Chapter 1:

0 0 0
                                    

ATHASCA'S POV

"Thas, sigurado ka ba talaga na pupunta ka?"napangiti akong tinignan si Mara. Ilang beses ko na ba nasagot ung tanong niya na un. Kagabi pa niya ako hindi tinatantanan. Simula noong sinabi ko sa kanya na aattend ako ng binyag ng anak ni Kristine ay hindi na siya napakali.

Kristine Sison is the youngest sibling of Saether Sison, my ex-boyfriend. Saether and I never had a closure. But I guess iyong ginawa palang niya is more than a closure.

"Ano ba Mars, ilang beses ko na ba sinagot yan?"nakangiti akong kinakarga ang mga gamit ko sa bag na gagamitin ko.

"Magkikita kayo. Makikita mo siya. Makikita mo sila ng bago niya."hindi ko napigilan na tumawa sa sinabi ni Mara.  Parang siya pa ang nafrufrustrate sa pagkikita namin ni Saether.

"Athasca, I was there. Nandoon ako noong mga panahon halos sirain mo ung buhay mo dahil sa ginawa niya. Nandoon ako noong iistalk mo siya. Kaya alam ko kung gaano ka nasaktan dahil sa break up niyo. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na pupunta ka sa binyag ng kapatid niya habang andoon siya at yong naging babae niya na ngayon ay girlfriend niya?"

"Moved on na kami pareho Mars. Matagal na yon. Madami na nangyari. Isa pa, nakakahiya naman kay Kristine kung hindi ako aattend sa binyag ni Andrei. Matagal na akong nakapangako sa kanya." Pangako ko yun kay Tine noong buntis palang siya and kami pa noon ni Saether. Naalala ko pa noon, si Saether ang huling nakaalam na buntis si Tine, and they asked me kung pwede bang samahan ko silang sabihin yon kay Saether kasi ako lang daw ang nakakapagpakalma kay Saeth.

I sighed. Wala naman sigurong masama kung tutupad lang ako sa pangako. Matagal nang tapos yung sa amin ni Saether. Masaya na siya ngayon. Masaya na rin ako.

"But that was when you and Saether were still together." She sighed.

I held her hands. "Thank you mars, thank you for everything." Mara is my bestfriend. And I'm so thankful kasi isa siya sa dumamay sa akin during my ups and downs.

Ok na ako, matagal na iyon. Kaya nga pumayag na ako na umattend sa binyag ni Andrei kasi alam kong na kaya ko na.

"Ok ok. Hindi na kita pipigilan. Pero tell me honestly. Okay ka na ba talaga? Magiging okay ka ba talaga?" I can see defeat and seriousness in Mara's face. I can also feel that she's worried. Pero wala naman na siyang dapat ipag-alala ehh. Alam ko na okay na ako.

"Promise Mars. Okay na ako. I'm totally moved on." I assured. Okay na. Totally. Masaya na ako at masaya na din siya. Iyon ang paulit-ulit kong sinabi sa isip ko.

"Okay." She rolled her eyes. Tyaka ako tinulungan na ayusin ung mga dadalhin ko.

"Isang gabi lang naman ako te. Kaya relax ka lang. Mas mukha ka pang affected sa'kin." biro ko sa kanya. It's her turn na irapan ako.

"Nag-alala lang ako sa mga mangyayari." napatingin ako sa kanya.

"Ano ka ba? Ano naman ang mangyayari?" hindi na siya sumagot pa at tinulungan nalang ako sa ginagawa ko.

°°°
Baguio City is one of the happiest place i had ever known. It has full of memories, happy memories to be exact.

"Ate!!!!!!!" napatigil ako sa pagkain ng taho nang may marinig akong tumawag sa kin. Nakita kong tumatakbo palapit sa akin si Kristine. Namiss ko itong batang ito. Matagal-tagal na din simula noong huling beses na nakita namin sila. I am with Ellery pa that time.

Ellery is my stepsister. Her mom is a Korean, si Mama naman ay Filipina. Ang daddy namin is a German. Pero lumaki kami na sobrang close.

"Tine!" binaba ko sa hood ng sasakyan ko ang hawak kong taho tyaka ko sinalubong ng yakap si Kristine. Nakita kong nakasunod sa likod niya sina Jeoff at karga-karga nito si Andrei. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Past SeasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon