Chapter 9

24 2 2
                                    


Note: AGAIN SORRY FOR THE WRONG GRAMMAR HUHU...





"Transferee"







Simula nang nangyare sakin with Princeton. Lalong naging maingay ang pangalan ko. At sa panget na dahilan pa. They're saying na 'ang ambesyosa ko daw'.

Ewan, pero kahit na ganon ang nangyare....still mahal na mahal ko parin siya.

Kung dati ay wala akong kaibigan, mas lalo na ngayon. Para akong isang sakit na iniiwasan nilang lahat.

After ng huli naming pag uusap ni Prince. Hindi ko na ulit siya nakausap. Lagi ko siyang nakikita na pakalat kalat sa campus. Minsang nagtama ang mata namin ay nairita siya agad at umalis.

Minsang sinubukan kong mag lunch sa cafeteria, at agad kong pinag sisihan. Doon parin ako sa dati naming table.

Nakatingin lang ako kila Princeton at Kim, his lucky legitimated girlfriend.

Ang saya nila. Kitang kita ko ang malalim na dimple ni Prince. Yung tawa niya kasi labas ngipin, mukang sobrang saya niya.

Yung feeling na parang kahapon lang, kasama niya pa ako. Kaming dalawa habang nagtatawan dahil sa ibat ibang pinag uusapan namin.

Ngayon, itshupera ako. Parang bigla akong hindi nag exist na buhay niya. Umalis nalang ako kahit na hindi pa ako nag lalaunch nun.

Friday night, wala sila mommy. Nasa isang business trip sila ni daddy.

Napag pasyahan kong umakyat ng rooftop. Maganda ang panahon. Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa balat ko. Nag niningning ang bituin sa langit. Ang sarap sa mata.

Huminga ako ng malalim ng biglang sumikip na naman ang dibdib ko. Relax Vianna. Inhale...Exhale.... Inhale.....Exhale... I-inha---pero wala na,... kumawala na ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

"I--i lo--ve..." *sob*

Ang sikip ng dibdib ko.

"Princeton.... B-bakit?"*sob* ang sakit sakit. I can't help but to cry. Just--- just this time. I will let my self from crying. Hahayaan ko ulit ang sarili ko sa gantong sitwasyon.

I've cried. Mag isa. Sa ilalim ng mga nag niningning na mga butuin. Sa malamig na hangin. Pakiramdam ko kinocomfort ako ng hangin. Feeling ko a cold air hugged me.

Nang nag moving up sila Princeton ay patago akong nanood. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya. Yakap yakap siya ng mommy niya. Sana mayakap din kita ngayon.

Nang medyo unti nalang ang tao sa pwesto nila ay nag pasya akong lumapit na sana sa kanya. Balak ko sana siyang batiin bes. Pero hindi pa ako nakakailang hakbang ng biglang may tumalon sa leeg nya.

Niyakap siya ni Kim. (Balllll huhu naiyak ako dito na part sa totoo lang)  Ngiting ngiti si Prince habang pinupulupot niya ang mga braso niya sa maliit na baywang ng babae. Ang saya nilang tignan.

Napayuko ako, sobrang sikip ng dibdib ko. Akala ko ba okay na Vianna?

Ano na naman? S-stop crying p-please...pagod na ako. Pagod na ako sayo!

Kinagat ko ang labi ko ng maramdaman ang panginginig nito. Huminga ako ng malalim at patagong pinunasan ang mga luhang pilit paring kumakawala.

Nag angat ako ng tingin ulit kila Prince. Balak ko na atang patayin ang sarili ko. Patayin sa sakit.

My Seducer Ex Boyfriend[On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon