MAHAL

0 0 0
                                    

Diba sinabi mo sa akin mahal?
Ako lamang ang iyong minamahal
Ngunit makalipas lang ang panahon
Ako ay iyong tinapon.
Hindi ko mawari, ikaw saki'y bahagi
Ikaw ang araw sa bawat araw,
Pag-ibig ko sayo'y panghabang-buhay.
Sa lahat ba ng ating pinagsamahan?
Wala akong maisip na dahilan,
Kung bakit ako ay iyong iniwan.
Ginawa ko naman ang lahat
Ngayon ang puso ko'y bumibigat.
Sa kakaisip ng ating nakaraan
Nakaraan na ayaw ko nang balikan.


WHAT I FEELWhere stories live. Discover now