Chapter 6: Revealed

240 18 0
                                    

ALYSSA's POV

Lahat kami ay nasa salas at nanonood lang ng telebisyon. Hindi ko rin alam ang dapat kong gawin kasi naninibago pa ako sa paligid ko. Pero may parte naman sa'kin na ayos lang kasi kahit hindi naman kami nasanay na nandya'n sila Emily ay alam ko namang pag tumagal kami rito masasanay rin akong kasama sila.


Nanonood man kami ng telebisyon ay hindi naman doon nakatuon ang isip ko. Hanggang ngayon kasi naga-alinlangan ako sa ugali ni Tita Rebecca. Hindi ko sigurado o masiyado lang ba akong mapang-husga? Basta minsan kasi siyang mabait pero madalas masungit kaya ni hindi ko alam kung paano namin siya pakikisamahan.


"So, kumusta naman ang unang araw niyo rito bilang mga boarders ko?" Para bang may pumitik sa'kin at nagbalik ako sa realidad nang marinig ko si Tita Rebecca. Nakingiti siya sa'min ni ate.


"Ayos lang po." Nginitian ko lang din siya pero masasabi ko talagang pilit lang iyon.


"Nako, Tita! Ayos na ayos kami rito. Mabuti na lang at ngayon, e may mga kasama na kami. Hindi po kasi tulad sa tinutuluyan namin noon halos kami lang ni Alyssa araw-araw ang magkasama." Saad naman ni ate habang nakangiti. Kung ikukumpara ang ugali namin ng kapatid ko? Alam kong mas mabait siya sa'kin. Ako kasi nagagawa kong magtaray or what pero nasa lugar naman, e siya? Ni minsan hindi ko siya nakitang gawin iyon.


"Talaga?" Sagot ni Tita Rebecca na hindi mo man lang malaman kung ano ang ekspresyon ng mukha niya. Bahagya pa akong nadismiya sa sinagot nito kay ate, hindi lang ako nagpahalata. Tss, sa haba nang sinabi ng kapatid ko iyan lang isasagot niya?


"Opo."


"Ah okay, sige dito muna kayo at may gagawin pa ako. Maliwanag?" Hindi niya lang iyon sinabi sa'min ni ate kundi kasama na rin doon sina Emily at sa mga kapatid nito at tanging pag-tango lang ang sinagot namin sa kaniya bago pa man siya umalis sa harap namin.


Sinundan ko siya ng tingin nang biglang tawagin ni Emily si ate.


"Hey, Olivia. Wanna go out?" Napakunot-noo pa ako sa pag-aya niyang iyon habang si ate naman ay parang sang-ayon sa sinabi nito. Teka, mahirap na baka magalit si Tita Rebecca.


"Ma! Labas lang kami saglit. Bye!" Lumapit ito kay Tita sa kusina. Nagulat pa ako nang marinig kong ibinagsak nito ang mga plato na nasa lababo.


"Puro ka alis! Kung tinutulungan mo ko rito?!" Matalim ang tingin nito kay Emily habang kami ni ate ay nakatingin lang sa kawalan, 'yun din kasi ang paraan ko para hindi ko masiyadong damdamin ang sinasabi ni Tita kahit hindi naman kami ang tinutukoy niya. Oo, nakakainis siya pero pangako, tutulong talaga ako kay Tita para iwas sermon.


"Puro na lang kayo problema ng mga kapatid mo. Wala ka namang perang maibigay sa'kin!"


Alam kong natural na sa tao ang mainis pero 'yung ganito? Kakaiba, e. Bago pa man muling magsalita si Tita ay hinatak na agad ni Emily si ate sabay kapit sa kaniya.


"Hayaan mo lang siya,"


"Sama ako sa'nyo, ate." Tugon ko agad. Alam kong ramdam ni ate na natatakot ako dahil hindi naman mga bingi ang mga tao rito para hindi marinig ang lakas ng boses ni Tita, 'yun nga lang parang dedma sa mga kapatid ni Emily ang pinagsasabi nito dahil abala sila sa panonood ng tv.


-


OLIVIA's POV

Para akong nakalaya sa isang preso nang makalabas kami ng bahay nila Emily.


"So, saan tayo pupunta?" Tanong ko. Sa totoo lang, maganda naman sa lugar nila Emily, may mga convience store at fast food restaurant na halos wala na rin akong ginawa kundi luminga-linga sa paligid habang itong si Alyssa naman ay tahimik na nakakapit sa'kin. Sabagay, hindi nga pala sanay sa tulad ni Tita Rebecca ang kapatid ko kaya sumama siya sa'min.


The PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon