Gumuho 'yong mundo ko nang makita ko siya. Nakita ko siyang may kahalikang iba. Nag-uunahan na nalaglag iyong mga luha ko.
Of all the people, bakit siya pa? Siya na sobrang pinagkatiwalaan ko.
"Ate Athasca, wait. Baka may hindi lang pagkakaunawaan dito. Kausapin natin si kuya." natatarantang sabi ni Prince. Pupunta na sana siya sa gawi ni Saether nang pigilan ko siya.
"Prince huwag na." sinusubukan kong ngumiti pero sobrang sakit.
Lately, hindi na nagiging maganda ang usapan namin si Saether. Sobrang stress sa company. Isa pa si Daddy, ang daming pinapagawa. Akala ko naiintindihan ni Saeth lahat ng ginagawa ko. Isusurprise ko sana siya kaya nagpatulong ako kay Prince pero ako pala ang masusurprise.
Hindi ko na napigilan si Prince nang tawagin nito si Saether. Gulat na gulat si Saether at yong babaeng kahalikan niya
nang makita si Prince. Pare-pareho silang napatingin lahat sa akin.Sobrang sakit ng nararamdaman ko. I can feel na nanginginig ang buong katawan ko. Seeing him kissing other girl is killing me. Naninikip yong dibdib ko. Bakit niya to nagawa? Hindi ko na alam kung paano ko pa to makakaya kaya napatakbo ako palayo sa kanila. Wala na akong pakialam sa iniisip ng lahat ng mga taong nakakasalubong ko. Basta gusto ko lang lumayo sa kanila, sa kanya. Gusto ko nalang biglang mawala.
"PRRRRRRRRTTTTTTTTTSSSSSSSSSSSSSSS" isang busina ang nagbalik sakin sa huwisyo. Nasa gitna na pala ako ng daan, nakita kong mabilis na papalapit nang papalit sa akin yong sasakyan. Siguro nga ito na 'yong paraan para mawala na lahat ng sakit at problemang nararamdaman ko ngayon.
All went black.
°°°°°°°°°°°°°°°
Author's NoteExpect wrong grammar, wrong spelling and lame updates. Hindi po ako professional writer. Nagsusulat ako dahil dito ako masaya. Kung ayaw niyo nang story ko, you are free na iignore ito.
This story is pure fiction. Kung mayroon man pagkakapareho ng pangalan, lugar at pangyayari sa mga kakilala niyo it is not intended.
Tumatanggap ako ng suggestions, advices at violent reactions :)
----lostgoddess25
ENJOY READING!
BINABASA MO ANG
Past Seasons
Historia Corta"I am letting you go." this five words are the most painful words i have ever said. Habang sinasabi ko itong mga salitang ito, unti-unti ring dinudurog ang puso ko. Natatakot ako na malaman ung totoo. Natatakot ako na mapatunayan ung sinasabi ng iba...