OLIVIA's POV
Nagulantang ako sa mga binatawan na salita ni Tita Rebecca. Sa totoo lang takot at kaba ang naramdaman ko dahil unang beses ko siyang nakitang ganito.
"O-opo." Sabi ko. Natataranta ko, ayokong pati kami ni Alyssa ay madamay.
"S-sorry, Tita. Gusto ko lang naman po itigil 'yung gulo. Huminahon po kayo." Sabi kong muli ngunit tinapunan niya lamang kami ng matatalim na titig pero kinibit-balikat ko na lamang.
Nilingon ko naman ang gawi ni Jonas at nakaupo na ito ngayon sa sofas habang wala pa ring tigil sa pag-iyak. Nakatalungko siya sa kadulu-dulohan ng sofas na para bang ang ibig niyang sabihin ay ayaw niya muling masaktan. Alam ko ang gano'ng pakiramdam lalo na't kung aksidente lang naman 'yung nangyari.
"Hampas ko sa'nyo 'to, e!" Hawak ko sa kamay si Alyssa nang sabay kami napaatras sa akma ni Tita Rebecca na paghampas sa'min. Alam ko namang hindi niya magagawa 'yun, lalo na't boarders niya kami at binabayaran naman siya nila Mama, 'noh.
"Umalis kayo sa harapan ko." Sabay baba niya sa hawak na paddle pero nananatili pa rin doon ang matatalim niyang titig. Hindi na kami nag-abalang sumagot kung kaya't tumungo agad kami sa salas para isabay na rin munang ipanhik sa kuwarto si Jonas. Mabuti na lang at pumayag siya pero bakas pa rin dito ang takot dahil mahigpit ang yakap nito sa'kin habang kami ay palakad papuntang kuwarto. Hindi ako psychologist pero alam ko na magkakaroon ng epekto sa bata 'yung nangyari.
Ilang minuto ang ginugol namin ni Alyssa para ito ay tumahan. Ilang beses namin siyang sinabihan na nainis lang si Tita Rebecca pero hindi magbabago ang pagmamahal nito sa kaniya. Na kahit ilang beses siya makarinig ng masasakit na salita ay huwag panatilihin sa isip, pasok sa loob ng tainga pero labas sa kabilang tainga. Bandang huli naman ay naging okay siya at nakakagaan iyon sa pakiramdam para sa'min. Inaya namin siyang maglaro ng bato-bato pick para kahit papaano rin ay mabaling ang isip nito.
Na kung sino man ang matira at manalo ay siyang gagawa ng dare. Para sa first round ay natalo si Alyssa at ako ang sunod na kinalaban ni Jonas. Kung pangalawang beses pa uli manalo 'tong si Jonas, tapos na 'tong larong 'to. Pero kung manalo ako ay kakalabanin muli ni Jonas si Alyssa para kung sino man ang manalo sa kanila ay ang kakalaban sa'kin sa championship round.
"Aba! natalo mo kapatid ko? Magaling ka!" Sabay tawa ko. Dati-rati kasi ay mahilig kami maglaro nito nina Alyssa at ate Kelly pero si Alyssa ang madalas manalo. Nakakapanibago lang ngayon dahil natalo siya.
"Ready ka na ba, ate?" Iba na ang awra niya. Mabuti na lang! Ayoko kasi na may nakikitang umiiyak na bata kahit gaano pa itong kakulit.
"Bato-bato pick!" Sabay kami. Papel ang gamit ko habang siya ay gunting. Hm! Pakiramdaman lang kasi ang basehan ko rito. Okay mali ako.
"One!" Hagikhik ni Jonas. Bale apat na daliri na lang.
"Bato-bato pick!" Hindi ko aakalaing magaling pala rito si Jonas. Paano ba naman kasi ay dalawang beses lang akong nanalo at matapos nu'n sunod-sunod na ang magkapanalo niya. Aminado naman din ako na hindi talaga ako magaling sa bato-bato pick.
"Panalo 'ko mga ate!" Nagtatatalon siya sa sobrang saya. Atleast diba? Hindi na siya malungkot.
"Sinadya talaga namin 'yun para hindi ka malungkot baka kasi pag ako nanalo, e humagulgol ka riyan." Pang-aasar naman sa kaniya ni Alyssa. Natawa ako roon pero siniko ko siya agad at baka mag-alburoto na naman 'tong bata.
"Joke lang niya 'yun, Jonas. Hindi lang niya matanggap na talo siya." Ngumiti ako at pasikreto kong pinandilatan si Alyssa. Nag peace-sign lang siya.
"So, ano naman ang dare mo sa'min?" Tanong ni Alyssa. Umayos ng pag-upo si Jonas at saglit na nag-isip. Sana naman madali lang.
"Maglalaro po tayo ng toys ko hanggang gabi!" Ah, 'yun lang. Teka, hindi na ko bata! Hays. Ayoko sana pero mapipilitan kami.
BINABASA MO ANG
The Punishment
Literatura Faktu[EDITING] There are some scenes that are not suitable for very young audience.