Chapter Two

5.5K 217 12
                                    

DERETSONG pumasok si Symon sa kuwarto ng nakababatang kapatid niya na si Syrel. Nanonood na naman ito ng erotic movie habang nakaluklok sa kama. Nakita niya ang isang kamay nito na nasa loob ng boxer nito. Naghahasa na naman ito ng sandata nito.

"Hoy! Nagsasayang ka ng similya riyan! Kumain ka na!" sabi niya.

"Mauna na kayo. Busog pa ako," sabi nito na hindi maialis ang tingin sa pinapanoon.

"Tarantado talaga 'to, eh. Hindi ka na pumapasok sa school kakaganyan mo. Kung babae lang 'yang kama mo, malamang matagal nang nabuntis 'yan."

"Huwag ka ngang makialam, Kuya! Insecure ka lang kasi magmula noong iwan ka ni Aria ay wala ka nang gana sa sex!" sagot nito.

Sa inis niya'y sinugod niya ito at sinuntok ito sa mukha. Nakabangon naman si Syrel ay sinipa siya sa sikmura. Tumalsik siya sa sulok ng pinto. Susugurin sana siya nito ulit ngunit ginamitan niya ito ng telekinesis. Tinitigan lang niya ito, tumalsik ito sa kama. Tumayo siya at hindi tinantanan ng titig ang kapatid. Namilipit sa sakit ng puson si Syrel.

"Ahh! Tama na!" sigaw nito.

Biglang bumukas ang pinto at sumulpot ang Mommy niya at si Rebecca.

"Symon!" saway ni Melody.

Tinantanan naman niya si Syrel saka lumabas. Nawalan siya ng ganang kumain. Tumambay siya sa rooftop garden. Tuluyan nang humupa ang galit niya. Lumuklok siya sa bench sa tapat ng botany garden. Naramdaman niya ang presensiya ni Mem. Gumapang ito paakyat sa hita niya.

Si Mem ang pinakamatanda niyang black mamba snake. Mayroon na itong limang anak. Ang asawa nitong si Crey ay namatay na. Si Crey ang pinakaunang alaga ng Daddy niya.

Apektado pa rin siya sa pagkawala ni Aria, ang babaeng isang dekada niyang minahal. Nagpaalam ang dalaga na mag-aral sa amerika pero hanggang ngayon ay hindi na bumalik. Hindi pa rin ito mawaglit sa isip niya. Tatlong taon na magmula noong umalis si Aria. Kababata niya ang dalawa at naging kaibigan. Palagi niyang nasasaktan si Syrel sa tuwing inaasar siya nito tungkol kay Aria. Tatlong taon ang tanda niya kay Syrel at maraming bagay silang hindi napagkasunduan.

SINUNDAN ni Rebecca si Symon pero hindi siya nagpakita rito. Tinitiingnan lang niya ito mula sa pinto. Naalala na naman siguro nito si Aria. Bumaba na lamang siya at bumalik sa hapag-kainan. Kumakain na si Syrel. Napunit ang ibabang labi nito na tinamaan ng kamao ni Symon.

"Ang hirap talaga kapag puro lalaki ang anak, 'tapos hindi pa magkasundo," maktol ni Melody.

Naaawa siya kay Melody. Ilang beses na itong nakunan. Lahat pa babaeng anak. Uhaw ito sa babaeng anak kaya siguro ganoon na lang din ang pag-alaga nito sa kanya. Curious pa rin siya hanggang ngayon kung bakit ayaw nitong tawagin niyang 'mama'.

Pagkatapos kumain ay nagtungo si Rebecca sa fitness room. Ngunit hindi siya tumuloy nang makita niya si Symon na sumusuntok sa punching bag. Nakasilip lang siya sa salaming bintana. Boxer lang ang suot ng binata. Pawisan ang maskulado nitong katawan.

Noong mga bata pa sila, palagi silang magkasam sa pagsasanay. Kahit saan ito magpunta ay hindi puwedeng hindi siya kasama. Para talaga silang tunay na magkapatid. Pero sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbabago ang lahat, lalo na noong naging kasintahan nito si Aria, na kababata nito. Doon siya nagsimulang nakadama ng matinding pagseselos, nasasaktan siya.

"BAKIT ba buntot ka nang buntot? Istorbo ka sa amin ni Symon!" singhal ni Aria kay Rebecca, nang sumama siya sa date ng dalawa.

Bumili lang ng ice cream si Symon, at iniwan sila sa park. "Dati naman akong sinasama ni Kuya kahit saan siya magpunta," sagot niya.

Day Walkers Series 8, Symon Franco (Complete)Where stories live. Discover now