Chapter 7: When You Fail, You'll Pay

227 17 0
                                    

EMILY's POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may sumisipa sa aking paa na lalo kong kinainis nang makitang si Mama pala iyon.


"Ano ba?!" Sabay layo ng paa ko. Sa totoo lang kaya ko natulog kagabi matapos naming mag-away para pahupain 'yung init ng ulo ko pero heto na naman ang bungad sa'kin?


"Kung bumangon ka diyan at tumulong sa baba?!" Lumingon muna ako sa bintana namin at roon ko nalaman na umaga na pala, hindi ko napagtantong ang haba na pala aking tinulog. Hindi ko na ring nagawang sumagot muli at baka ano pa ang masabi ko at pag initan na naman niya ako kaya bumangon na lang ako habang nayayamot sabay nilisan ang kuwarto.


"Ate, ginigising ka namin kagabi para ayain kang kumain kaya lang tulog mantika ka." Sabi sa'kin ni Peter habang pababa ko ng hagdan.


Bahagya akong natawa sa sinabi ng kapatid ko. Tulog mantika talaga as in? Pero mas ok na nga iyon at baka magbangayan na naman kami ni Mama, susmaryosep. Saka alam ko ang salitang "respeto." sa hapag-kainan.


"Sorry na. Ayan, okay na?" Sagot ko sa kapatid ko. Kahit kailan talaga hindi ko maiwasang magtaray.


"Ikaw pa galit, te? Ikaw na nga ginigising kagabi gaganyan ka pa." Sagot uli ni Peter sa'kin. Nakakunot ang noo niya, segundo siyang nakatingin sa'kin na para bang nagtatampo saka siya umalis sa harap ko.


Pakialam ko? Ako pa ang susuyo sa kaniya? No way! He's just a kid at ate niya ko.


After kong maghilamos ay nilapang ko agad pagkain sa lamesa. Nagutom ako! Mabuti na lang at may kanin.


"Baka naman pati iyan, Emily katatamaran mo rin ligpitin at hugasan, ha?" Peste! Heto na naman ang bunganga ng nanay ko.


"Wag mo muna po 'kong pangunahan, Ma. Hindi pa naman ako tapos kumain." Mahigpit ang hawak ko sa tinidor ko dahil sa gigil. Umagang umaga nakasimangot na naman ako dahil sa kaniya.


"Antipatika! sumasagot ka pa! Hampas ko sa'yo tong walis at tambo, e." Hampas mo, babalik din naman sa'yo 'yang ginagawa mo. Matapos niyon ay dumiretso siya ng sala.


"Hoy, hoy, hoy! Good morning!" Para bang nabuhayan ako sa boses na iyon na narinig ko. Napalitan ng saya nang makita kong palapit sa'kin sina Olivia at Alyssa. Actually, silang dalawa 'yung stress reliever ko rito sa bahay kaya ang suwerte ko rin pala.


"Nakita kasi naming parating si Tita Rebecca sa sala, e nandoon kami saka abala kaming nanonood sa TV pero natakot kami agad nung narinig na namin siyang sumisigaw." Pabulong na turan ni Olivia. Sinasabi ko na, e. Mukhang mga takot 'to kina Mama.


"Saka, ganito talaga ko minsan pag may nagagalit sa loob ng bahay, uunahan ko ng pampagood vibes o bigla akong babati para mabaling ang atensyon nila." Dagdag niya pa. Hm, mukhang effective naman.


"Salamat, girls! Halika kumain uli kayo."

-

Sa haba ng oras ay ganoon lang din ang nangyari. Ginawa ko naman ang mga pinapagawa ni Mama sa'kin, na madalas si Olivia ang parati ring nandiyan para tumulong. Gaya ng paglinis sa mga sulok ng bahay, pagplantsa ng mga damit at the same time 'yung mga kailangang tiklupin at itabi.


Habang ako tamad na tamad at madaling mapagod sa gawaing bahay, e itong si Olivia e para bang mahal na mahal ang kaniyang ginagawa. Bahagya akong nainggit sa kung ano meron siya.


Sandali! Kaibigan ko siya, boarder namin siya, so... bawal mainggit.


"Mama, aalis muna ko." Hindi na ako humugot ng lakas ng loob dahil nagawa ko naman na ang parte bilang anak rito sa bahay.


The PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon