Chapter 2

6.4K 109 1
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Mabilis akong naligo at nagbihis ng skinny jeans at white plain shirt at isang necklace accessory na nabili ko sa halagang singkwenta. Pinaresan ko ito ng black na sneakers. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok na beach waves ang pagkakulot at nag-lip tint. Sobrang layo ng itsura ko sa prinsesang kilalang kilala ko. I sighed. Well, wala na akong perang pambili ng kahit anong mamahalin ngayon.
Oh, dear self, you'll survive, piping sabi ng utak ko.

Pagkababa ko, nakahain na ang almusal na inihanda ni Mama at may note na nakaipit sa plato. Pumasok na siya sa trabaho.

Si Mama Celine, she's my savior. Nagtatrabaho siya bilang assistant sa isang boutique para may pangtustos kami sa pang araw-araw at para na rin sa pag-aaral ko. Although, I still have my atm and credit cards with me, hindi ko ginagalaw ang mga ito. Ayaw din ni Mama Celine. I want to show my dad na kaya ko to. That it was a big mistake na basta basta niya na lang ako pinaalis after that night.
Also, ayoko din na matrack kung nasaan ako ngayon. Oo nga at pinaalis ako ng ama ko, pero alam ko din na lihim na pinababantayan niya ako sa mga guards nya. Lalo na nung unang buwan ko pa lang sa bansang ito.
And I can't bear it anymore. Kaya pinilit ko si Mama na umalis sa dati naming tinitirhan at lumipat. Sinadya naming umalis ng madaling araw dahil alam kong di kami masusundan nang ganung oras.

And now, nakalaya na ako sa pagmamatyag nila. I don't want my father to know kung saang parte ng Pilipinas ako naroon. "But it was your fault!" sigaw ng utak ko.
"I know I'm at fault but he didn't listen to my plea. He didn't give me any chance to explain myself kung bakit ko nagawa yun."  parang baliw kong sinagot ang sarili.

I wanted to earn my father's trust again but not now. Pakiramdam ko, nasasakal ako kapag may nakabantay sa akin. Pakiramdam ko wala pa rin syang tiwala sa akin. And that fucking hurts. Big time. I have to prove to myself first na kaya ko nga maging independent. That I can survive kahit wala ang titulo at yamang nakagisnan ko. And when the time comes na may napatunayan na ako, then I know that I deserve to go back and face my father.

I made my way outside and locked the house and gate.  Maayos akong nakasakay ng jeep at hindi lingid sa kaalaman ko na sinusulyapan ako ng mga pasaherong nakasakay sa jeep. Di naman sa pagmamayabang, maganda naman talaga ako. Charot! Haha. Back in England, walang nangangahas na titigan ako at tumingin nang diretso sa mga mata ko pero dito sa Pilipinas,I am a normal person. It pissed me off at first but eventually, nasanay na din ako. Can't blame them though. Di nila ako kilala. It's kinda refreshing actually.

Bumaba ako sa tapat ng school at sakto namang may dumating na Mercedez Benz. Si Saffi.

"Hi Saffi!" nakangiti kong salubong sa kanya. She's wearing a blue sleveless dress which is above the knee and a stiletto. Lutang na lutang ang ganda ng aking friend.

"Hello Zara, kumusta si Lottie?" nakangiti ni yang bati sabay beso sa akin.

"Tse, ayan ka na naman Ms. Minchin eh!" sabay tawa. "Akala mo ha?" nangingiti kong sabi.

Maya maya lang ay sabay dumating si Raven na nakaripped jeans at nakablack na halter blouse at may nakapatong na red leather jacket at low cut boots at si Quincy na naka-light pink na asymmetrical top at black leather skirt. She's wearing a black strapped stiletto.

"Hi girls!" sabay nilang tawag ni Saffi. Mabilis na lumakad palapit sa amin ang dalawa.

"Hello Zara and Saffi. "You both look pretty today."

"Oh, tell us something we don't know" we both said, rolling our eyes.

We all giggled at sabay nang pumasok sa loob ng school.

The Bratinella Series 1: The Poor Princess (Zara &Duke) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon