17th Move

919 62 1
                                    

KUMUNOT ang noo ni Zild habang binabasa ang isang mahabang Facebook post. "Sorry, 'My. Hindi ako nakakaintindi ng lengguwahe ng mga jejemon," sabi niya, saka niya ibinalik ang phone ng kanyang ina.

Natawa naman ang mommy niya habang iiling-iling. "I had a hard time reading this long rant as well, son. Pero alam ko namang naiintindihan mo kung tungkol saan 'to, hindi ba?"

Zild snorted. Mapapalagpas niya ang mga wrong grammar dahil naiintindihan naman niya na hindi first language ng mga Filipino ang English. Ang hindi siguro niya mapapatawad ay ang maling paggamit ng punctuation marks at ang pagpapalit-palit ng lowercase at uppercase sa mga letra sa isang salita lang. Lalo na siguro ang paggamit ng numero bilang letra. "Paano naman nakarating sa'yo ang post na 'yan, 'My?"

"Nakita ko sa fanpage ni Dollie," sagot ng mommy niya habang hinahalo ng kutsarita ang kape nito. "The admin of the page took a screenshot of that long rant a few minutes ago to defend you and Dollie from the woman who posted that. Pero nag-send na ko ng private message sa kanya at sinabi kong burahin na lang niya ang post. Kung kakalat pa kasi 'yon, mas lalo lang dadami ang makikisawsaw. Lalo na 'yong mga basher ni Dollie. Madadamay ka pa at alam kong hindi 'yon magugustuhan ng baby doll natin."

Napailing-iling na lang si Zild habang nagsasalin siya ng panibagong timpla ng kape sa tasa niya. Dahil hindi naman nagpasama sa kanya si Dollie ng araw na 'yon, sa bahay lang siya kasama ang mommy niya.

Habang nagkakape sila sa gazebo nila, nabanggit ng kanyang ina na 'yong "nakausap" niyang basher ni Dollie no'ng nakaraan ay nag-post ng mahabang Facebook rant kung saan ikinuwento nito kung gaano raw siya kabastos sa mga tao sa studio ng araw na 'yon. Ayon pa sa sinungaling na babae, inutos raw sa kanya ni Dollie ang pagpapaalis dito at sa kasama nito. Eh ang babae naman at ang kasama nito ang nag-walk out kahit wala namang pumatol sa pang-po-provoke ng mga ito.

Well, he did lose his composure a bit. Pero sa tingin naman niya, hindi siya naging gano'n kabastos. Mild sarcasm nga lang ang ginamit niya sa dalawang bastos na babaeng 'yon.

"Pagagalitan mo ba ko, Mommy?" tanong ni Zild mayamaya. He was acting nonchalant for show, but he was nervous inside. Kahit gaano na siya katanda ngayon, takot pa rin siya sa kanyang ina. "Do you want me to apologize to those women?"

"Of course not," mabilis at mariing sabi naman ng kanyang ina. "Zild, you did that to defend Dollie. Bakit naman ako magagalit sa ginawa mong 'yon? Saka hindi naman ako naniniwalang binastos mo sila at lantarang pinaalis sa studio gaya ng sabi ng babaeng 'yon sa post niya. Hindi mo sila papansinin kung hindi malala ang mga sinabi nilang masamang bagay tungkol kay Dollie. Tama ba ko, anak?"

Tumango si Zild. "They were really rude to Dollie, 'My." Bumuga siya ng hangin habang iiling-iling. "Mukha ring sinadya nilang iparinig ang mga "opinyon" nila sa fans ni Dollie just for the heck of it."

"Bad-mannered people really exist, son," sabi ng kanyang ina sa boses na may simpatya. "Unfortunately, they are considered normal in a world like Dollie's." Ngumiti ang mommy niya at hinawakan ang kamay niya. "Zild, I'm proud of you. Kahit ano pa ang sabihing masama tungkol sa'yo ng ibang tao, tama pa rin ang ginawa mong pagtatanggol kay Dollie. Thank you for defending her from her bashers."

Pinisil lang ni Zild ang kamay ng kanyang ina. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon kaya iniba na lang niya ang diskusyon. "Mommy, I think you being friends with Dollie is somewhat beneficial to you. You're talking and acting like a millennial. Nahilig ka na sa social media, eh."

Natawa naman ang kanyang ina. "Son, hindi pa ko senior citizen. Saka naging maalam lang naman ako sa social media para ma-follow ko si Dollie. Plus, I like talking to people who also admire her. Because of that child, I gained online friends. Mind you, most of them are even younger than you. For an old woman like me, ang lakas maka-bagets no'n, anak."

Just BecauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon