5th Move

1K 46 5
                                    

Follow and Vote. Thank you.

***

"I'M SORRY, Dollie. Napagod kasi ako pagkatapos kong guluhin 'tong bahay mo. I was just supposed to take a nap, but maybe I was too tired and my body took advantage of it so I could rest longer. No'ng ma-realize kong matagal akong nakatulog, paalis na sana ako. Kaso ayun nga, dumating na kayo ni Zild."

Kahit na hanggang dibdib lang ako ni Exequiel at malaki pa ang bulto niya, idagdag pa na mas matanda siya sa'kin, nagmumukha siyang bata kapag ganitong sobrang guilty niya. Ngayong nakatayo siya sa harap ko, sa tapat ng malaking gate ng bahay ko, gusto ko tuloy tapik-tapikin ang ulo niya.

Pero kailangan ko pang tumingkayad para gawin 'yon kaya huwag na lang.

"Sunbae, you don't have to apologize," nakangiting sabi ko naman kay Exequiel at totoong hindi ako galit sa kanya. Wala naman siyang kasalanan, eh. Nadamay lang naman siya kagagahan ko. "Ako nga ang dapat mag-sorry sa'yo. Muntik ka nang mapahamak dahil sa'kin. I'm so sorry about that."

Tumango-tango si Exequiel na nakakatawang tingnan dahil antok na antok ang mukha niya. "Right. Come to think of it, I am the victim here. Kasalanan mo kung bakit muntik na kong masapak ni Zild kanina. Kung anu-ano kasing kalokohan ang naiisip mo." Marahan niyang tinampal-tampal ang noo niya. "At sobrang gullible ko naman para sumunod sa utos mong magpanggap na stalker mo."

Binigyan ko ng iritadong tingin si Exequiel. Akala ko pa naman, i-ko-comfort niya ko. 'Yon pala, lalo lang niya kong kokonsensiyahin. "Umuwi ka na nga. Salamat na lang sa tulong mo kahit epic fail ka."

"Wala ka talagang utang na loob," natatawang sabi lang ni Exequiel. Sa pagkagulat ko, bigla niya kong niyakap ng mahigpit. Him laughing was already a feat because he rarely did that. Kaya ang pagyakap niya sa'kin, mas malaking achievement dahil bukod sa madalas niyang itago ang emosyon niya, hindi rin siya touchy. "Narinig ko ang pinag-usapan niyo ni Zild kanina. I didn't mean to eavesdrop. I just thought you needed back up so I was about to help you explain. Pero hindi natuloy ang paglapit ko sa'yo nang narinig ko kung ga'no kaseryoso ang usapan niyo."

Ah, gets ko na kung bakit niyakap ako nitong si Exequiel. "Ano ba ang narinig mo?"

"'Yong sinabi ng gagong 'yon na bumababa ang value mo bilang babae dahil sa paghahabol mo sa kanya. That was the reason why I immediately went back in your house after hearing him say that. Baka kasi kung anong magawa ko sa lalaking 'yon na alam kong hindi mo ikakatuwa," sagot ni Exequiel sa iritadong boses. Wow, that was another feat. He never got angry for trivial things because he was a chill kind of guy. "You know that's not true, right? I may not approve of you chasing him like a desperate woman, but I respect you for being brave and determined to win his heart. Alam kong wala kang pakialam sa opinyon ng iba tungkol sa paghahabol mo kay Zild, at wala akong balak dumagdag sa mga taong nanghuhusga sa'yo, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na kung dumating ka sa point na maisip mong wala namang nangyayari sa pagpapakatanga mo na 'yan, huminto ka na. Hindi lang para sa pride mo. Ayoko lang ubusin mo ang pagmamahal mo sa maling lalaki. Kawawa naman 'yong Mr. Right mo kung wala ka nang mabibigay sa kanya kapag nagkita na kayo, 'di ba?"

Nangilid ang mga luha ko dahil sa mga sinabi ni Exequiel. Hindi ko tuloy mapigilang yumakap ng mahigpit sa baywang niya. His words were definitely comforting.

"Huwag mong isipin na masasayang lang ang ilang taong paghahabol at pagmamahal mo kay Zild," pagpapatuloy ni Exequiel. "Pa'no kung taga-South Korea pala ang soulmate mo? O, eh di mas sulit, 'di ba? Mahilig ka naman sa mga singkit na walang pores at mas malamya at mas vain pa yata sa mga babae."

Naiinis na kinurot ko sa tagiliran niya si Exequiel na ikinareklamo niya. Okay na sana, eh. Nilait pa niya ang mga oppa ko. Alam ko namang inaasar niya lang ako, pero napikon talaga ako, eh. Humiwalay ako ng yakap sa kanya at tumingala para bigyan siya ng masamang tingin. "Laitin mo na lahat, huwag lang ang mga oppa ko. Kaya kong kalimutang mag-best friend tayo para sa kanila."

Just BecauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon