Chapter One

6.7K 219 7
                                    


"ALWAYS smile, Rebecca. Whatever happen, just smile. Only smile can make you feel better. Don't let stress strike you. I know you can live happy, fearless and free."

Hindi makalimutan ni Rebecca ang habilin sa kanya ng kanyang ina. Makalipas ang isang taong pagtatago niya sa Bangkok ay nagpasya si Riegen na iuwi siya sa Pilipinas. Umuwi sila sa bahay nito. Hindi siya komportable dahil sa kakaibang environment.

Pagdating nila sa malaking bahay nito ay napagkamalan pa siya ng asawa nito na anak sa labas. Natatakot siya. Nag-aaway ang mag-asawa dahil sa kanya. Tumakbo siya papasok sa isang kuwarto malapit sa underground. Lumuklok siya sa sulok ng pinto. Mamaya ay may nakita siyang ahas na itim na mayroong guhit na pula. Payat na ahas at hindi masyadong mahaba.

Umatras siya ngunit sinalo ng pader ang likod niya. "No!" sigaw niya habang ihinaharang ang kanang kamay sa ahas na papalapit. Ipinikit niya ang mga mata sa akalang tutuklawin na siya nito.

Nagtataka siya bakit hindi pa rin siya nakakagat. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay namataan niya ang batang lalaki na nakatayo sa harapan niya. Hawak na nito ang ahas. Tulalang nakatitig siya sa bata.

"Who are you?" tanong nito sa kanya.

"I-I'm Rebecca. Sir Riegen bring me here," sagot niya.

"Where you from?"

"F-From Bangkok Thailand. He save me from bad guys," aniya.

"How old are you?"

"T-Twelve."

"I'm three years older than you. So, my father adopted you, right?"

"Uh, I don't know. I don't have idea what his plan for me. He said, he don't have daughter."

"Yes, I don't have sister. My mother want a baby girl."

Tumango siya. Pagkuwan ay inilahad ng binatilyo ang kanang palad sa kanya. Tinitigan niya ang palad nito. Natatakot siyang hawakan iyon. "I'm Symon, Please, hold my hand. I won't bite you," sabi nito.

Humawak naman siya sa kamay nito saka siya bumuwelo patayo. "Thank you," aniya.

"No worries. You're welcome to our family. Please feel at home. We're not terrorist," seryosong sabi nito.

Ngumiti siya.

"REBECCA!"

Kumislot si Rebecca nang may matulis na bagay na sumundot sa tagiliran niya. Napatingin siya sa kanyang katabi. Dinuduro siya ni Charmaine ng spatula. Nasa kusina sila at nag-aayos ng pagkain na ise-serve sa mga opisyales ng organisasyon.

"Ano ka ba, tulala ka na naman diyan," sabi nito.

Lumabi siya. Kahit anong iwas niya, habang tumatagal ay lalong nagbabago ang pagtingin niya kay Symon. Hindi na siya komportable na tratuhin ito na parang tunay na kapatid.

"Nakakatamad nang mag-aral," aniya.

"Ayan ka na naman. Malapit ka nang magtapos sa academy. Kapag naipasa mo lahat ng subject mo, magiging miyembro ka na ng sangre organization. Hindi ka na magsi-serve ng pagkain," sabi nito.

"Ang hihirap kaya ng subject. Simple lang naman ang gusto ko, maging journalist."

"Hay naku! Sa panahon ngayon, wala nang kurso para riyan."

"Magiging normal naman ang buhay natin, eh. Magkakaroon na ng vaccine para sa virus."

"Kailan pa kaya 'yon? Halika na nga, dalhin na natin ang mga pagkain sa conference."

Day Walkers Series 8, Symon Franco (Complete)Where stories live. Discover now