Marahil, nagtataka kayo kung paano nag-umpisa mabuo ung Bratinellas no? Actually, silang tatlo lang talaga ang original na miyembro ng grupo. At maraming may gustong maging kaibigan sila, kasama na dun sila Margaux. Sino ba namang hindi? They're all pretty at super rich.Kaso snob kasi sila Saffi, Raven at Quincy. Sila kasi ung tipong hindi nakikipagplastikan.Kaya ganun na lang ang inis ng mga kaeskwela kong babae sa akin nung nakasama ako sa grupo nila Saffi. Syempre, mahirap lang ako eh tapos mas tinanggap ako nila Saffi imbes na sila.
Hindi ko makakalimutan yung araw na nakilala ko sila.It was the first day of the semester. Kakapasok ko lang sa sa room para sa subject na College Algebra. Nakaupo na ako sa sulok na upuan nung may dumating na tatlong magagandang babae. The first one look so angelic, ung isa naman she looks so fierce and fab at yung huli, she has a sweet smile. Para silang nanggaling sa isang fashion magazine. Kahit ang mga kaklase namin ay natutulala sa kanila. Umupo sila sa upuang nakahilera sa harapan ko.
Kinuha ko ung bag ko at inilabas ung libro ko. Nang biglang may humablot ng bag ko, at pagtingin ko may isang babaeng makapal ang makeup at maiksing skirt. Don't get me wrong, maganda naman sya pero dahil sa kapal ng makeup nya eh, naooverpower nito yung natural na itsura nya.
"Yes?" tanong ko. Hawak nya yung bag ko.
"Who told you to sit on my chair? That's my spot there and ikaw walang pangingiming inagaw ang upuan ko?" magkasalubong ang kilay at mataas ang boses na sagot nito.
Syempre ako bilang isang prinsesa, never na may nagtaas ng boses sa akin. Maliban na lang siguro sa papa ko. Kaya sinagot ko din sya.
"Oh, i didn't know na sayo pala itong upuan. Wala naman kasing nakasulat na pangalan."direktang sagot ko.
Natahimik ang buong kwarto sa sagot ko. Naramdaman kong lumingon ang magagandang babae sa harapan ko.
"How dare you bitch? Nakita mo yung itsura mo?You can't even afford to buy decent clothes. You look like trash. Ano ba ang ginagawa ng isang mahirap na kagaya mo dito sa school naming mayayaman.? Ako.pa talaga ang kinalaban mo ha? "gigil na sagot nya.
Bigla nyang binaliktad ang bag ko at nilaglag ang laman nito. Inapak-apakan nya ung mga notebook at ballpen ko. "Tignan natin kung may pambili ka pa nito."nakangising sagot nya.
Pakiramdam ko tumigil ang mundo.ko.Biglang nagdilim ang paningin ko. Naisip ko si Mama Celine. Pinaghirapan ni Mama ang pinambili ng mga gamit ko sa school. Hindi naman kasi kalakihan ang sweldo ni Mama bilang assistant sa boutique. Sya ung taga-ayos ng mga items sa boutique at kung ano ang iutos ng may-ari, yun ang ginagawa nya. Naisip ko ang mga araw na nag-oovertime si Mama para may pantustos kami. Tapos aapak-apakan lang ng babaeng yan. Hindi ako nakapagpigil.
"Hindi mo alam ang hirap ng Mama ko mabili lang yan. You don't have the right para gawin yan." nanggigigil na sagot ko.
Tinawanan lang nya ako. Lalo akong nanggalaiti sa kanya.
Sasampalin ko na sana sya nang biglang nagsalita ung isa sa mga magagandang babae.
"Margaux, hindi ka ba nahihiya sa mga ginagawa mo? I thought you have class pero it seems that you grew up in the streets. That is not how a socialite is supposed to react. Kaya pulutin mo na yan and apologize to her." ang sabi nya.
"No Saffi, I won't apologize to a beggar like her. Margaux never bows down to a commoner." sagot nung babaeng tinawag na Margaux.
"Yes you will. Baka nakakalimutan mo, I am the school president kaya susunod ka kasi kasalanan mo yan kung ayaw mong maireport kita sa Dean's office and you know I am not joking."sabi nung babaeng Saffi ang pangalan.
BINABASA MO ANG
The Bratinella Series 1: The Poor Princess (Zara &Duke) COMPLETED
RomanceZara Nicole Bermudez - Thompson. Certified Bratinella. Whatever she wants, she gets. Designer clothes, bags, shoes, the most expensive jewelries,cars, name it. She has it all. She's used to have everything at her command. She's a princess after all...