriend na yung tao pero pinatulan mo parin walang hiya ka rin!" sigaw ko sa kanila at binawi ang kamay kay jenson saka sinabunutan ng buhok ang babae. Marami na ang mga babae dito sa cr na nakikiusyoso sa away namin. Pinagtaksilan nila ako?! Pwes ipapahiya ko sila. Hinila ko ang buhok ng babae palabas sa cr ng hindi sya pinagbibihis at kitang kita ang mga malalaki nyang dibdib.

Paglabas namin ng cr marami nagsigawan. Lalo na ang mga lalaki na titig na titig sa dibdib nitong malanding bea nato habang pinagpatuloy ko pagsabunot sa kanya si Jenson naman ay pinipigilan kaming dalawa at hindi narin nakipagbihis kaya klarong klaro sa lahat ng nakakita na galing sa make out tung dalawang to. 

" Wow pare ohh ang laki ng dibdib ni bea jackpot"sigaw nung isang manyakis na lalaki na sinang ayunan ng iba na nanunuod sa sabunutan naming dalawa ng bea nato. Marahas na tinangal ni Jenson ang kamay ko sa buhok ni bea at malakas na itinulak sa sahig kaya nasaktan ang pang upo ko. Pero wala na yatang mas sasakit pa sa sinabi nya sakin.

"Wala kang karapatang saktan ang babaeng mahal ko DAISY.  Si bea ang mahal ko ang tunay na minahal ko pinaglalaruan lang kita simula pa noon at alam mo ba kung bakit hindi kita nagawang mahalin? Kasi hindi ka marunong humalik at ang mahid mo para hindi maramdaman iyon hindi kagaya ni Bea na magaling. Si bea ang mahal ko ang tunay kong mahal!" sigaw nya sakin na syang ikinabagsak ng tuluyan ng mga luha ko saka ako nanghina at napaupo sa sahig.

"Ang pangit kasi ng ugali mo Mariana kaya walang nagmamahal sayo pati ang pamilya mo hindi ka mahal at nasisiguro kung walang magmamahal sayo kahit yang mga kaibigan mo"sabi at nilingon ang mga bestfriends ko at nagsmirk sa kanila

  Agad namang lumapit sakin sina Mariana at Ciara ang bestfriends ko at tinanong kung okay lang ba ako saka itinayo.

----------------------------------------

Nagising ako mula sa mapait kong panaginip ng maramdaman ang pagkabasa ng pisngi at ang malakas na sigaw ni ate denise na nasa pinto ng kwarto ko.

"Buti naman nagising kana dyan  kanina pa ako rito nagsisisigaw bumaba kana at kakain na tayo para kang baliw umiiyak habang tulog Baliw!" mapanglait na salaysay ni ate saka umalis.

Napahawak naman ako sa pisngi kong basang basa ng luha. Yung panaginip yun yung dahilan kung bat ako umiyak kung bakit ako nagkaganito kung bakit naging playgirl ako. Si jenson sya ang unang lalaking minahal at niloko ako sya ang dahilan ng pagkaganito ko. Hanggang ngayon binabangungot parin ako ng nakaraan namin na hindi ko malimot limutan. Kumg magkaka tuluyan kaya kami ni ni Cj lolokohin ba nya ako?umiling ako ng maisip ko yun. Hindi pwede dahil magagalit si mariana.

Suddenly Bump Into YouWhere stories live. Discover now