Chapter 4

5 1 0
                                    

Uncertain chapter

Daisy's POV

Lunes na ngayon at sinundo ako ni Mariana mula sa mansion. Alam na kasi nyang binawi ang kotse ko kasi pinuntahan nya ako kahapon sa bahay para ayain mamasyal. Hindi rin naman na bago sa kanya ang ganun. Palagi nalang kasing binabawi nina mommy at daddy ang akin saka ibinibigay kay ate.

Naglalakad ako rito sa hallway ng school. Kakatapos ko lang kasi maglunch. Nasa malalim akong iniisip kung kayat hindi nakasentro sa dinadaanan ko ang aking isipan. Maya maya pay may nabanga akong lalaki na may maraming hawak na libro kaya nahulog ang ito.

"Ay sorry" / "Sorry" sabay naming sabi ng nakayuko saka lumuhod para kunin ang mga nabagsak na libro nya. Matapos maayos ang mga libro ay tumayo na kami at tiningnan ang isa't isa at pareho kaming nagulat.

"D-daisy?"

"Ehh hehe hi dreke" tugon ko

"Kamusta kana? Player pa din ba?hahaha"

" Ahh oo ehh pag walang magawa,dito
kana pala nag aaral?"

"Oo actually makaibigan kaming lumipat dito, lumipat kasi yung isa naming kaibigan dito yung si Cj kaya sumunod ako,wala naman akong ibang kaibigan maliban kay Jacob na nasa Amerika"

"Ahh ikaw pala ang kaibigan nya"

"Oo ehh saka mauna na ako sayo ihahatid ko pa tong mga libro sa library,bye"

Tumango lang ako sa kanya at tinanaw sya palayo. Sya si Dreke ang ex boyfriend ko ang pinaglaruan ko ang feelings noon. Grabeh magkaibigan pala sila ni CJ.

Pumunta na akong classroom at saka nakinig sa mga hindi ko maintindihang topics. Matapos ang dissmisal pumunta ako sa locker at kinuha roon ang extra shirt at short doon pangpraktis ng sayaw. Simula kasi ngayon every dissmisal nalang ang practice para daw hindi madamay ang studies namin kahit may plus points na kaming mga dancers. Nagbihis ako sa cr ng pangbabae at pumunta na ng field. Nauna na doon si Mariana kasi daw may ipinapagawa ang trainor namin sa kanya.

Pagdating ko sa field ay sakto pang hindi pa sila nagsisimula pero may pinagbubulong bulungan sila. Pupuntahan ko sana ang mga ka co-dancers ko para maitanong kung ano ang chismiss nila kaya lang tinawag ako ni mariana habang patakbong lumapit sakin na mukhang kilig na kilig at masaya.

"Daisy! Alam mo na ba ang goodnews?"

"Ha anong goodnews?"

"Kasi diba may pinagawa sakin si trainor josh at ang pinagawa nya ay sunduin ko daw ang dalawang bagong dancers na sasali sa team natin kaya ayun pinuntahan ko ang dalawa sa mga classrooms nila at alam mo bang si Cj Del Fuero at yung Dreke Spere ang sinundo ko yiee nahawakan ko pa ang kamay ni Cj ng nakipag shake hands ako sa kanya at hinawakan rin ni Dreke ang kamay ko habang naglalakad kami papunta rito sayang kasi si Cj nauna samin, suplado ehh"

"Aish kaya pala mukha kang kilig na kilig dyan,teka asan na sila akala ko ba kasama mo sila?"

"ahh andun pa kinakausap ni trainor at ipapakilala daw satin"

"Dancers come here!" sigaw ni trainor

"Mukhang ipapakilala na nya, ali kana besh"excited na sabi ni mariana at hinila ako papunta kay trainor josh.

"Dancers you have new members today in your group,Mr. CJ Del Fuero and Dreke Spere, please treat them the way you treat your co-dancers"sabi ni trainor saka kami iniwan para e reherse daw namin ang sayaw pero biglang humarap na naman ang trainor namin at tinawag nya kami ni Mariana at pinalapit sa kanila. Nang makalapit kami ni mariana ay nagulat ako sa ipinagawa nya at si mariana naman ay nagtatatalon sa tuwa kaya tinanong ko ulit kong totoo ba ang narinig ko.

