Chapter 3

4.4K 96 0
                                    


Zara POV

Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit na sa room namin. Parang pakiramdam ko hinihigop ni Duke ang lakas ko habang matiim syang nakatitig sa akin. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa habang may dalawang babae na panay ang kapit sa matitipunong braso nya. Si Griffin naman ay tahimik na nakamasid sa amin. Si Neal ay nakikipaghalikan sa isang babaeng namumukhaan kong isang model. Tsk tsk, sayang ka lang girl, iiyak ka lang din pagkatapos, naisip ko.

Si Neron ay biglang nawala. Hay. Bigla na lang ngumisi ang tatlo. Teka, parang may mali.

"Shet, bakit ba ganyan makatingin tong lokong to." mahinang bulong ko.

Nang ilang hakbang na lang kami, biglang may naghagis ng kahon na laman ay puro ipis. 

"Aaahhhhh! Omg! Ewwww.. Nakakadiri! Shet! Ilayo nyo yan, ilayo nyo yannn!! " nahihintakutang sigaw namin. Tumatalon kami at pilit tinatanggal ang mga ipis na gumapang sa binti at braso namin..

Humahagalpak sa tawa ang apat na gago pati na rin ang mga babaeng kasama nila. Lalo na si Neron, naiiyak na siya sa kakatawa. Gagong to, kaya pala nawala, nagtago lang pala at may masamang balak pa. Di na ako makakapayag nito.

"Will you all please fuckin' shut up?" Napasinghap ang mga taong naroon. "Anong nakakatawa? Walang nakakatawa. You assholes and bitches." sabay baling ko sa mga malalanding babaeng kasama nila.  Tsk tsk, mayayaman daw, wala namang breeding. Yan lang ba kaya nyong gawin?Ikaw Neron, bakla ka ba? Kailangan mo pang magtago para patraydor kang tumira. Inutusan na naman kayo ng demonyo nyong lider?! "

"What did you say?" nagtagis ang bagang na sagot ni Duke.

"I said you're an asshole.  Pwede ba, if you're bored with your lame lives, wag niyo kaming idamay. Better yet, magpakamatay na lang kayong lahat. Nabawasan pa ang mga demonyo sa mundo." ngising aso kong sabi.

"Oh yeah. Damn girl, magiging malungkot kayo kapag hindi niyo kami nasilayan. Maraming girls na iiyak. At di ba sanay ka naman sa mga ipis, right? Don't act as if you came from a wealthy family para mag-inarte. Hindi bagay sayo Zara."

Konti na lang masasapak ko na tong hayop na to.

"So kapag mahirap hindi na pwedeng matakot sa ipis? Oh c'mon Duke , what kind of brain do you think you have? And hello, maglulundag kami sa tuwa pag nawala kayo dito!" balik kong sagot sa kanya.

Isa pang sagot Duke and my fist will say hello to your face.

Kumawala siya sa mga babaeng nakakapit sa kanya at dahan-dahang lumapit sa akin. Lalong domoble ang kabang nararamdaman ko. Shet, I can smell his manly scent. Napalunok ako.Nasa likod ko ang mga kaibigan ko. Si Saffi ay hinawakan ang kamao ko. Alam na alam niyang napapatid na ang pasensya ko.

"Don't you dare answer me like that missy. Or you'll regret it." nakatiim bagang na sagot niya. At mas humakbang pa palapit. Natulala ako sa paglapit nya. He's freakin' hot. Oozing hot at ang bango bango pa nya, sigaw ng isip ko. Pilit kong kinontra ang sarili ko. Oh dear self, don't ever think about it. Think of all the girls na pinaiyak nya. He's a manwhore.

"Cat got your tongue?" nakangising tanong nito.

"Don't you ever lay a finger on my friend Sanchez. Baka nakakalimutan mong ako ang school president. At ikaw Morales, I'll make sure that this is reported to the Dean's office. You're such a jerk!" matigas na sabat ni Saffi.

"What's with the last name babe?" si Neal naman ang sumabat.

"Tse, don't you ever call me that Sanchez 2. Babe mong mukha mo. Eeww. " Saffi rolled her eyes.

Me, Raven and Quincy chuckled at her remarks hanggang sa nauwi iyon sa tawa.

"What?" madilim ang mukhang sabi ni Duke.

"Nakakatawa kasi kayo, thinking na pati kami magkakandarapa sa inyo." nakangising sagot ko.

"Yeah right! Over our dead sexy bodies." sagot ni Quincy.

Biglang tumikhim si Griffin.

"I think it's the other way around for me right Raven?" ngising asong sabat ni Griffin.

Namula si Raven. "That was one mistake Griffin, and I regret it. Kaya huwag mo nang inuulit-ulit pa." sabi ni Raven. Minsan na kasing nagtapat ng pagmamahal si Raven kay Griffin pero she got rejected. Minsan na itong nabanggit ni Saffi pero di rin namin alam kung ano yung talagang nangyari. Ayaw na kasing pag-usapan ni Raven.

Napatiim-bagang si Griffin. Tinapik sya ni Neal sa likod at bumaling kay Saffi. "You're my future wife, brat so learn to like me, whether you like it or you like it."

Napasinghap yung babaeng kalaplapan ni Neal kanina.

"Shut up Sanchez 2! You have the nerve to say that in front of that bitch na kahalikan mo kanina. Eew. I'll never marry a manwhore like you." gigil na sagot ni Saffi at biglang tumalikod at pumasok na sa room.

"Tsk, tsk, pathetic guys. Hey Duke, bakit di mo pigilan ang mga alipores mo? Di ba ikaw naman ang lider ng F4?" nanunuyang sambit ko.

"More like lider ng mga bibe." si Quincy.

"Lider ng mga assuming kamo." si Raven naman.

Di makapaniwalang napatitig sa amin ang mga jerks. "What the f*ck? " sabay nilang nasambit. Sasagot pa sana sila nang biglang nagring na ang bell.

Hinawi namin ang buhok namin at sabay iniwan ang tatlo at pumasok na din sa room.

The Bratinella Series 1: The Poor Princess (Zara &Duke) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon