Chapter 2: Meet the Strangers

400 64 5
                                    

ANIM NA TAON ANG LUMIPAS...


OLIVIA's POV

Ilang taon na rin pala ang lumipas at nanatili pa rin kami nina Mama dito sa Apartel. Natapos na kami ni Alyssa sa elementarya at tutungtong na ako ng 3rd year High School habang si Alyssa naman ay 2nd year. Hindi ko ba alam pero pinapalipat na kami ni Mama ng eskwelahan.


Dahil na rin nga raw sa malayo 'yun ay nagpasya na siyang ilipat na lang kami para hindi na raw kami mahirapan. Saka, sanay naman kami doon kahit malayo. Pero wala, eh, ayaw patalo ni Mama.


Talaga ngang dapat ang solusyon ay pang-matagalan hindi 'yung pansamantala dahil maghahanap na naman kayo eskwelahan. Tsss.


“Kailan kaya tayo babalik kina Lola, 'no, ate?” ani Alyssa. Oo nga, 'no? Magmula kasi nang lumipat kami sa Apartel nina Mama ay bihira kaming makabisita sa kanila. Pero mabuti na rin naman at ayos sila.


“Mas okay pa yatang doon na lang tayo mag-aral.” Sabi niyang muli. Nilingon ko lang siyang muli pero hindi ako nakasagot agad. Kahit naman kasi gustuhin namin doon, eh hindi naman kami 'yung magde-desisyon.


“Ano ka ba, babalik din tayo kapag napag-isipan na ni Mama na umuwi uli tayo doon.” Bigla kong nasabi. Ang parati kasing niyang iniisip ay ang bumukod ng bahay. Ayos naman kina Lola na doon kami pero iba pa rin desisyon ni Mama.


Naglalakad kami ni Alyssa papunta kina Fiona— kaibigan namin. Since, siya lang kakilala namin dito, siya 'yung madalas na pinupuntahan namin sa kanila. Bakasyon na rin naman kaya okay lang sa'min kahit maghapon kaming andoon sa kanila.


Ilang minuto kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa mismong bahay nila. Hays! At last!


“Hoy, Fiona!” Sunod-sunod kong katok sa pinto nila. Ano ba naman kasi wala kaming magawa sa bahay! Maya-maya'y biglang bumukas ang pinto at tumambad sa'min si Fiona.


“Guys! May pupuntahan ako, eh. Pero sasama ko na rin kayo para mas okay.”


“Saan?” Tanong ko. “Kina Emily! 'Yung isa kong frenny. Ano sasama ba kayo? Para naman may makakilala kayong iba, 'no!” Sabi naman ni Fiona sa'min. Ang ine-expect kasi talaga namin ay ang pumunta sa kanila. Pero hayaan mo na nga!


Tumingin muna ko kay Alyssa na hindi nagsasalita pero mabuti na lang at napansin niya 'yun at lumingon siya sa'kin. Segundo ang lumipas bago niyang malaman ang pinapahiwatig ko kung payag ba siyang sumama kami.


“O, sige. Saan ba 'yun?” Sabay lingon ko naman kay Fiona. Atleast may bagong mukha naman. Ilang buwan na rin kasi naming kilala si Fiona at medyo nagsasawa na ko sa kanya. Hahaha, joke!


“Malapit lang! Ano? Tara na.” Speaking of new friends. So excited!




——

“Uy, Emily!” Sigaw ni Fiona. Hm? So, siya pala si Emily. Maganda siya at may katamtaman na balat. Sa unang tingin mo rito ay parang nataray dahil sa mapupungay na mga mata.


Ngumiti ako ng medyo pilit dahil na rin sa kahihiyan. Syempre, di ko naman kilala habang si Alyssa naman ay nanatiling nakakapit lang sa'kin.


“Kamusta, girl?” Nagbeso-beso pa sila.  Sandali akong nagpalinga-linga sa paligid at doon ko napagtanto na nasa harapan pala kami ng malaking bahay. Bahay ba 'to nila Emily?


“Okay lang ako 'no! Nga pala, I want you to meet my friends.” Nagbalik ako sa realidad nang bigla akong tapikin ni Fiona at napatingin ako muli kay Emily. “Hi!” Bigla ko na namang sabi habang nakangiti. Hindi na pilit 'yun, actually.