"Yes,you heard it exactly daisy, kayo ang magiging guide kina Cj at Dreke dahil baguhan palang sila dito sa campus,ipapares ko kayong apat sa dalawa para hindi kayo mahirapan at syempre para mas makilala nyo ang isa't isa lalo pat isang taon din kayong magiging magkasama sa dance troop." sagot ni josh

"Yie so ibig sabihin trainor josh ako magiging guide/pares kay cj at si daisy kay dreke?" nakagiting parang aso na tanong ni mariana

"Actually mariana sina Daisy at cj ang partner saka kayo ni Dreke. Sina daisy at cj rin kasi ang pares sa sayaw nyong ballroom kaya para narin hindi sila magkailangan sa pagpeperform" sagot ni trainor na ikinasimangot ni Mariana.

"Oh sya iwan ko na kayo at aasikasuhin ko pa ang mga costume nyo, turuan nyo lang sina cj kung ano ang gagawin saka sumama na kayo sa nga ka co-dancers nyo nagsisimula na sila" sabi ni trainor at umalis na ng tuluyan. Napansin ko namang nakasimangot parin si mariana kaya hinarap ko at hinawakan sa magkabilang balikat nya.

"Huwag ka ng malungkot bess hayaan nalang natin baka sa susunod kayo na ang magkapares ni CJ saka mabait at gwapo rin naman si Dreke, pagtyagaan mo nalang hihihi" sabi ko na ikinangisi nya. Alam kasi namin na pag sinabi na ni trainor josh ehh final na talaga yun at hinding hindi mo na yun mababago kahit magmakaawa kapa nun sa baklang yun.

Nagpraktis na kami ng sayaw at ng mag break kami para magpahinga ay pumunta akong bleachers para tabihan si mariana kaya lang pag upo ko ay tumabi rin sakin si Cj at sa kabilang gilid naman ni mariana umupo si Dreke.

"Hello daisy " nakangising bati ni Cj na ikinalingon ko. Buti nalang kinukulit ni dreke si mariana kaya hindi napansing kinausap ako ni Cj kundi baka magtampo yun.

"Naalala mo pa pala ako?"tanong ko

"Oo malamang kayo lang naman ang naging close ko simula grade 4 dahil sa pagkamahiyain ko noon"

"Ahh akala ko naman kinalimutan mo na kami kasi sikat kana" sagot ko at sinubukang maging normal ang kinikilos kasi kinabahan ako bigla na parang ang lakas ng kabog ng puso ko ngayong kaharap ko sya.

"Sus nagtampo akala mo naman ako lanng yung sikat ehh ikaw kaya sikat sa pagiging certified player at naging biktima mo pala ang kaibigan kong so Dreke hahaha small world after all" sagot nya na ikinapula ng pisngi ko. Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito pero binalewala ko nalang,last time ko kasi nagblush ay yung highschool pa ako at si Jenson pa ang crush ko. Napansin yata ni Cj ang pagbablush ko kaya ngumiti sya ng nakakaasar.

"Wag kang mahiya kung player ka,inaya mo pa nga ako ng make out sa bar nung friday ng walang kahiya hiya tapos ngayong pinag uusapan ang pagiging player mo nahihiya ka?"

"Ha anung make out pinagsasabi mo?" tanong ko na ikinakunot ng noo nya. Seriously sya aayain ko makipag make out? Ehh baka friendship over na kami ngayon ni mariana,knowing her masyadong obsessed kay cj.

"Hindi mo natatandaan? Ako yung nakasabayan mo sa bar nung biyernes ng gabi na ininom ang isang shot ng tequila na inorder mo at inaya mong makipagmake out pero tumangi ako, Hayssst siguro lasing kana talaga nun kasi hindi mo maalala ang kabaliwan mo" sagot nya na ikinalaglag ng panga ko matapos maalala ang nagyari sa bar nung biyernes ng gabi. Shocks sya pala si Mr.wink guy na ininom ang tequila ko na inaya kung makipagmake out pero sabi nya na sa honeymoon nalang daw?



Suddenly Bump Into YouWhere stories live. Discover now