“Ako si Olivia. At siya naman si Alyssa, kapatid ko.” Sabayan naman 'yun ng pag-ngiti ni Alyssa sa kanya. Sa totoo lang ay talagang tahimik 'tong si Alyssa, mula noon. Pero hinahayaan ko na lang kasi pag naging close niya 'to. Nako! Ang ingay, talaga. “In all fairness, ang ganda mo, ha! Ako pala si Emily.” She said while smiling at nag-shake hands kami.


Lumipas ang ilang oras at para na kaming mga matatagal ng magkakaibigan, hindi ko akalaing gan'to pala kakulit si Emily. Pumumta kami sa isang park na malapit sa kanila at doon kami kumain. Hays, ang saya magkaroon ng bagong kaibigan. Hindi na namin kasi halos mamalayan ang oras at ngayon lang namin napagtantong gumagabi na.


“Halika, girls!” Bigla tumakbo si Emily habang hawak niya ang mga kamay namin ni Alyssa kaya halos muntik na akong matalisod dahil napatakbo na rin ako.


“Since, you two are my friends na. Papakilala ko kayo kay Mama. Alam ko namang this is not the last time na magkikita tayo, girls, diba?” Ramdam ko 'yung ngiti niya sa'min.


Nang makabalik kami sa harap ng bahay nila ay napako na naman ako sa laki nun. Grabe, ang ganda talaga. Hindi na niya nagawang kumatok at basta na lang kaming dumiretso pumasok.


“Ano at umuwi ka pa, Emily?!” biglang bungad sa'min ng isang babae. Medyo napaatras pa ko sa lakas ng boses niya, “Ma, relax! Hindi naman ako gumimik, 'no!” Patawang sagot ni Emily.


“Nako, Emily! Minsan mo na akong niloko! Walang maniniwala sa'yo!” dagdag pa nito. Napayuko kami nina Fiona at Alyssa. Parang gusto ko ng lumabas.


“At sino na naman 'yang mga kasama mo?! Nagdala ka pa ng papakainin dito!” Grabe namang magsalita. “Ma! Mga kaibigan ko sila. Hindi sila masamang tao!” Napangiti ako sa biglang yakap ni Emily sa Mama niya. “Sus, wag ka ng magalit. Papakilala ko sila sa'yo.” Tila ay huminahon ito at humingan ng malalim. “Sila sina Olivia at Alyssa.” ani Emily.


“And, guys. Siya pala si Mama. You can call her Tita Rebecca." Sabi pa muli ni Emily.


“Pasensya na mga, hija. Hindi ko na napigilan, eh.” Napahimas pa 'to sa ulo habang kami ay ngumiti lang. Aba, wala na kaming maisagot, eh.


“Dito na kayo mag-hapunan.” Bigla itong umalis sa harap namin at nag-asikaso kasabay nun nang nakarinig kami na parang may nagtatakbuhan mula sa hagdan.  Napakunot ako nang makita ko ang ilang mga bata.


“Mama! Kakain na ba tayo?” Rinig namin mula sa malayo. Ang dami pala nila rito?


“Umayos kayo! Kundi gugulpihin ko kayo!” Hindi kami maka-imik sa sinasabi ni Tita.


“Uhm, girls? Wag kayong lalayo sa'kin kahit ganto si Mama, huh?” Doon naman kami napangiti ni Alyssa at medyo natawa. What's with her? Hindi kami ganun, 'no. Sanay naman kami dahil minsan ganyan din si Mama. “Of course!” sagot ko naman.


“Anyway, 'yung tatlong nagtatakbuhan sa hagdan kanina, eh mga kapatid ko. Pasensya na sa abala, Masyado lang talaga silang malilikot.” Napakamot pang sambit ni Emily sa'min.


“Kakain na!” Nakuha agad ng atensyon namin 'yung pagsigaw ni Tita kaya agad kaming tumungo roon.


Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Ang sungit kasi. Pero hayaan na, sa una lang naman ganito pero alam ko namang mabait si Tita Rebecca.

The PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon